1027 Ang Kaarawan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kasama sa mga taong naghihintay sa labas ay ang iba pang Clan Chief at kanilang kinatawan na hindi pa nakakasalamuha ni Jun Wu Xie. Nang makita ng mga ito si Xiong Ba ay tumango ang mga ito bilang pagbati.

Naroon din sina Lin Que at Lin Feng pati na si Shangguan Yan. Hindi man lang ngumiti ang tatlong ito nang sila ay makita. Sinusundan ng tingin ni Lin Feng simula pa nang sila ay makarating.

Hindi naman natinag si Jun Wu Xie sa mga titig na iyon ni Lin Feng. Halos wala nga siyang pakialam sa presensiya nito.

"Maghintay lang muna tayo dito sa labas." Saad ni Qing Yu habang nakatitig sa nakasaradong pinto.

Bumulong si Xiong Ba kay Jun Wu Xie: "Lagi niya 'tong ginagawa. Dapat ay makarating muna ang lahat bago niya pag bubuksan ang mga panauhin ng pinto."

Tumango-tango naman si Jun Wu Xie.

Habang ang lahat ay naghihintay, sunod namang dumating sina Qu Wen Hao at Qu Ling Yue. Ang lahat ay lumuhod at binati ang bagong dating: "Grand Chieftain! Young Grand Chief!"

"Salamat, makakatayo na kayo. Narito na pala ang lahat at kami pala ang huling dumating." Marahang ngumiti si Qu Wen Hao. Kamukhang-kamukha nito si Qu Ling Yue. Kahit na nasa kwarenta pa lang ang edad ni Qu Wen Hao, mapapansin na ang pagtubo ng puting buhok nito at ang bahay ang pagkulubot ng balat nito sa bandang noo at mata.

Nakatayo naman si Qu Ling Yue sa tabi ng kaniyang ama. Tumango siya sa mga taong naroon bilang pagbati hanggang sa mapadako kay Jun Wu Xie ang tingin nito. Agad itong pinamulahan ng pisngi. Yumuko ang dalaga para itago iyon.

Tumingin si Lin Feng kay Qu Ling Yue. Ngayon lang siya nakalabas muli ng bahay dahil sa nangyari sa Devious Wyvern. Kaya naman ngayon lang din niya muling nakita si Qu Ling Yue. 

Simula ng dumating si Qu Ling Yue ay hindi man lang nito sinulyapan si Lin Feng. Nakapako ang tingin nito kay Jun Xie.

Nang mapansin ni Lin Feng ang tingin na binibigay ni Qu Ling Yue kay Jun Xie ay para siyang sinaksak ng ilang beses.

Kung pagbabasehan ang reaksyon ni Qu Ling Yue habang nakatingin kay Jun Xie, sigurado siyang may nararamdaman si Qu Ling Yue kay Jun Xie!

At hindi iyon maatim ni Lin Feng.

Walang magawa si Lin Feng kundi ang titigan na lang si Jun Xie ng masama. Sa mga titig nito ay para niya itong binabalatan ng buhay. Hindi niya maintindihan kung anong nakita dito ni Qu Ling Yue.

Halata namang mas mababa si Jun Xie sa kaniya. Pero bakit ito pa ang naibigay ni Qu Ling Yue?

Nabuhay ang selos sa puso ni Lin Feng. Nakakuyom ang mga palad nito at nagtatagis ang panga.

Matapos makipagbatian ni Qu Wen Hao sa ibang mga Clan Chief ay lumapit siya kay Xiong Ba at sumulyap kay Jun Xie bago nagsalita: "Kung hindi ako nagkakamali, ito ba ang ating Little Brother Jun?"

avataravatar
Next chapter