950 Ang Ikalimang Mapa (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Saan niya dinala ang mga taong binihag niya?" tanong ni Jun Wu Xie.

Umiling si Qu Ling Yue. "Walang nakakaalam kung saan niya dinala ang mga bihag kaya't hindi

magawa ng aking ama na sagipin ang mga taong iyon. Lihim na dinukot ng Great Grandaunt

ang mga taong iyon nang ipakita ng aking ama ang pagtanggi na ipagpatuloy ang pagsunod sa

kaniyang mga utos at hanggang sa ngayon, walang may alam kung saan niya ikinulong ang

mga ito."

"Kung ganun, paano ninyo nalaman na buhay pa ang mga taong iyon?" tanong ni Jun Wu Xie.

"Ang Great Grandaunt ay nagpapalaya ng isang grupo ng mga tao pabalik sa Thousand Beast

City kada buwan upang makita ang kanilang pamilya at upang makita na sila ay ligtas. Iba-

ibang grupo ng mga tao ang pinakakawalan niya bawat buwan at tuwing sasapit ang

katapusan, sila ay ilalayong muli. Kung mayroon man sa mga taong iyon ang nangahas na

tumakas, ay paparusahan niya ang mga tao na kaniyang ikinulong sa pamamagitan ng

pagpatay sa mga iyon." sa tuwing maaalala ni Qu Ling Yue ang malupit na kasamaan ng Great

Grandaunt, ay nakakaramdam siya ng takot sa kaniyang buto. Ang kaniyang ama ay hindi nais

na kaladkarin pa siya sa lahat ng iyon kaya siya ay pinadala noon sa War Banner Academy.

Bagaman madalang siyang magbalik sa Thousand Beast City, ngunit sa tuwing siya ay naroon,

madalas siyang makakita ng mga pangyayari na nagpapalamig sa kaniyang puso.

"Bilang anak ng aking ama, wala akong kakayahan na dalhin ang paghihirap ng aking ama, at

patuloy ko lamang na nakikita ang kaniyang pagsunod sa iba. Wala akong silbi, ginawa ko ang

lahat ng aking makakaya upang itaas ang aking spirit power, iniisip na ibalik ang aking ina at

ang iba pa… Ngunit… ako ay napakahina pa." sabi ni Qu Ling Yue, garalgal ang boses habang

nagsasalita.

Bagaman nagawa niyang makuha ang pinakamataas na ranggo sa Spirit Tournament ng War

Banner Academy, ay hindi pa rin iyon sapat, isang tasa ng tubig sa harap ng isang nag-aapoy

na kariton ng Purple Spirit, wala iyong halaga!

Tahimik na nakatitig si Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue na umiiyak sa likod ng kaniyang mga palad.

Mula sa mga hikbi ni Qu Ling Yue, naramdaman niyang pinapayuhan ang sarili at ang kaniyang

pagtanggi.

Ang pakiramdam na nararamdaman kung ang importanteng tao sa kanila ay sinaktan ng iba,

ngunit dahil sa sila ay mahina ay wala silang magawa kundi panoorin ang trahedyang

maganap, at hindi man lang makapaghiganti…

Hindi estranghero si Jun Wu Xie doon.

Sa simula noon ng Lin Palace ay naramdaman din niya iyon.

Ang pagkakaiba lamang ay mas maswerte siya noon, dahil sa ang mga kaaway na kaniyang

hinarap ay mula sa Lower Realm, habang si Qu Ling Yue naman ay kinakaharap ang mga tao

mula sa Twelve Palaces ng Middle Realm!

Ang pagkakaiba sa pagitan ng Middle at Lower Realm ay napakalaki at iyon ay lampas kay Qu

Ling Yue upang magawa nitong mabago ang sitwasyon.

Naniniwala si Jun Wu Xie na ang Great Grandaunt na binabanggit ni Qu Ling Yue ay maaaring

nakatali sa Twelve Palaces upang magtungo sa Middle Realm matapos nitong makamit ang

Purple Spirit at pagkatapos ay ipinagkatiwala ng Twelve Palaces ang mapa.

Ngunit gaano katigas ang puso nito, na magagawa saktan ang kaniyang sariling pamilya dahil

lamang sa isang madugong sabwatan?

Kumunot ang kilay ni Jun Wu Xie at di-namalayang naalala ang bilangguan ng nakaraan, ang

demonyo, tila natutuwa sa ganoong paraan.

"Matutulungan ko kayo." sa wakas ay sabi ni Jun Wu Xie.

At sa sandaling ibinukas ni Jun Xie ang kaniyang bibig, ay may tuwang itinaas ni Qu Ling Yue

ang kaniyang ulo, ang mukha ay puno ng pag-asa, ang mga luha ay tumutulo pababa sa

kaniyang pisngi, ngunit ang mga mata ay malinaw at nagniningning.

"Talaga? Ako talaga ay iyong tutulungan?" may galak na hinawakan ni Qu Ling Yue ang kamay

ni Jun Xie, sa sobrang ligalig ay nagsimulang manginig ng kamay nito.

Wala na siyang maisip na ibang paraan pa at ang makita ang kakayahan at katalinuhan ni Jun

Wu Xie ay nagbigay sa kaniya ng pag-asa.

Bahagyang tumango si Jun Wu Xie. Kahit wala ang hiling ni Qu Ling Yue, kung madidiskubre ni

Fei Yan na hawak ng Thousand Beast City ang isa sa mga mapa, ay siguradong sila ay tutungo

doon anupaman. At sa tulong ni Qu Ling Yue at Xiong Ba, mas madali para sa kanila na

makuha ang ikalimang mapa.

"Maraming salamat! Maraming salamat!" sobrang ligalig ni Qu Ling Yue kaya nagsimula ulit

itong umiyak. Tinapik siya ni Xiong Ba sa balikat at tiningnan niya si Jun Xie ng isang

nagpapasalamat na tingin…

avataravatar
Next chapter