320 Ang Inaakalang Maamong Tupa (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napasinghap ng marahas si Mu Chen. Pumasok na sa isip ni Mu Chen iyon nang sabihin ni Jun Wu Xie na, "Wala nang magagawa sa akin ang mga taong patay na." Ngunit ngayon ay nanggaling na mismo iyon kay Jun Wu Xie at labis pa rin niya itong ikinagulat.

"Kahit na walang spiritual power si Ke Cang Ju, kilala siya sa talento niyang gumawa ng lason. Paano mo siya napatay?" Naging palaisipan iyon kay Mu Chen. Nang siya ay bata bata pa, naisip niya nang patayin si Ke Cang Ju upang maipaghiganti ang kamatayan ng kaniyang ama, subalit pumigil sa kaniya ang galing nga nito sa paggaya ng lason.

At heto si Jun Xie na batang-bata pa at nagsisimula pa lang umusbong! Bagaman may kasama at kakampi itong dalawang lalaki, sa kutis at boses pa lang ng nagpapanggap na si Ke Cang Ju, tingin niya ay kaedad lang nito si Qiao Chu.

Ang kinatatakutang ng lahat na si Ke Cang Ju ay pinatay ng tatlong nasa kaniyang harapan? Hindi pa rin siya makapaniwala.

Lihim na napangisi si Qiao Chu. Magaling si Ke Cang Ju sa mga lason? Yon ay bago niya makilala si Jun Xie. Ang pagdodomina ni Jun Xie kay Ke Cang Ju ay Talagang kamangha-mangha dahil hindi man lang ito nasaktan!

Bigla niya tuloy naalala ang itsura ni Ke Cang Ju nang ito ay mamatay, bigla siyang kinilabutan dahil sa isiping iyon.

Si Jun Xie ay isang maamong tupa sa kanilang paningin, ngunit sinila nito ang kaniyang mga kaaway!

"Kung paano siya pinatay ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay patay na siya at narito si Hua Yao para palit an siya bilang pinuno ng Hidden Cloud Peak." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie.

Hindi na nagtanong pa si Mu Chen. Matapos niyang malaman ang pakay ni Jun Wu Xie at pinatunayan nitong kaya niya dahil sa nagawa nitong patayin si Ke Cang Ju, siya ay nagtiwala na dito.

At dahil sa pinatay ni Jun Wu Xie si Ke Cang Ju, naipaghiganti na ni Jun Wu Xie ang pagkamatay ng kaniyang ama!

"Ang layunin mong burahin ang Qing Yun Clan ay hindi ganon kadali dahil sa proteksyon ni Qin Yue. Ang mga eksperto ng residente na inimbitahang tumira sa Blue Cloud Peak na kaniyang pinamumunuan ay malalakas na kahit ang blue spirit ay kaya nilang patayin. Maliban na lang kung mayroon kang purple spirit user na kakampi." Nakakunot ang noo ni Mu Chen. Kung ganoon lang sana kadaling patayin si Qin Yue, matagal niya na iyong ginawa.

"Walang kaso saamin iyon. Hindi mababago ang aming plano kahit ilan pa sila." Muling napangisi si Qiao Chu sa gilid. Kahit na si Ke Cang Ju na isang eksperto sa mga lason ay nagawa nitong patayin nang hindi man lang naglalabas ng patalim. Ano pa kaya sa mga walang utak na eksperto?

Humarap naman si Mu Chen kay Qiao Chu at tumitig sa patalim na nakatutok pa rin sa leeg ng disipulo. Agad namang dumilim ang ekspresyon sa mukha nito.

"Dahil iisa na ang ating layunin, pwede mo na bang pakawalan ang aking disipulo?" Nagtatagis ang ngipin na tanong ni Mu Chen.

Hindi gumalaw si Qiao Chu ngunit tumingin ito kay Jun Xie. Nang tumango si Jun Xie ay saka pa lang niya binitawan ang patalim sabay ng pagbagsak ng katawan ng disipulo sa sahig.

Napatiim si Mu Chen ngunit hindi nagsalita.

"Hindi mo kailangang malaman ang lahat para mapatay si Qin Yue, nasa akin na iyon. Kahit na sa pagpatay sa buong Qing Yun Clan, wala ka nang masyadong gagawin. Kailangan mo lang magpanggap at guluhin ang mga emosyon ng mga Elder....sapat na iyon." Marahang saad ni Jun Wu Xie. Dahil sa mahusay na pagpapanggap ni Hua Yao bilang Ke Cang Ju, nabawasan ang kanilang kailangang gawin at hindi niya na kailangang ipagawa kay Mu Chen ang nauna niyang plano.

Ang maisali si Mu Chen ay makakatulong sa kanilang plano. Dahil sa malinis na gawain ng Cloud Treading Peak sa buong Qing Yun Clan hindi niya ito idadamay. Ngunit patuloy pa rin ang kaniyang plano na burahin ang nabubulok na Qing Yun Clan at panghahawakan niya ang kaniyang salitang hindi niya idadamay ang mga inosente.

avataravatar
Next chapter