319 Ang Inaakalang Maamong Tupa (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Wala sa sariling lumingon si Mu Chen si "Ke Cang Ju". Si Ke Cang Ju ang pinagkakatiwalaang kanang kamay ni Qin Yue, kapag narinig ni Qin Yue ang mga salitang iyon, hindi niya ito papalagpasin.

Hindi naman tumugon si "Ke Cang Ju" na parang wala lang ang mga salitang iyon.

"Ayaw mo ba? Nararapat na paghihiganti para sa iyong ama? Ubusin ang magiting na Qing Yun Clan na naging bulok na?" Tanong ni Jun Wu Xie kay Mu Chen.

Nilingon naman ni Mu Chen si Jun Wu Xie nang may biglang pumasok sa kaniyang isip. "Miyembro ka ng Jun Family na galing sa Kingdom of Qi?"

"Oo."

Sa wakas ay naintindihan na ni Mu Chen kung bakit ganon na lang ang galit ni Jun Wu Xie sa Qing Yun Clan. Ang balita tungkol sa pagkamatay ni Qin Yu Yan at Jiang Chen Qing ay kumalat na sa buong Qing Yun Clan. At kahit na wala pang sinasabi si Qin Yue tungkol sa kaniyang planong maghiganti sa Kingdom of Qi, determinado si Qin Yue na burahin ang Qi Kingdom.

Ang desisyon ni Jun Xie na kumilos laban sa Qing Yun Clan ay marahil para protektahan ang Jun Family.

"Hindi ba't parang nagpapadalos-dalos ka? Kung malaman ni Qin Yue ang tungkol sa iyong tunay na pagkatao, hindi ng-hindi ka na makakalabas dito." Nag-aalalang saad ni Mu Chen. Wala siyang nararamdamang poot kay Jun Xie bagkus gaya nga ng sinabi ni Jun Xie, ang kaniyang galit kay Qin Yue ay mas higit pa sa galit ni Jun Xie.

Nagkibit-balikat si Jun Xie at sumagot: "Naglakbay ako patungong Qing Yun Clan at nawala na sa sarili ko ang alalahanin iyan... Kung makakaligtas ang Qing Yun Clan, ibig sabihin lang non ay kamatayan ko ang kapalit. Ngunit naniniwala ako, lalabas ako sa Cloudy Peak ng buhay."

Ang kaniyang lolo at tiyuhin ay naghihintay pa sa kaniya sa Lin Palace. Hindi siya dapat mabigo at wala sa plano niya ang mabigo!

"Malapit at magkasundo si Qin Yue at si Ke Cang Ju. Hindi ka ba natatakot na sa salungatin ka niya?" Giit pa ni Mu Chen habang inoobserbahan ang tahimik na si "Ke Cang Ju". Ibang-iba ang pakiramdam na binibigay ni "Ke Cang Ju" ngayon samantalang iisa ang takbo ng isip ni Qin Yue at Ke Cang Ju.

Hindi siya makapaniwalang walang takot na ihinahayag ni Jun Xie ang kaniyang mga plano sa harap mismo ni "Ke Cang Ju" at wala man lang itong pinapakita ng reaksyon.

Nagyeyelo naman ang mga tingin ni Jun Wu Xie at Mahinahong sumagot: "Wala nang magagawa sa akin ang mga taong patay na."

Tumitig lang si Mu Chen kay Jun Xie. Hindi nito naintindihan ang sinabi niya.

"Pasensya naa, ngunit hindi ako ang Ke Cang Ju na iyong tinutukoy." Sumagot naman si Hua Yao at agad na itinaas ang manggas ng kaniyang damit. Ang tunay na balat ni Hua Yao ay lumantad sa harap ni Mu Chen. Ang malambot at makinis na kutis nito ay sumalungat sa magaspang at kulubot na balat na nasa kaniyang kamay.

"Hindi ikaw si Ke Cang Ju?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mu Chen. Hindi niya gaanong nakikita si Ke Cang Ju ngunit tandang-tanda niya ang nakakatakot nitong mukha. Ang lalaking nasa kaniyang harapan ay kamukhang-kamukha ng tunay na Ke Cang Ju. Naniniwala si Mu Chen na maging si Qin Yue ay hindi mapapansin iyon.

"Hindi." Tumango naman si Hua Yao.

"Paano nangyari iyon? Walang technique sa mundong ito para perpektong makagaya ng isang tao!" Hindi pa rin makapaniwala si Mu Chen sa kaniyang nakikita. Nanatili sa kaniyang harapan ang katotohanang ang lalaki sa kaniyang harapan ay hindi ang tunay na Ke Cang Ju kundi ang eksaktong replica nito. Wala pa siyang naririnig na ganoon.

"Paano pag nangyari ito?" Sinulyapan ni Jun Wu Xie sa Hua Yao at itinaas naman ni Hua Yao ang kaniyang kamay. Pinakita niya kay Mu Chen ang kaniyang mga daliri bago iyon humaba ng kalahating pulgada. Nanlaki ang mga mata ni Mu Chen at walang salitang lumabas sa kaniyang bibig pagkatapos ibalik sa dati ni Hua Yao ang kaniyang mga daliri.

Matagal na natigilan si Mu Chen, hindi nito lubos maisip na may kakayahan siyang baguhin ang porma o hulma ng kaniyang mga buto.

"Kung hindi siya ikaw, nasan ang tunay na Ke Cang Ju?"

Nag-angat naman ng tingin si Jun Wu Xie at walang emosyong sinabi: "Patay na."

avataravatar
Next chapter