1089 Ang Impiyerno’y Walang Galit Tulad ng Isang Babaeng Nasusuklam (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang nakakaramdam na si Wu Xin Rui ng pagkalito sa biglang paglaho ni Jun Wu Xie ay biglang

sumugod si Lord Meh Meh sa Heavenly Cloud Chambers!

Ang munting anyo nito ay puno ng walang kapantay na kapangyarihan nang dalhin niya sa

impiyerno ang mga guwardiya na nakatayo sa labas ng Heavenly Cloud Chambers, tinapakan

ang dugo habang naglakad papasok sa Heavenly Cloud Chambers, gulat na tinitigan ni Qu Xin

Rui ito nang makita na nagpunta ito sa isang sulok ng upuan upang mahiga at magpahinga,

ang munting paa nito ay nag-iwan ng bakas ng pulang dugo sa maputing balat ng asong lobo,

isang matingkad at maliwanag na kulay ng pula.

"Ito ay…" pumasok si Shen Chi matapos marinig ang balita habang nakatitig kay Lord Meh

Meh na nakapikit ang mata at nagpapahinga sa sahig, isang nabaghan na ekspresyon ang

bumalatay sa kaniyang mukha.

Bumakas ang ngiti sa mukha ni Qu Xin Rui habang dinadampot ang Spirit Taming Bone Flute

na iniwan sa isang sulok ng upuan at hinawakan iyon sa kaniyang kamay. Sa sandaling

dinampot ang Spirit Taming Bone Flute ay bumukas bahagya ang mata ni Lord Meh Meh

upang sulyapan si Qu Xin Rui bago ipinikit nuli ang mga mata upang magpahinga.

"Ito ang Spirit Beast ni Jun Xie!" napuno ng kagalakan ang puso ni Qu Xin Rui. Inilarawan noon

ni Lin Que sa kaniya ang hitsura ng Spirit Beast ni Jun Wu Xie at sa anyo ni Lord Meh Meh at

naging reaksyon nito sa Spirit Taming Bone Flute, ito ay tama!

"Hindi ba't matagal nang naglaho si Jun Xie? Bakit… biglang nagpakita dito ang Spirit Beast?"

tanong ni Shen Chi na may namumuong kunot sa kaniyang mukha.

Wala sa loob na sumagot si Qu Xin Rui: "Hindi pa kailanman nabigo ang Spirit Taming Bone

Flute. Nang gamitin ni Qu Wen Hao ang Spirit Taming Bone Flute ay biglang dumating sa

eksena si Jun Xie. Tila alam ni Jun Xie na hindi na niya magagawang makuha pa ang kaniyang

Spirit Beast kaya madali niyang inilayo dito ang Spirit Beast. Ngunit ang isang awa na ito ay

para sa wala… Kahit siya ay makatakas at magtungo sa dulo ng mundo, kahit anong Spirit

Beast na nakontrol ng Spirit Taming Bone Flute ay gagawin ang lahat upang hanapin ang Spirit

Taming Bone Flute. At kahit umalis si Jun Xie ng Thousand Beast City, ang Spirit Beast na ito ay

magagawa pa rin na makabalik dito." ang ilang araw ng galit at balisa ay naglaho at nawala sa

loob ng ilang sandali lang dahil sa malaking ngiti na nakalapat sa mukha ni Qu Xin Rui.

Ang nagdaang ilang araw kung saan biglang naglaho si Jun Xie ay maaaring ang kahuli-hulihang

pakikibaka nito ngunit sa huli, ang Spirit Beast ay napunta pa rin sa kaniyang mga kamay.

"At dahil narito na ang Spirit Beast, ibig sabihin ay natugunan na ang iyong hiling. Tutuparin

mo ba ang iyong parte sa kasunduan na ibabalik si Qu Ling Yue kay Qu Wen Hao?" nakataas

ang kilay na tanong ni Shen Chi. Sa mga nagdaan na araw ay nasa kahabag-habag na estado si

Qu Wen Hao at ito ay halos araw-araw na nagpupunta sa Heavenly Cloud Chambers upang

magmakaawa kay Qu Xin Rui na makita ang kaniyang anak.

Ngunit nakakalungkot dahil ang kaniyang pagmamakaawa ay malupit na tinanggihan bawat

sandali at ang ilang araw ng walang katapusan na pagkabahala at pag-aalala ay hindi naging

dahilan upang ibigay ang kailangan na pahinga sa napinsalang katawan ni Qu Wen Hao at

kaninang umaga lamang, halos kararating lamang nito sa pintuan ng Grand Chieftain's

Residence nang ito ay matumba at kinailangan buhatin pabalik ng mga tao.

Malamig na tumawa si Qu Xin Rui at sinabi: "Kailan ako nakipagkasundo ng ganiyan kay Qu

Wen Hao? Bakit hindi ko matandaan?"

Bahagyang natigilan si Shen Chi, ang sulok ng kaniyang labi ay kumulot sa isang masama at

malisosyong ngiti.

"Talagang ikaw ay walang awa at malupit."

Si Qu Xin Rui ay hindi man lang naligalig habang sinasabi: "Hindi ako malupit, iyon lamang ay

dahil sa si Qu Wen Hao ay walang muwang. Wala akong balak na ibalik sa kaniya si Qu Ling

Yue sa simula pa lamang. Kung ipapakita ko sa kaniya ang matinding kahihiyan na

pinagdaanan ni Qu Ling Yue at ibalik sa kaniya ang kaniyang anak matapos iyon, hindi ba't

agad niya akong lalabanan gamit ang lahat ng mayroon siya?"

"Bakit? Huwag mo sabihin sa akin na natatakot ka sa kaniya?" natatawang sabi ni Shen Chi.

"Anong biro yan. Ako, matatakot sa isang basura na katulad niya? Ang Spirit Taming Bone

Flute ay magagamit lamang ng Grand Chieftain ng Thousand Beast City at itong Spirit Beast ay

siya lamang ay may kontrol. Bagamat ito ay kikilos ayon sa tono ng Spirit Taming Bone Flute,

kung mamamatay si Qu Wen Hao, ang kontrol ng Spirit Taming Bone Flute na humahawak sa

Spirit Beast ay maglalaho din at hindi na rin ito sasailalim sa ating kontrol."

avataravatar
Next chapter