1028 Ang Kaarawan (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag-angat ng mukha si Jun Wu Xie para tignan si Qu Wen Hao. Sa ekspresyon ng mukha ni Qu Wen Hao, masasabing walang bahid ng malisya ang tanong nito.

"Magandang gabi, Grand Chieftain." Bati ni Jun Wu Xie.

Ngumiti naman si Qu Wen Hao saka nagsalita: "Hindi na kailangan maging masyadong pormal. Narinig ko kay Qu Ling Yue kung paano mo siya inalagaan noong siya ay nasa Fire Country. Nalaman ko rin na niligtas mo ang buhay ng aking anak. Masyado akong naging abala kaya hindi ko nagawang puntahan ka at pormal na pasalamatan. Ipagpaumanhin mo Young Master Jun."

"Napakabait ninyo, Grand Chieftain." Kung papakinggan ang palitan ng salita nina Qu Wen Hao at Jun Xie ay hindi mo iyon pagdududahan. Ngunit sa katunayan ay nakapag-usap na silang dalawa sa pamamagitan ni Qu Ling Yue.

"Kailangan ko pa ring magpasalamat sa'yo." Tumawa ng mahina si Qu Wen Hao. Hinila naman nito ang anak na si Qu Ling Yue na nagtatago sa kaniyang likuran. "Ling Yue, hindi mo man lang ba pormal na pasasalamatan si Young Master Jun?"

Hindi makatingin ng diretso si Qu Ling Yue. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at anumang oras ay parang tatalon iyon sa kaniyang dibdib. Amoy na amoy niya ang bango ni Jun Wu Xie at halos hindi siya makahinga.

Ang amoy na iyon ay hindi katulad ng sa mga bulaklak bagkus ay mapait ito. Ngunit sa katagalan ay nagbibigay iyon ng kapayapaan sa kahit na sinumang makakaamoy non.

Ngunit ang kapayapaang iyon ay hindi maramdaman ni Qu Ling Yue.

Nang masalubong ni Qu Ling Yue ang tingin ni Jun Xie mas lalo siyang pinamulahan ng mukha. Nanlalamig din ang kaniyang mga kamay na nakakapit ng mahigpit sa hawak nitong panyo.

"Young...Young…" Mas lalong naging kaakit-akit ang mukha ni Jun Xie sa paningin ni Qu Ling Yue dahil sa liwanag ng mga lantern na tumatama sa mukha ni Jun Xie. Hindi niya magawang magsalita ng tuwid dahil doon.

Naguguluhan namang tumingin dito si Jun Wu Xie. Simula noong tumakbo si Qu Ling Yue palabas ng kaniyang silid ay naging kakaiba na si Qu Ling Yue. At ngayon ay parang mas lumala pa ito.

Halos maiyak na sa nerbyos si Qu Ling Yue dahil sa ginagawang pagtitig sa kaniya ni Jun Xie. Agad siyang yumuko at ipinikit ang mga mata saka yumukod kay Jun Xie.

"Salamat…"

Isang malakas na tunog ang umagaw sa atensyon ng lahat! 

Agad na tumayo ng tuwid si Qu Ling Yue at tumingin sa may bandang balikat ni Jun Xie.

Biglang nakaramdam ng pagkahilo si Qu Ling Yue samantalang si Jun Wu Xie ay maayos na nakatayo sa kaniyang harapan.

Malakas ang epekto ng spirit power level ni Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue. Nang mapansin ni Jun Wu Xie na napasapo sa noo si Qu Ling Yue ay agad niya itong sinalo sa bewang para iwas ang ito ay matumba.

Nanigas sa kinatatayuan si Qu Wen Hao nang makitang hawak ni Jun Wu Xie sa kaniyang bisig ang kaniyang anak.

Habang si Lin Feng na nakita ang buong pangyayari ay napakuyom na lang. Lihim nitong iniisip na pinuputol niya ang brasong nakapulupot sa bewang ni Qu Ling Yue!

avataravatar
Next chapter