1026 Ang Kaarawan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Madaling lumipas ang mga araw at nalalapit na ang kaarawan ni Qu Xin Rui. Ang grupo na ipapadala sa labas ng lungsod ay kailangan nang magpaalam sa kani-kanilang pamilya. 

Matapos gawin nina Xiong Ba at Qing Yu ang kanilang mga tungkulin ay agad silang nagpunta kay Jun Xie. Ngayon ang gabi ng kanilang pagpunta sa Heavenly Cloud Chambers para dumalo sa kaarawan ng babaeng iyon.

Labag pa rin talaga sa kalooban ni Xiong Ba ang pagdalo sa selebrasyong iyon. Ang regalong kanilang ibibigay ay si Qing Yu ang naghanda. Hinanda ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga kagamitan at inilabas niya ang ilang bote ng elixir galing sa kaniyang Cosmos Sack.

Nang makita ni Xiong Ba ang mga boteng iyon ay tinanong niya kay Jun Xie kung ano ang mga iyon.

"Regalo." Sagot naman ni Jun Wu Xie.

Nanlaki ang mga mata ni Xiong Ba.

"Naghanda ka pa ng regalo para sa matandang iyon?"

Kalmadong tinignan ni Jun Xie ang kahon na hawak ni Qing Yu.

Namula naman si Xiong Ba at naubo.

"Si Qing Yu ang naghanda niyan hindi ako. Hindi ako magbibigay ng kahit ano sa matandang iyon. Kahit pa tansong barya."

Natatawa namang tumingin si Qing Yu kay Xiong Ba. 

"Young Master Jun, huwag mo siyang pansinin. Laging ganiyan ang aming Clan Chief. Kada taon, ako lagi ang naghahanda ng regalo para saming dalawa. Pero dahil hindi ka naman taga-Thousand Beast City, Young Master Jun, ayos lang kung wala kang dalang regalo."

"Pwede na 'to." Walang pakialam si Jun Wu Xie para sa isang baso ng elixir. Kapag wala siyang ginagawa sa Thousand Beast City ay gumagawa siya ng elixir. Hindi na gaanong mabigat ang magbigay ng isang bote nito.

Napansin ni Qing Yu na hindi na magpapapigil si Jun Xie kaya hindi na siya nagpumilit. Samantalang ang mukha ni Xiong Ba ay lukot. Kagaya nga ng sabi ni Qing Yu, animo'y dadalhin ito sa huli nitong hantungan.

Umalis na silang tatlo sa Fiery Blaze Clan Hall at nagtungo na papunta sa Heavenly Cloud Chambers.

Kahit na gabi na, ang loob ng Thousand Beast City ay puno ng ilaw na galing sa mga pulang lantern na nakasabit sa bawat bahay.

"Taon-taon, tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan, ang bawat bahay sa Thousand Beast City ay kinakailangang magsabi ng pulang lantern." Saad ni Qing Yu kay Jun Xie habang sila ay naglalakad sa daan na makikitaan ng mga pulang lantern.

"Kung siya ay mamamatay, ang bawat tao sa Thousand Beast City ay malugod na magsasabi ng mga lantern na iyan dahil sa sobrang saya!" Nakasimangot na saad ni Xiong Ba.

Tumingin si Qing Yu sa kaniyang Clan Chief at bumulong dito: "Kahit gaano mo pa kinamumuhian ang babaeng iyon, hindi mo dapat sabihin yan kapag ganitong nasa pampublikong lugar tao. Sigurado akong may hindi magandang mangyayari sa atin kapag may ibang makakarinig."

Napangisi na lang si Xiong Ba. Hindi na ito muling nagsalita pa.

Masyadong nasisilaw si Jun Wu Xie sa mga lantern na iyon. Mabuti na lang at hindi niya dinala sina Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit. Ikinulong niya ang mga ito sa magkaibang silid dahil alam niyang maghaharutan lang ang mga ito. Ngayon, tanging ang itim na pusa lang ang kaniyang dala.

Mabagal ang paglalakad nina Jun Wu Xie patungo sa Heavenly Cloud Chambers ngunit mabilis pa rin silang nakarating doon.

Ang pitong-palapag na Heavenly Cloud Chambers ay puno ng mga banner at lanterns ngunit ang pinto non ay nanatiling sarado. Sa labas ng pintong iyon ay naghihintay ang mga panauhin.

avataravatar
Next chapter