952 Ang Ikalimang Mapa (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ilang tao mayroon ang kalaban?" maingat na tanong ni Hua Yao. Hindi ito ang unang

pagkakataon na nagpumiliti silang magtungo sa isang lugar kahit na alam nilang may mga tao

doon mula sa Twelve Palaces.

"Hindi sigurado si Qu Ling Yue tungkol doon. Bukod doon sa Great Grandaunt, mayroong

tatlong permanente na nasa Thousand Beast City, at kung may iba pa na naroon ay hindi

sigurado." saad ni Jun Wu Xie.

"Ang sigurado ay mayroong apat." saad ni Fei Yan, hinimas niya ang kaniyang baba sinusukat

kung gaano kapanganib ang kanilang haharapin sa misyon na ito.

"Maaaring hindi iyon kasing sama nang iniisip natin. Hindi lamang ang mga tao mula sa Twelve

Palaces ang ating kaaway. Sila ay kaaway rin ng mga mamamayan ng Thousand Beast City.

Hangga't matitiyak natin ang kaligtasan ng mga taong dinukot, lahat ng mamayan ng

Thousand Beast City ay handang tumulong sa atin." naniningkit na sabi ni Jun Wu Xie. Ang

poot na nararamdaman ng mga mamamayan ng Thousand Beast City laban sa Twelve Palaces

ay maaaring pareho rin sa kanilang nararamdaman na poot. Hangga't ang miyembro ng

kanilang pamilya ay nasa kamay ng kalaban, wala silang magagawa kungdi ang sumunod sa

mga utos.

Ngunit sa oras na ang kanilang kapamilya ay nakalaya na, bakit nila hahayaan na magpatuloy

na kontrolin sila?

"Mukhang sa mga oras na ito, ay kailangan pa rin natin umasa sa munting ulo mo." nang

marining ni Qiao Chu na sabihin iyon ni Jun Wu Xie, ay bigla niyang naalala ang mga nangyari

sa Fire Country. Bagama't alam nila na ang kanilang kapangyarihan ay walang-kapantay sa

mga tao ng Twelve Palaces, ngunit nasa kanilang panig ang mahusay at matalinong si Jun Wu

Xie!

"Kung gayon, subukan natin at gamitin natin ang ilang tao mula sa Twelve Palaces bilang

pagsubok sa atin. Nakatakda rin naman na harapin natin sila malao't madali." nakangiting

saad ni Fan Zhuo. Sa Zephyr Academy noon, ay alam na nila kung ano ang pakiramdam, at

hindi sila natatakot na gawin ulit iyon!

"Heh heh, ngunit may isnag bagay akong nais tanungin kay Little Xie." biglang sabi ni Qiao

Chu, isang walang hiya at hamak na ngiti ang bumakas sa kaniyang mukha.

Sumulyap sa kaniya si Jun Wu Xie at sinabi: "Magsalita ka."

"Err… Si Big Brother Wu Yao… kailan siya babalik?" tanong ni Qiao Chu, inosenteng kinurap-

kurap ang kaniyang mga mata. Sa totoo lang, si Qiao Chu ay may matinding paghanga kay Jun

Wu Yao, masasabing iyon ay pagsamba na. Kung makakasama sa kanila si Jun Wu Yao, ang

mga tao mula sa Twelve Palaces ay hindi magiging problema. Kahit na madoble pa ang

kanilang bilang, ay hindi iyon magiging banta sa kanila.

Minsan ay nagiging interesado sila sa kung saan talaga nagmula si Jun Wu Yao at ito ay

sobrang makapangyarihan na maging ang mga tao mula sa Twelve Palaces ay walang

pagkakataon na makaligtas sa kaniyang mga kamay.

Natigilan si Jun Wu Xie, hindi niya inaasahan na babanggitin ni Qiao Chu si Jun Wu Yao.

May katagalan na rin nang umalis si Jun Wu Yao. Naisip niya na magbabalik ito makalipas ang

ilang araw ngunit, nagdaan ang mga araw, naisip niya na maaaring mawawala na naman itong

muli.

"May mga bagay na dapat ay tayo ang gumagawa." saad ni Jun Wu Xie, ibinaba nito ang

tingin. Hindi alam ang dahilan kung bakit, ngunit nang banggitin ni Qiao Chu si Jun Wu Yao, ay

mayroong hindi maipaliwanag na damdamin sa kaniyang dibdib, at nagdulot iyon ng

pagkabalisa sa kaniyang puso.

"Ehem. Nasabi ko lang iyon. Huwag mo masyadong dibdibin. Alam ko iyon. Upang maipataw

ang paghihiganti na inaasama natin, kailangan ay tayo ang gumawa noon. Sa paraang iyon ay

masasabi natin na iyon ay tama at kasiya-siyang paghihiganti." mabilis na sabi ni Qiao Chu.

Hindi sa nais niyang sakyan ang kaniyang patotoo, ngunit iyon ay dahil sa si Jun Wu Yao ay

isang tao na hinahangaan niya.

Nang maramdaman na sinusumpong si Jun Wu Xie, si Hua Yao at ang mga kasama ay hindi na

nagsalita pa at naghiwa-hiwalay upang makapaghanda na sa susunod nilang destinasyon, sa

Thousand Beast City!

Si Jun Wu Xie ay nanatili sa likod ng silid ni Fan Zhuo habang si Hua Yao ay nagtungo kay Qu

Ling Yue at Xiong Ba upang pag-usapan ang tungkol doon.

Masaya si Fan Jin nang malaman na babalik na sila sa Zephyr Academy ngunit biglang nagbigay

ng impormasyon sa kaniya si Fan Zhuo sila makakasama sa pagbabalik kasama niya. Ngumiti

lamang si Fan Jin at hindi na gaanong nagsalita, pinaalalahanan lamang niya si Fan Zhuo na

ingatan ang sarili.

avataravatar
Next chapter