514 Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang tila puting bilugang nyebe ay tumakbo palapit sa kanila, ang mga paa nito ay nakaunat!

Nakita na Jun Wu Xie ang maliit na hindi makilalang puting pigura, tumatakbo papunta sa kaniya!

"…"

[Hindi! Malalaman nila na nandito ako!]

Bago pa makarating sa harap ni Jun Wu Xie, biglang tumigil ang maliit na tupa! Ngunit dahil sa bilis ng takbo nito, gumulong-gulong ito sa berdeng damo sa lupa. Dahil sa gulat at takot, mabilis na tinakpan ng maliit na tupa ang kaniyang mga mata gamit ang dalawang paa nito.

[Hindi mo ako makikita, hindi mo ako makikita.]

"…" Tinitigan ni Jun Wu Xie ang maliit na tupa sa kaniyang harapan. Hindi siya makapagsalita…

Bumunghalit ng tawa si Qiao Chu.

Ang maliit na tupa ay tumakbo at nagpagulong-gulong sa harap nila Jun Xie.

Hindi dahil nagtakip ito ng mga mata gamit ang dalawang paa sa harap ay hindi na siya makikita!

"Alis." Tumalikod si Jun Wu Xie at nagsimulang maglakad palayo, hindi na muling tinapunan ng tingin ang maliit na puting tupa.

Hindi pa din tumitigil sa pagtawa si Qiao Chu na nakasunod lamang sa kay Jun Wu Xie at sa iba pang kasamahan.

Ang maliit na tupa ay sumilip sa likod ng mga paa nitong nakatabing sa mata nito. At nang makitang naglalakd na palayo sila Jun Wu Xie, mabilis itong tumayo at sumunod sa kanila.

Sa kanilang paglalakbay, bawat pagtigil ni Jun Wu Xie, sa paglingon sa likod ni Qiao Chu ay makikita niya ang maliit na tupa na nakahiga sa lupa at nakatakip ang mga paa sa kaniyang mga mata.

At kapag nagsimula na ulit maglakad si Jun Wu Xie, tatayo itong muli at susunod. Ang maliliit nitong mga paa ay masayang inhahakbang sa lupa. Ang maliit na tupang ito…ay determinadong sumama sa kanila!

Nakasunod pa din ang maliit na tupa sa kanila.

Hanggang sa napaagod na si din si Jun Wu Xie.

"Little Black."

"Meow?"

"Paalisin mo na iyon."

"Meow!"

[Naiintindihan ko! Kailangang takutin ko ito! Masusunod!]

Ang maliit na itim na pusa ay tumalon sa lupa galing sa balikat ni Jun Wu Xie at eleganteng naglakad palapit sa maliit na tupa na nakatakip pa rin ang mga paa sa mga mata nito.

Si Qiao Chu at ang kasamahan ay interesanteng nanood sa nangyayari habang pinipigilan ang kanilang mga sarili na bumunghalit ng tawa.

"Meow." Aroganteng nakatayo si Little Black sa harap ng maliit na tupa, ang mga mata nito ay puno ng inis.

"Meh?" dahan-dahan inalis ng maliit na tupa ang maliit nitong paa na nakatabing sa mga mata nito, at sinilip ang maliit na itim na pusa na nakatayo sa harap nito.

[Alam na nila! Nalaman na nila na nandito ako! Meh!]

Sa pagkakataong iyon, ang maliit na tupa ay natakot at ang bawat balahibo nito ay tumayo!

Mariing tinitigan ng maliit na itim na pusa ang maaliit na tupa na paikot-ikot, natatakot at hindi makapagsalita! Dinilaan ng maliit na itim na pusa ang kaniyang mga paa at nagpalit ng anyo ito! Ipinakita ang malalaki at matutulis na pangil, at nagpakawala ng isang nakakabinging ungol!

"ROAR!"

Napaatras ang maliit na tupa.

Nanlalaki ang mga mata ng maliit na tupa habang nakatingin ito sa nakakatakot na itim na halimaw sa kaniyang harapan. Hindi makagalaw, nagmistulang isang estatwa ang maliit na tupa dahil sa takot.

Maangas na umangat ang ulo ng itim na halimaw, nasiyahan sa gulat na ekspresyon ng maliit na tupa.

[maliit na tupa, tumakbo ka na bago pa kita kainin!]

Hindi muna nakagalaw ang maliit na tupa at ilang sandali ang lumipas ng gumalaw ang mga paa nito paatras.

Akala ng lahat ay sumuko na ang maliit na tupa dahil sa takot sa itim na halimaw, isang nakakagulat na pangyayari ang nakikita ng kanilang mga mata!

Ang maliit na tupa, pagkatapos nitong umatras ng ilang hakbang, ang balahibo nito ay nagliwwanag, isang nakakasilaw na ilaw! Ang mga damo sa ilalim ng mga paa nito ay gumalaw kahit na walang hangin! Isang ipu-ipo ang pumalibot sa maliit nitong katawan!

Sumabog ang nakakasilaw na liwanag mula dito! At lahat sila ay kailangan magtakip ng mata dahil sa nakakasilaw na liwanag.

Isang malaking Spirit Beast ang kanilang nakita. Ito ang parehong Guardian grade Spirit Beast na umatake sa Rui Lin Army ilang araw lang ang nakalipas.

Ang malaking itim na halimaw ay higit na maliit kumpara sa napakalaking Guardian grade Spirit Beats!

avataravatar
Next chapter