516 Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang katotohanang may ganoong epekto si Snow Lutos ay hindi rin inaasahan ni Jun Wu Xie. 

Hindi maintindihan nila Qiao Chu kung ano ang sinasabi ng maliit na tupa at wala din silang ideya kung ano ang sinabi ng maliit na itim na pusa. Nakatingin lamang sila kay Jun Wu Xie, naghihintay na ipaliwanag sa kanila ni Jun Xie.

Walang magawa si Jun Wu Xie kung hindi ang ipaliwanag ang mga sinabi ng maliit na tupa.

"Ang ibig sabihin, noong tumakas ito ng nakalaban natin ito ay dahil kay Little Xie?" Tanong ni Qiao Chu habang hinihimas ang kaniyang baba. Pinagtakahan niya iyon kung bakit ang isang makapangyarihan ng Guardian grade Spirit Beast ay mabilisang tumakas sa kanila.

Ang tangang tupa ay may angking mataas na lebel ng katalinuhan at maintindihan kung ano ang sinabi ni Qiao Chu. Dahan-dahang ibinaba nito ang kaniyang ulo na tila nahihiya.

[Ang katotohanan niyan, noong nga panahong iyon, tumakas ako dahil sa takot akong masaktan...]

[Pero iyan ay mananatiling isang sekreto. Kahit anong mangyari, hindi ko sasabihin sa kanila!]

[Humph!]

[Wala akong sasabihin kahit isang salita!]

"Meh~Meh~" itinaas ng tupa ang kaniyang ulo at tiningnan ng kaniyang determinadong mga mata si Jun Wu Xie.

[Sasama ako sa iyo simula ngayon!]

Nakangiwi na isinalin sa lengwaheng maiintindihan ni Jun Wu Xie ang sinabi ng tupa.

Nanatiling tahimik si Jun Wu Xie ngunit hindi rin tumanggi. Nakatingin lang siya sa tangang tupa, pinag-iisipan kung tatanggapin niya or tatanggihan.

Kumurap ang mga mata ng tupa habang nakatingin kay Jun Wu Xie ng biglang may naalala ito. Ikiniling nito ang katawan at hinayaang matumba ang katawan sa sahig. Nagsisipa ito hanggang sa naiikot nito ang sarili, ang tiyan na puno ng balahibo ay ipinakita at ang mga paa nito ay nasa ere.

Hindi napigilan ni Qiao Chu ang humagalpak sa tawa nang makita niya ang posisyon ng tupa habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa tiyan nito.

"Ano ito?! At isa pang Guardian grade Spirit Beast! Hahaha... Sadyang nakakatawa ito..." sabi ni Qiao Chu habang pinupunasan ng kamay nito ang luha sa kakatawa.

Hindi pinansin ng tupa si Qiao Chu at nanatili sa ganoong posisyon.

[Humph! Tangang mga tao! Hindi maintidihan ng lalaking ito ang aking pagkamalikhain!]

Lumuhod si Jun Wu Xie sa harap nito at inilapit ang kamay sa mabalahibong tiyan ng tupa upang haplosin ito. Natuwa si Jun Wu Xie sa sobrang lambot ng balahibo nito.

"Pwede kang sumama sa akin pero kailangan mong makinig sa lahat ng sasabihin ko." Nagpatuloy si Jun Wu Xie sa paghaplos sa mabalahibong tiyan ng tupa. 

"Meh~"

[Alam niya na ang pagkamalikhain ko ay walang kapantay! Meh!]

Naalala ng tupa na nagustohan ni Jun Wu Xie ang kaniyang malambot na balahibo ng binuhat siya nito kanina. Kung kaya ginamit niya ito upang pumayag si Jun Wu Xie sa gusto niyang mangyari.

Pagkatapos niyang matikman ang damo na nabiyayaan ng Snow Lotus, hindi niya na makalimutan ang matamis at makatas na lasa nito at dahil dito ayaw niya na sa ordinaryong damo. Kung hindi siya nakasunod kay Jun Wu Xie, baka maging buto't balat na lamang siya at hindi niya na matitikman ang hindi makakalimutan ang napakasarap na damo muli.

"Pangalan." Tanong ni Jun Wu Xie.

"Meh~Meh~"

Hindi na kailangan isalin pa ng maliit na pusa upang maintindihan ni Jun Wu Xie.

"Meh meh?" Tanong niya nang nakataas ang kilay.

"Meh! Meh!"

[Ang pangalan ko ay Panginoong Meh Meh!]

Isalin ng itim na pusa para kay Jun Wu Xie.

"Panginoong Meh Meh?"

"Meh~"

Walang masabi sila Qiao Chu at ang mga kasamahan nila habang nakatingin lang na mag-usap si Jun Wu Xie at ang tupa. Ang usapan ng dalawa na kasama ang maliit na itim na pusa ay higit na nagpagulo sa mga isipan ng kaniyang mga kasamahan.

Pagkatapos mapag-usapan nila ang mga kondisyon, hindi na pinigilan ni Jun Wu Xie na sumunod ito sa kanila. Dahil sa bago nitong mapagkakainan, masayang nagtatalon ang maliit na tupa habang kumakain ng damo na nasa palibot ng paa ni Jun Wu Xie. 

"Gusto mo talagang isama iyan?" Hindi pa ron maintidihan ni Qiao Chu kung ano ang nangyayari. Ang mga tao ay pumupunta sa Battle Spirits Forest upang manghuli ng Spirit Beast at makakuha ng spirit stones. Pero dinaig ang lahat ni Jun Wu Xie, hindi lamang siya nakapatay ng nga Spirit Beast, may kasama pa siyang isang Spirit Beast pabalik! At isa pang Guardian ang antas!

Anong klaseng suwerte ang meron siya?!

"Mmm." Tumango si Jun Wu Xie bilang pagtugon. Kung hindi lang dahilsa maiksing buhay, mas sasaya si Jun Wu Xie na isama ang mga malalambot at mabalahibong alaga.

avataravatar
Next chapter