1029 Ang Kaarawan (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ilang sandali pang wala sa sarili si Qu Ling Yue bago bumalik ang kaniyang ulirat. Nang buksan niya ang kaniyang mga mata ay halos mahimatay siya uli.

[Siya ay...siya ay...nasa bisig ni Jun Wu Xie!]

Hindi niya alam ang gagawin kung paano "makakatakas" sa bisig ni Jun Wu Xie. Pulang-pula ang kaniyang mukha at halos maiyak siya sa borang kahihiyan.

"..." Tumingin si Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong reaksyon.

Wala iyong malisya kay Jun Wu Xie dahil alam naman niyang pareho silang babae.

Subalit nakalimutan ni Jun Wu Xie na siya ay nakabihis-lalaki. Ang ginawa niyang pagsalo kay Qu Ling Yue ay naging dahilan para mag palitan ng makahulugang tingin sina Xiong Ba, Qu Wen Hao at Qing Yu.

"Ehem, salamat Young Master Jun." Putol no Qu Wen Hao sa katahimikan. Hanga si Qu Wen Hao sa kalmadong personalidad ni Jun Wu Xie kahit na ngayon niya pa lang ito nakaharap. Nang masaksihan ni Qu Wen Hao ang ekspresyon sa mukha ng kaniyang anak, alam na alam na niya kung bakit ganon na lang ang reaksyon nito.

Pero…

Sa malamig na pakikitungo ni Jun Wu Xie sa mga tao, paano niya malalaman kung ganoon din ba ang nararamdaman ni Jun Wu Xie sa kaniyang anak.

Kung sakali mang ganoon din ang nararamdaman ni Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue, labis iyong ikakasiya ni Qu Wen Hao. Naikwento na sa kaniya ni Xiong Ba at Qu Ling Yue si Jun Wu Xie kaya naman wala siyang tutol dito.

Wala siyang nakikitang dahilan para hindi magustuhan si Jun Wu Xie.

Subalit masyado pa silang bata, kailangan muna nila ng panahon para masiguro ang kanilang mga nararamdaman.

Hindi inaasahan ni Jun Wu Xie na ang kaniyang pagtulong kay Qu Ling Yue ay magdudulot ng isyu at magbibigay ng ideya kay Qu Wen Hao para ituring siyang "posibleng manugang". Kung alam lang ni Jun Wu Xie ang tumatakbo sa isipan ni Qu Wen Hao sa mga oras na iyon, tiyak na hindi ito makakapagsalita.

Hiyang-hiya si Qu Ling Yue sa nangyari at hindi niya magawang tumingin ng diretso kay Jun Wu Xie. Nakaawang ang kaniyang bibig habang nakatayo sa likod Qu Wen Hao at nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.

[Anong ginawa niya?]

[Bakit niya pinahiya ang sarili niya sa harap ni Jun Xie?]

[Sigurado akong iiwasan na ako ni Young Master Jun!]

Hindi pa rin mawala sa isip ni Qu Ling Yue ang nangyari.

Lihim na inobserbahan ni Lin Feng ang reaksyon ni Qu Ling Yue at mas lalo niyang kinamuhian si Jun Xie sa kaniyang nasaksihan. Pulang-pula sa galit ang kaniyang mga mata habang nagtitimpi sa galit.

Ilang sandali lang ang lumipas at dahan-dahan nang nagbubukas ang pinto ng Heavenly Cloud Chambers. Iniluwa non ang isang gwapong binata na nakasuot ng pula. 

"Maaari na kayong makapasok ayon sa utos ng Great Aunt." Agad itong tumalikod at nagpatinag pumasok matapos niyang sabihin iyon. 

Para namang sanay na ang mga panauhin sa aroganteng lalaki at hindi na iyon pinagtuunan ng pansin.

Nang makapasok na sina Qu Wen Hao at Qu Ling Yue sa loob ng Heavenly Cloud Chambers ay sinenyasan ni Qu Wen Hao ang kaniyang anak. Agad naman iyong naintindihan ni Ling Yue saka lumuhod: "Maligayang kaarawan, Great Grand Aunt. Hiling ko ang iyong kasiyahan."

Walang bakas ng tao ang nasa likod ng pintong iyon at wala rin silang narinig na kahit anong sagot.

avataravatar
Next chapter