1090 Ang Impiyerno’y Walang Galit Tulad ng Isang Babaeng Nasusuklam (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oh? Kung gayon ayon sa iyong sinabi ay hindi mo naman talaga kailangan ang Spirit Beast na

ito upang sundin ang iyong mga ipinag-uutos?" tanong ni Shen Chi habang tinitignan si Lord

Meh Meh na nakahiga sa sahig at nakapikit ang mga mata. Iniisip niya na kakatwa na ang Spirit

Beast ay malamig ang pakikitungo kay Qu Xin Rui.

Ngayon ay mayroon ng paliwanag tungkol doon.

Ang dahilan kung bakit biglang nagpakita dito si Lord Meh Meh ay dahil lamang sa Spirit

Taming Bone Flute ngunit ang taong tunay na may kakayahang gumamit nito ay si Qu Wen Hao

at ang tao na makakapagpasunod sa Spirit Beast ay tanging si Qu Wen Hao lamang.

Ngunit sa unang araw ay itinapon ni Qu Wen Hao ang Spirit Taming Bone Flute kay Qu Xin Rui

at iyon ay nagpapakita lamang na ito'y hindi na nais gumawa pa ng kahit ano matapos iyon.

"Bagama't ang guardian Grade Spirit Beast ay bihira ngunit kung hindi nito nais na sumailalim

sa aking kagustuhan ay bakit kailangan kong puwersahin ito? Nais ko lamang na gamitin ang

Spirit Beast upang pilitin si Jun Xie na tanggapin ang aking mungkahi at hanggang nananatili ito

sa aking mga kamay ay siguradong magpapakitang muli si Jun Xie. Kung magagawa kong

pasukuin siya at hayaan akong gamitin ang lakas ng Fire Country upang makamit ang aking

mga layunin ay sapat na iyon." Tumatawang saad ni Qu Xin Rui, kunwari'y hindi sinasadyang

matabig ng ilang beses ang Spirit Taming Bone Flute na nasa gilid ng upuan, ang malutong na

tunog ay malinaw na narinig sa Heavenly Cloud Chambers.

At dahil sa paulit-ulit na tunog na iyon ay iminulat ni Lord Meh Meh ang kaniyang mga mata ng

bahagya na tila naririndi sa tunog.

Para kay Qu Xin Rui, iyon ay nakakatuwa at paulit-ulit iyong ginawa upang inisin si Lord Meh

Meh.

Napansin ni Shen Chi ang masamang pagpapatawa ni Qu Xin Rui at sinabi: "Natatakot akong

hindi mo ibig sabihin ang iyong tinuran. Ang makaharap ang isang Guardian Grade Spirit Beast,

hindi ka ba talaga apektado?"

Hininto ni Qu Xin Rui ang paggalaw ng kaniyang mga kamay at nilingon si Shen Chi.

[Paano siyang hindi matutukso]

[Kung di lamang sa katotohanan na ang Spirit Taming Bone Flute ay tanging ang Grand

Chieftain ng Thousand Beast City lamang ang makakagamit ay kinuha na niya ito. Ang tunay na

dahilan ay wala siyang magawa upang sumunod ang Spirit Beast sa mg autos niya kaya naman

binitawan niya ang mga mapangahas na salitang iyon.]

"Ang importante ay ang Fire Country at ang ibang bagay ay hindi ganoon kahalaga." Saad ni Qu

Xin Rui, ang mga mata ay naniningkit. Bigla ay nawala ang interes niya na tuksuhin si Lord Meh

Meh dahil sa sinabi ni shen Chi at itinabi na ang Spirit Taming Bone Flute. At dahil sa nawala na

ang istorbo, sa wakas ay naipikit ni Lord Meh Meh ang kaniyang mga mata at nagpahinga na.

"Tungkol dito sa Spirit Beast, hindi magtatagal at malalaman ni Qu Wen Hao ang tungkol dito

ay siguradong gagawa na naman siya ng aksyon." dahilan ni Shen Chi.

Sumagot si Qu Xin Rui: "Anong dapat ipagalala? Kailangan mo lang naman ay pumutol ng isang

daliri mula sa haliparot na iyon at ipadala kay Qu Wen Hao at sabihin sa kaniya na maging

mabait at masunurin. At kung sakali na mangahas siyang gumawa ng kahit ano, kung gayon

ang magiging kapalit ay ang pagdagdag ng ilang apo. Kaya kong gawin na tinadtad na karne

ang kaniyang anak kaya kung gusto niya talagang mangyari iyon, malugod siyang gumawa ng

gulo."

Marahang tumawa si Shen Chi. Tungkol sa malupit at matinding pamamaraan ni Qu Xin Rui ay

hindi niya ito dedesmayahin sa anumang paraan at sa halip ay masaya siyang sumang-ayon

dito.

"Sige. Gagawin ko na iyon ngayon." matapos sabihin iyon ay tumalikod na si Shen Chi upang

umalis.

Sa ibaba ng Heavenly Cloud Chambers ang mga kamay ni Shen Chi ay nasa kaniyang likuran

habang ang mga tagapaglingkod sa kaniyang likuran ay may hawak na sulo upang bigyan ng

liwanag ang madilim na kulungan.

Sa loob ng bakal na kulungan ay maririnig ang mahinang tunog ng bakal na kadena na

kinakaladkad, at sa ilalim ng masakit sa tainga na ingay sa loob ay kasabay ang nakakaawang

panaghoy ng desperasyon, isang panaghoy na kinuyumos mula sa kaibuturan ng kaluluwa,

nakaktakot na marinig.

Huminto sa paglalakad si Shen Chi nang tumapat siya sa isang bakal na pintuan na nakaawang

bahagya. Madilim sa loob ng kulungan at maririnig mula sa kadiliman ang mahinang panaghoy.

Ilang kalalakihan na walang saplot ang makikita sa nakabukas na pintuan at yakap ang mga

damit ay isa-isa silang lumabas sa kulungan. Nakita nila si Shen Chi at madaling tumango,

bakas sa mata ang respeto.

Tinapunan ni Shen Chi ng sulyap ang mga iyon at ang gilid ng kaniyang labi ay napangisi.

"Ang lasa ng Young Miss ng Thousand Beast City ay sadyang masarap, tama?"

avataravatar
Next chapter