1046 Ang Imbitasyon (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang siya ay nagsasalita, binuhusan ng tsa ni Jun Wu Xie si ang tasa ni Xiong Ba at ininom ng isang

lagok. Tila kakaiba, ngunit ang kaniyang pangamba at takot ay unti-unting nawawala sa bango ng tsa at

nagawang kumalma ni Xiong Ba. Umupo siya sa isang tabi at ang kaniyang naguumapaw na emosyon ay

kumalma.

Ngunit bago tuluyang kumalma ang kaniyang sarili, patakbong dumating si Qing Yu, na matingding

pagalala.

"Ang mga tao galing sa Heavenly Cloud Chambers ay naririto." Saan ni Qing Yu ng nakasimangot ang

mukha.

Biglang napatayo sa pagkakaupo si Xiong Ba. "Ano ang ginagawa ng mga tao ng Heavenly Cloud

Chambers dito?"

Tinignan ni Qing Yu si Jun Xie.

"Iniimbitahan ni Qu Xin Rui ang Young Master Jun para bumisita sa Heavenly Cloud Chambers."

Biglang nandilim ang mukha ni Xiong Ba. Nag-aalala siya na gagawa kaagd ng aksyon si Qu Xin Rui para

lapitan si Jun Xie at naging ganito ang resulta. Kagabi lang sila nagkakilala at nagpadala kaagad ng tauhan

si Qu Xin Rui ng napaka-aga para imbitahin si Jun Xie.

Tumayo si Jun Wu Xie at nagsalita: "Pupunta ako."

"Hindi pwede!" Mabilis na bigkas ni Xiong Ba. Ang takot na naramdaman niya sa puso ky Qu Xin Rui ay

hindi pahihintulutang mangahas na makalapit ng malapitan si Jun Xie ky Qu Xin Rui.

Tinignan ni Jun Wu Xie si Xiong Ba at nagsabi: " Gusto mo ba akong makitang pumunta ng kusa or

sapilitang dalhin doon ng tao galing sa Heavenly Cloud Chambers?"

Padagdag ni Qing Yu: Isa sa mga malapit na tagasunod ni Qu Xin Rui ang pumunta."

Biglang nautal si Xiong Ba.

Lahat ng malapit na tagasunod ni Qu Xin Rui ay taglay ang kapangyarihan ng Purple Spirit at kapag

umayaw si Jun Xie sa imbitasyon, ang kabilang panig ay hindi magaatubiling gawin ng pwersahan.

Ang ikinakapanlumo niya ang katotohanang hindi nila ito kayang talunin!

"Kailangan mong mag-ingat. Hindi mabuting tao si Qu Xin Rui." Saad ni Xiong Ba, tinignan ng seryoso si

Jun Xie.

Tumango si Jun Wu Xie at tumayo para umalis.

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa pangunahing pintuan ng Fiery Blaze Clan Hall at iyon ang

taong nakita ni Jun Wu Xie sa piging ng kaarawan kagabi. Siya ang nagdala palabas ng piging ky Lin Feng.

Ayon sa obserbasyon ni Ye Sha, ang kapangyarihan ng lalaking ito, ang pinakamalakas sa apat kasama si

Qu Xin Rui.

"Young Master Jun." Isang ngiti ang bumungad dito ng makita si Jun Xie, ngunit sa pares ng matalim na

mga mata, mayroong nakatagong paghamak.

Nagpanggap si Jun Wu Xie na hindi niya napansin ang panghahamak sa kanya ng lalaki na pilit itinatago

at tumango ng walang emosyon sa kanya.

"Gusto naming abalahin ang Young Master Jun na pumunta sa Heavenly Cloud Chambers. Sinabi ni

Ginang Qu na hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makausap ang Young Master Jun tungkol sa mga

bagay bagay at pinakiusap niya na imbitahan ka." Ang lalaki ay nakangiti habang siya ay nagsasalita, ang

boses niya ay marespeto, ngunit ang mga mata niya ay hindi nagpakita ng kahit anong sinsiredad.

"Inabala ko pa kayo." Saad ni Jun Wu Xie.

"Napakagalang naman ng Young Master Jun. Ang pangalan ko ay Shen Chi, at ako ang maghahatid sa

Young Master Jun doon." Saad ni Shen Chi ng nakangiti, habang sinusukat niya ang maliit na

pangangatawan ni Jun Xie.

[Itong mahina na ito ang Emperador ng pinakamalakas na bansa ng Lower Realm?]

Binaling ni Jun Wu Xie ang tingin ky Shen Chi.

Pinawi ni Shen Chi ang mapanghamak na tingin niya at ngumiti: "Mayroon po bang problema, Young

Master Jun?"

"Ang apelyido mo ay Shen? Tanong ni Jun Wu Xie, bahagyang kumunot ang noo.

Ngumiti si Shen at itinango ang ulo.

Hindi na muling nagsalita si Jun Wu Xie at sumunod ito ky Shen Chi papunta sa Heavenly Cloud

Chambers.

Ang pangunahing pintuan ng Heavenly Cloud Chambers ay nagbukas para ky Jun Wu Xie ng walang kahit

anong abala at diretso sa itaas na palapag.

Sa itaas na palapag, ang matamis na amoy ay makapal at mas matindi kaysa noong kagabi at ang mga

nakabihis na mga kalalakihan ay nakaupo at nakaluhod sa malambot na sahig habang si Qu Xin Rui ay

nakahiga sa mahabang upuan kagaya ng dati, habang nakatingin ky Jun Xie habang papalapit siya. Ang

itsura niya ay nakaka-akit habang sumisilip ang mahaba at makinis na binti sa damit.

"Young Master Jun, nandito kana." Saab ni Qu Xin Rui, lahat kayo pwede na umalis." Saad ni Qu Xing Rui,

Iwinasiwas ang kamay niya sa mga kalalakihan na nakapalibot sa kanya.

avataravatar
Next chapter