1047 Ang Imbitasyon (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga kalalakihan ay mabilis na sinunod at umalis sa kwarto at papunta sa pasilyo ng itaas na palapag,

si Jun Wu Xie, Qu Xin Rui at Shen Chi nalang ang talong taong natira. Umupo si Jun Wu Xie sa upuan

habang sa isang gilid nakatayo si Shen Chi.

"Nalasing ako masyado ng alak at kinailangang magpahinga ng maaga, kaya hindi ako nagkarron ng

pagkakataong makausap ng mabuti ang Young Master Jun, kung saan sobra kung ikinakahiya." Saad ni

Qu Xin Rui, habang tinitignan ng malungkot si Jun Xie, ang kaniyang galaw ay nakakaakit. "Intensyon

kong kausapin ng matagal ang Young Master Jun kagabi ngunit hindi inaasahang sirain ni Lin Fen ang

aking loob. Si Lin Feng ay galing sa Thousand Beast City at naging bastos siya tungo sa ating little Young

Master Jun. Inaasahan naming hindi magalit ang little Young Master tungkol doon."

Matapos bigkasin iyon, itinaas ni Qu Xin Rui ang baba nito at binigyan ng senyales si Shen Chi.

Nagmadaling umalis si Shen Chi at bumaba ng hagdanan, pagbalik ay bitbit ang isang batang hamak ang

suot na naglakad papasok.

Pilit na binali ang buto ng bata ng mga tao at ipinilipit ng kakaibang angulo. Habang dinadala siya ni Shen

Chi, ang dugo ng bata galing sa katawan ay nagiwan ng pulang marka sa maputing sapin ng sahig. Ang

matingkad na kulay ng dugo ay mas lalong tumingkad sa puti at parang bakal na sing sing ang nakatali sa

leeg ng bata. Makapal na kadena na may lapad na kasing laki ng dalawang daliri ang nakakabit sa bakal

na sing sing na hinahawakan ni Shen Chi sa kabilang kamay. Sa parehong baling mga paa at hindi

makalakad at parehong kamay ay nakaikot sa likod, walang magawa ang bata kung hindi ay mahiga at

hinila ni Shen Chi ng malapitan papunta ky Jun Xie.

"Si Lin Feng ay malapit ng maglabing-walo at hindi na bata. Kapag mayroon siyang ginawang mali,

natural na kailangan niyang panagutan ang kaniyang ginawa. Nasiyahan ba ang little Young Master Jun

sa parusang ibinigay ko?" Saad ni Qu Xin Rui, idinuyan ang mga paa papunta sa sahig at naglakad

patungo sa bata, bago itinaas ang baba gamit anf dulo ng kaniyang paa.

Habang nakataas ang ulo, nakita ng maigi ni Jun Wu Xie ang mukha ng bata.

{{Ang mukha kung saan tinuturing na maganda ay punong puno ng dugo, parehong mata ay tinahi ng

sinulid, ang tuyong labi ay nahati at nakanganga, na mag tuyong dugo sa giid ng bibig. Dahil sa

nakabukang bibig, makikita ang sira sirang ngipin at ang kaniyang dila ay binunot palabas!}}

Kung hindi dahil sa porma ng mukha na hindi nabago, sino ang magaakala ang kalahating buhay na tao

na ito ay ang Batang Pinuno ng Icy Frost Clan?

Tinignan ni Jun Wu Xie nang walang ekspresyon ang kawawang anyo ni Lin Feng. Isang gabi lang ng

pagpasakit at humantong sa ganoong estado. Sa mga sandaling iyon, naintindihan na ni Jun Wu Xiekung

bakit ganoon nalang ang pagkatakot ni Lin Que nang makita niyang dumating si Shen Chi.

Sa mga sandaling iyon alam na ni Lin Que kung ano ang mangyayari kay Lin Feng sa oras na mahulog sa

mga kamay ni Shen Chi si Lin Feng.

Lahat ng kamay at paa ay nabali, mga mata na hindi makakita, bibig na hindi makapgsalita, si Lin Feng ay

nakahiga na walang malay sa lupa, mahinang ungol ang kumakawala sa lalamunan nito dahil sa sakit.

Sekretong ino-obserbahan ni Qu Xin Rui ang reaksyon ni Jun Xie at nadiskobreng mas kalmado ito kaysa

sa inaasahan niya. Matapos makita ang katayuan ni Lin Feng, hindi nagpakita si Jun Xi ng kahit maliit na

pagkagulat o pagkatakot sa kaniyang mga mata at nanatiling malamig at walang pakialam. Walang

mababakas kahit katiting na takot.

"Kaya ba ako inimbita ni Miss Qu para makita ito?" Lumingon si Jun Wu Xi eng malamig, walang bahid ng

awa para ky Lin Feng sa puso niya, kahit maliit na takot tungo sa malupit at walang patawag na

pamamaraan ni Qu Xin Rui.

Nilagay ni Qu Xin Rui ang kamay para takpan ang bibig at tumawa: "Syempre hindi. Pinakita ko lang ky

Young Master Jun na may kaunting sinseridad ako, iyon lang."

avataravatar
Next chapter