1030 Ang Kaarawan (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang bakas ng tao ang nasa likod ng pintong iyon at wala rin silang narinig na kahit anong sagot.

Matapos bumati ni Qu Ling Yue ay tumayo na ito at humarap sa kaniyang ama: "Papa, uuwi muna ako."

Tumango naman si Qu Wen Hao.

Lihim na sumulyap si Qu Ling Yue kay Jun Xie bago siya tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Bahagyang umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie. Bumulong sa kaniya si Qing Yu: "Hindi gusto ng Heavenly Cloud Chambers na may makalapit kay Qu Xin Rui na babae dahil ayaw nito sa mga babae. Kaya maging si Qu Ling Yue ay hindi maaaring makapasok. Taon-taon ganoon lang ang ginagawa ng Young Miss. Luluhod sa harap ng Heavenly Cloud Chambers katulad ng ginawa niya kanina."

Normal lang na magbigay ng respeto ang junior sa kaniyang senior. Ngunit ang ginawa kanina ni Qu Ling Yue na lumuhod at walang kinakausap ay ngayon lang nasaksihan ni Jun Wu Xie.

Nagngingitngit ang damdamin ni Jun Wu Xie dahil doon.

"Mga Ginoo." Humarap si Qu Wen Hao sa lahat at sila ay nagsimula nang pumasok sa Heavenly Cloud Chambers.

Batid ang karangyaan sa loob ng Heavenly Cloud Chambers. Hindi na nagpigil si Qu Xin Rui matapos niyang ilantad ang kaniyang tunay na pagkatao. Hiningi niya kay Qu Wen Hao na ilagay sa Heavenly Cloud Chambers ang lahat ng kayamanan sa Thousand Beast City. Maging ang mga libro ay hindi nito pinatawad. Ang bawat mamahaling bagay na matatanggap ng mga mamamayan ng Thousand Beast City ay dapat na ipagbigay-alam kay Qu Xin Rui. Kapag nagustuhan niya ito ay aangkinin na niya ang bagay na iyon.

Walang magawa ang mga mamamayan ng Thousand Beast City kundi ang sarilinin na lang ang kanilang hinaing.

Simula nang muling mabuhay si Jun Wu Xie. Ito ang pinaka-sakim na taong nakilala niya. Masyado itong mapang-abuso at lantad na lantad ang pang-aagrabyado niya sa mga tao.

Mataas ang tingin ni Qu Xin Rui sa kaniyang sarili dahil siya ay purple spirit at siya ay nagmula sa Middle Realm. Kaya naman parang hindi tao kung ituring ni Qu Xin Rui ang mga taga-Lower Realm.

Lahat ng nakaharap ni Jun Wu Xie na mga taga-Middle Realm's Twelve Palaces ay ganito ang damdaming ibinibigay sa kaniya. Sa mata ng mga taong iyon ay pwede na silang basta na lang pumatay ng mga taga-Lower Realm.

Nagbaba ng tingin si Jun Wu Xie. Inalis niya ang kaniyang atensyon sa mga palamuting nakikita niya sa loob ng Heavenly Cloud Chambers.

Sumiksik ang itim na pusa sa bisig ni Jun Wu Xie. Ang ilong nito ay nanginginig at mababakas ang panlilisik sa mga mata nito.

Nang makarating ang lahat sa pinakataas na palapag, sinalubong sila ng silid na puno ng telang pula at carpet na puting-puti. Nagkalat ang talulot ng rosas. May isang grupo ng kalalakihan ang tumutugtog sa isang sulok at mayroon namang mga lalaking nakaluhod sa magkabilang tabi ng upuan.

Nakaupo doon si Qu Xin Rui suot ang matingkad na pulang damit. Nakataas ang isang paa nito at hinahalikan ng isang lalaki.

Nang makita niyang dumating ang kaniyang mga panauhin ay hindi man lang ito tumayo. Mas lalo pa nitong inilabas ang binting hinahalikan ng lalaki sa kaniyang haarapan.

Ang mga panauhin ay sabay-sabay na lumuhod at binati ito.

Tanging si Jun Wu Xie lang ang natirang nakatayo.

avataravatar
Next chapter