187 ANG INILILIHIM SA KALABAN (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Noong gabing iyon, pagkatapos mag pakalango sa alak at pagkain sa piging, dinala ni Mo Qian Yuan at Bai Yun Xian sina Qin Yu Yan at Jian Chen Qing sa palasyo kung saan nakatira si Mo Xuan Fei.

Bago pa man sila makapasok sa pinto, may napansin na si Qin Yu Yin na masangsang na amoy at humahalo sa amoy ng mga halamang gamot. Gayunpaman hindi maitago ng mga dahon ang amoy na nakakasulasok. Nakabukas ang pintuan at sa loob nito ay may isang lalaking nakaupo sa wheelchair.

Hindi.

Sa mas tumpak na pag dedetalye, ito ay isang bangkay na inaagnas, nabubulok ang laman at unti-unting nakikita ang mga buto. Naka damit ito pero sa mga parte na wala na itong saplot, hindi maitatago ang kondisyon nito. May nanang tumulo kahalo ng nangitim na dugo. Apektado ang buong parte ng mukha ng lalaki, leeg at ang kanyang kamay. Kung hindi umaangat ang kaniyang dibdib dahil sa paghinga, aakalain mong patay na ito.

Pati ang matapang na si Jian Chen Qing ay malalim na napa-buntong hininga sa kaniyang nakitang si Mo Xuan Fei.

Buhay pa ba ang lalaking 'yan?

Ang pagkabulok ay nagsanhi ng pagkawala ng buhok at pag tuklap ng anit. Kitang-kita na ang bungo nito.

Naglaho ang ngiti sa mukha ni Yu Yan, at ang kanyang kamay ay nanginig.

Si Mo Qian Yuan ay tahimik lang na nag oobserba. Tinignan nya ng dahan-dahan ang taong nakatayo sa gilid ng silid. Maliit si Jun Wu Xie,nakadamit na parang palace eunuch. Ikinukubli nitong mabuti ang itsura bilang babae. Ang mukha nitong maliit ay nakatago at hindi mapapansin kapag ihinalo sa mga tao sa palasyo.

"Ito ang aking Royal brother. Siya ay nilason. Kung hindi dahil sa pagsisikap ni Miss Bai ay malamang patay na siya ngayon. Nakikiusap ako kay Miss Qin na siya ay tignan."

Napangiwi si Qin Yu Yin nang marinig niya ang sinabi na nalason si Mo Xuan Fei. Ihinanda niya ang sarili niya. Pero hindi niya naisip na magiging isang nakaktakot ito na nilalang…

Tao pa ba ito?

Isa lang itong laman na nabubulok!

"Si Uncle Jiang ay respetado sa Qing Yun Clan at natatangi ang galling nito sa medesina. Paunlakan niyo siyang tignan ito. " Muli nabalik ni Qin Yu ang kaniyang normal na disposisyon at muling ngumit, ayaw niyang lumapit kay Mo Xuan Fei.

Ang Second Prince na dating pinag-aagawa at pinapantasya ng mga babae sa kanilang kaharian, ngayon ay wala na ang magandang itsura at ang lahat ng babae ay natatakot nang lumapit man lang dito.

Nagulat din si Jian Chen Qing sa itsura ni Mo Xuan Fei. Ngunit pumayag sila na bigyan ito ng tulong kaya kailangan nila itong panindigan.

Nag lakad papalapit si Jian Chen Qing papunta kay Mo Xuan Fei nang hindi maipinta ang mukha. Si Qin Yu Yan ay tinignan si Bai Yun Xian kung saan, ito ay nakatitig ng mabuti kay Mo Xuan Fei. Bakas ang pagkabahala sa itsura nito.

"Mahal mo tlga siya Yun Xian" saad ni Qin Yu Yan habang tumatawa.

Nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagsusuri kay Mo Xuan Fei. Hindi na niya masyadong pinansin and sinabi ni Qin Yu Yan at tumango na lang ito.

Sa sulok kung saan nag papanggap na eunuch si Jun Wu Xie,inoobserbahan niya lang ang rekasyon ng mga tao. Maaaring si Jian Chen Qing ang nakatatanda sa Qing Yun Clan, ngunit base sa pag-uusap ng mga ito,ay may kapangyarihan si Qin Yu Yan para utusan ito, Si Qin Yu Yan ang chief-of-command ng Qing Yun Clan.

Mukhang nag aalala si Qin Yu Yan sa relasyon ni Bai Yun Xian at Mo Xuan Fei, pero nais niyang malaman kung totoo bang gusto talagang iligtas ni Bai Yun Xian si Mo Xuan Fei.

avataravatar
Next chapter