949 Ang Ikalimang Mapa (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nang makita namin na si Young Master Jun ay matindi ang karunungan, at malaki ang interes

sa mapa, ako, si Xiong Ba, ay taimtim na nakikiusap sa Young Master Jun na tulungan kaming

maresolba ang krisis ng Thousand Beast City. Pagtapos na ang lahat, sisiguraduhin ng

Thousand Beast City na bukas-palad naming ihahandog ang mapa sa iyo!" biglang tumayo si

Xiong Ba matapos sabihin iyon at pormal na yumuko sa harapan ni Jun Xie, ang kaniyang likod

ay nakabaluktot sa anggulo na ninety-degree.

Naningkit ang mga mat ani Jun Wu Xie. Ikinagulat niya ang mga salita ni Xiong Ba dahil hindi

niya inaakala na ang Thousand Beast City ay magkakaroon din ng piraso ng mapa!

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong ni Jun Wu Xie.

"Iyon ang totoo! Kung mayroon mang hindi totoo sa aking sinabi, tamaan sana ako ng kidlat!"

determinadong sumpa ni Xiong Ba sa Heavens. Kung hindi sa katotohanan na nasaksihan

mismo mi Qu Ling Yue ang kakayahan ni Jun Xie, at matinding paniniwala na siya ang taong

makapagbabago sa sitwasyon na kinakaharap ng Thousand Beast City, ay hindi mang-aahas si

Xiong Ba na ibunyag ang lihim na gawain ng Thousand Beast City.

Sa loob ng maraming taon, nakita ng mga tao ang tinatamasang kagitingan ng Thousand Beast

City at tanging ang mga miyembro sa loob ng Thousand Beast City ang tunay na nakakaalam na

halos sila ay masaid na.

Sa tuwing makikita niya ang Grand Chieftain na balisa at nahihirapan gabi-gabi, pakiramdam ni

Xiong Ba ay tila hinihiwa ang kaniyang puso ng patalim, hinihiling na sana maibahagi sa kaniya

ang bigat na dinadala ng Chieftain.

At ngayon, hangga't mayroong pag-asa silang nakikita, ay susubukan nila ang lahat!

Bumaba ang mat ani Jun Wu Xie habang pinag-iisipang maigi ang sinabi ni Xiong Ba.

Ang balita tungkol sa mapa ay bihira lamang at ang mga naunang apat na piraso ng mapa, si

Fei Yan ay nagsakripisyo ng dugo at luhabago niya mahanap ang dalawa, samantalang ang

natirang dalawa, ang isa doon ay hindi inaasahan na sinabi sa kanila ni Fan Zhou, at ang isa

naman ay nagkataon lamang na nakita nila ng di-sinasadya. Ayon sa sabi-sabi, bawat piraso ng

mapa ay mahirap hanapin, at ngayon si Xiong Ba ay lumapit sa kanila at inaalok ang ikalimang

mapa.

Subalit, ang sitwasyon na pumapalibot sa mapa ngayon ay iba na.

Ang mga taong pinagkatiwalaan noon ng mapa ay matinding iniingatan ang mga mapa. Ngunit

sa salita ni Xiong Ba, hindi mahirap para kay Jun Wu Xie na hulaan na ang ikalimang mapa ay

hindi nagdala nang saya sa mga tao ng Thousand Beast City, ang dulot nito ay takot,

pagkabalisa at kamatayan.

Kung mayroon silang pagpipilian, ang Grand Chieftain ng Thousand Beast City ay siguradong

hindi na hihilingin ang mapa na manatili pa sa siyudad dahil matindi na itong nabahiran ng

dugo. Ngunit ang Purple Spirit user na dating naninirahan sa Thousand Beast City ay tila isang

mabigat na kandado at kadena na mahigpit na gumagapos sa Grand Chieftain ng Thousand

Beast City, pinupuwersa siya at walang ibang magagawa kundi ang sumunod sa utos.

Ngunit sa lahat ng iyon, naramdaman ni Jun Wu Xie na patang may mali kaya itinaas niyang

muli ang tingin kay Xiong Ba upang magtanong: "Ang inyong Chieftain ay sumusunod lamang

sa utos ng taong iyon dahil natatakot siya sa kapangyarihan ng Purple Spirit tama?"

Bagama't ang Purple Spirit ay napakalakas, ang Thousand Beast City ay pag-aari ang Spirit

Tamer Bone Flute na may kakayahang kontrolin ang Spirit Beasts at kung talagang

nakipaglaban sila hanggang kamatayan gamit ang lahat ng mayroon sila, ang paggamit ng Spirit

Tamer Bone Flute ay siguradong magbibigay sa kalaban ng pagkatalo. Ngunit matapos ang

ilang taon, ang Thousand Beast City ay hindi nagpakita ng paglaban. Kung ang kanilang mga

mamamayan ay natatakot, ibig sabihin lamang na ang taong iyon ay may hawak laban sa

kanila.

Biglang hindi makapagsalita si Xiong Ba at mukhang siya ay naaasiwa sa mga sandaling iyon.

Kinagat ni Qu Ling Yue ang kaniyang ibabang labi habang nakatitig sa nalilitong ekspresyon ni

Xiong Ba. Inipon niya lahat ng lakas ng loob at sinabi kay Jun Xie: "Dahil sa kamay ng Great

Grandaunt ay hawak niya ang buhay ng maraming tao."

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie.

"Binihag niya ang aking ina, at karamihan sa aking kamag-anak at pamilya sa Thousand Beast

City. Kung hindi namin gagawin ang kaniyang sinabi, papatayin niya ang mga taong iyon."

dumilim ang mata ni Qu Ling Yue. Hindi sa hindi naisip ng kaniyang ama na tumanggi, ngunit

ang kaniyang ina at ilang tiyuhin at tiyahin ay nasa kamay ng Great Grandaunt. Ang kaniyang

ama at mamamayan ng Thbousand Beast City ay walang magawa kungdi sumunod sa tawag

nito at kahit na hindi nila gusto ay kailangan nilang gawin.

avataravatar
Next chapter