1050 Ang Mahilig Sa Bata (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makalabas si Jun Wu Xie sa Heavenly Chambers, walang mababakas na kahit anong ekspresyon sa

kaniyang mukha. Ang kaniyang pag-iisip ay tila tumigas na parang yelo at ang kaniyang tingin ay tuwid at

diretsso lamang.

Si Little Balck ay nag-aalala ng kaunti. Inangat nito ang maliliit nitong paa at hinaplos ang kamay ni Jun

Xie.

"Meow."

[Mistress, ano ang nangyayari sa iyo? Huwag mo akong tatakutin ng ganito.]

Hindi siya sinagot ni Jun Wu Xie kung hindi ay binilisan ang kaniyang mga hakbang papunta sa Fiery Blaze

Clan Hall.

Sa loon ng silid, si Xiong Ba at Qing Yu ay naghihintay kay Jun Wu Xieat nang makita nila ang pagdating

nito na walang mababakas na kahit anong ekspresyon sa mukha, nakahanda na silang tanongin si Jun Xie

kung ano ang ipinagkausap ni Qu Xin Rui kay Jun Xie.

Ngunit bago pa man nila maibuka ang kanilang mga bibig, nilagpasan lang sila ni Jun Wu Xie.

Ang dalawang lalaki ay naiwang nakatayo sa silid ng Fiery Blaze Clan.

Ano ang nangyari kay Jun Xie? Mukhang kakaiba ang galaw niya." Saad ni Xiong Ba habang nanatiling

nakatayo pa rin. Ang makitang ganito kumilos si Jun Wu Xie, naisip ni Xiong Ban a maaring may

masamang nangyari. Mabilis siyang sumunod kay Jun Xie ngunit pinigilan siya ni Qing Yu.

"Ano?" tanong ni Xiong Ba.

Nagpakawala ng buntong-hininga si Qing Yu at nagsabing, "Sa tingin ko hindi gugustuhin ni Young

Master Jun na distorbohin sa ngayon. Kung may nangyari man, maghintay tayo hanggang… mamayang

hapon."

Si Jun Xie ay lagi nang may malamig na ekspresyon ngunit ngayong araw, napansin ni Qing Yu na may

parang mali sa ekspresyon ni Jun Xie, mas malamig at nakakatakot ang ekspresyon nito ngayon.

Pakiramdam niya, tama lamang na hindi nila ito sinundan at hayaang mapag-isa na muna.

Nag-isip muna si Xiong Ba bago nagdesisyon na making na lamang sa suhestyon ni Qing Yu, habang

patuloy na minumura si Qu Xin Rui ng paulit-ulit.

Si Jun Xie ay dumitsong naglakad patungo sa kaniyang silid at pabagsak na isinara ang kaniyang pintuan.

Si Lord Meh at Sacrificial Blood Rabbit ay lumapit sa kaniya para magpahaplos ngunit ang dalawa ay

hindi pinansin ni Jun Xie. Ibinaba niya sa sahig ang maliit na itim na pusa at pumunta sa silid paliguan

upang kumuha ng tubig.

Inilagay ni Jun Wu Xie ang may gamot na tubig sa kaniyang mukha at binalik ang kaniyang tunay na anyo.

Binasa niya ang kaniyang mukha gamit ang malamig na tubig sa timba. Hindi pa nagsisimula ang tagsibol

at ang panahon ay malamig pa rin. Ang tubig ay tila binabaran ng yelo. Ang lamig ng tubig ay tila hindi

napansin ni Jun Xie at nagpatuloy lamang sa paghilamos.

Ang tila nyebe na kulay ng balat ni Jun Xie ay nagsimulang mamula ngunit hindi ito pinapansin ni Jun Xie

at nagpatuloy pa rin.

"Meh…" Si Lord Meh ay nakamasid lang sa hindi pangkaraniwan na galaw ng tagabigay ng pagkain sa

kaniya at natakot ito ng bahagya kaya umatras ito ng kaunti.

Kahit ang Sacrificial Blood Rabbit ay hindi rin nangahas na lumapit kay Jun Xie at pinanood na lamang ito.

Nagtagis ang bagang ng maliit na itim na pusa at sa isang iglap nasa tabi na ni Jun Wu Xie na paatuloy pa

rin sa paghilamos gamit ang malamig na tubig.

Hindi mo na dapat ipagpaatuloy ang paghilamos ng ganiyan." Saad ng maliit na itim na pusa. Ang tubig

ay masyadong maalamig. Ang iyong mukha ay maaring magtamo ng frostbite.

Si Jun Wu Xie ay tila nakatulala habang naghilamos ito.

Ang tanging nararamdaman niya ng mga panahong iyon ay pandidri.

Sa sobrang oandidiri ay mas gugustuhin niyang palitan ang buong mukha.

Ang pagmamakaawa ng pusa ay hindi nakatulong at wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mag-alala

sa tabi.

Ito ang mas nakakailala sa personalidad ni Jun Wu Xie higit kanino man. Matagal na nitong ayaw ang

may dumidikit sa kaniyang ibang tao, lalong lalo na ang halikan siya ng isang nakakadiring matandang

bruha! Si Jun Xie na partikular sa kalinisan kung kaya halos maputol na ang kaniyang pisi dahil sa galit na

nararamdaman sa mga panahong iyon!

"Little Xie, hindi ba pinangako mo sa akin na pangangalagaan mo ang iyong sarili?"

avataravatar
Next chapter