948 Ang Ikalimang Mapa (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na ikinagulat ni Xiong Ba ang pagtanggi ni Jun Xie. Alam niya sa kaniyang sarili na ang

ugnayan nila kay Jun Xie ay hindi masasabing malapit ngunit dahil lamang iyon sa kanilang

minsan na pakikipagtulungan. Ngunit ang tanging tao na nais nilang makuha ang tulong ay

mula sa batang iyon!

"Jun Xie, huwag ka munang magpadalos-dalos sa pagtanggi sa amin, pakinggan mo muna ako.

Nakita ko ang mapa na nakuha mo mula sa Emperos kanina. Importante ba ang mapa na iyon

sa iyo?" bata pa si Qu Ling Yue, at ang kaniyang pag-uugali ay hindi kasing panatag katulad ng

kay Xiong Ba. Nang marinig niya ang pagtanggi ni Jun Xie ay bigla itong nataranta.

Nang marinig na binanggit ni Qu Ling Yue ang mapa ay nakuha nito ang atensyon ni Jun Wu

Xie.

Mayroong walong piraso ng mapa na mula sa balat ng tao at ito ay masalimuot na inuugnay sa

eksaktong lokasyon ng libingan ng Dark Emperor. Sa walong mapa na iyon, ang pito doon ay

nasa kamay ng Twelve Palaces at ang lihim na paghahanap ng Twelve Palaces sa libingan ng

Dark Emperor ay patago nilang ginagawa. Ang ibang tao ay hindi alam kung para saan ang

mapa na iyon kaya hindi niya kailangan magbantay laban sa iba sa Imperial main hall.

Ngunit si Qu Ling Yue ay tila napansin ang kakaiba sa mapa na iyon.

"Oo." malamig na sagot ni Qu Ling Yue, ang kaniyang sulyap ay kasing kalmado ng tahimik na

katubigan, walang makikitang alon sa kaniyang mga mata. Ang tanging nandoon lamang ay

panlalamig habang nakatingin kay Xiong Ba at Qu Ling Yue, nang may bahagyang panunuri ang

lumitaw.

Napansin ni Xiong Ba na itinaas ni Jun Xie ang kaniyang depensa at natatakot siya na baka sila

ay hindi maunawaan ni Jun Xie, kaya mabilis niyang idinagdag: "Unawain mo muna Young

Master Jun. Ang aking Young Miss ay walang ibig sabihin sa kaniyang sinabi, ang aming

imbitasyon sa iyo na sumama sa Thousand Beast City ay may kaugnayan sa mapa na sinasabi

ng aking Young Miss."

May pagtatanong na napataas ang kilay ni Jun Wu Xie.

"Sa totoo lang, mayroong isang piraso ng parehong mapa sa Thousand Beast City." Biglang sabi

ni Xiong Ba.

At dahil sa rebelasyong iyon, ang kalma sa mata ni Jun Wu Xie ay biglaang natigatig at kaniyang

tinanong: "Ang Thousand Beast City ay mayroong din?"

Tumango si Xiong Ba.

"Ang mapa ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng aming Grand Chieftain at dahil sa mapa rin

na iyon kaya ang Thousand Beast City ay hindi magawang ipagtanggol ang sarili." Saad ni Xiong

Ba habang isang mapait na ngiti ang bumalatay sa kaniyang mukha.

"Maaaring iyong nalalaman, Young Master Jun, na ang dahilan kung bakit nagagawa ng

Thousand Beast City na maging masaya sa kasalukuyang estado ay dahil sa katotohanan na

nasa pagmamay-ari namin ang pambihirang Spirit Tamer Bone Flute. Ngunit bukod doon, ang

Thousand Beast City ay nakagawa noon ng dalawang Purple Spirit at ang dalawang tao na iyon,

matapos ang pagsulong nila sa Purple Spirit, ay umalis sila sa aming bayan. Ngunit sampung

taon makalipas, isa sa dalawang gumagamit ng Purple Spirit ay biglang nagbalik sa Thousand

Beast City at dala-dala niya ang isang mapa na mula sa balat ng tao katulad ng iyong hawak.

Ang gumagamit ng Purple Spirit ay hiniling sa Grand Chieftain na gamitin ang kapangyarihan ng

Thousand Beast City upang matulungan siya na malaman ang lihim sa likod ng mapa… Sa

umpisa, ang Grand Chieftain ay sumunod at ginawa ang kaniyang utos dahil sa siya ay

iginagalang na Senior sa Thousand Beast City. Ngunit sa bawat misyon, ang Thousand Beast

City ay palaging nawawalan ng mga tao. May mga nagsasabi na bawat tao na ipinapadala ay

hindi na nakakabalik ng buhay."

Nang sabihin ni Xiong Ba ang huling mga salita, hindi niya naiwasan na mangalit ang ngipin, at

nabahiran ng poot ang kaniyang mga mata.

"Ang Grand Chieftain ay nakita na marami ang nawawala na aming mga kapatid sa bansa kaya

hindi na niya ninais pa na magpatuloy. Ngunit ang Purple Spirit Senior ay hindi pumayag at

pinilit na magpatuloy ang Grand Chieftain. Bagaman ang Grand Chieftain ay may mataas na

antas ng spirit power, hindi siya paparis sa isang Purple Spirit. Higit pa doon, ang taong iyon ay

may kasama na ilang misteryosong tao na nagtataglay rin ng kaparehong spirit power, kaya

walanga magawa aming Grand Chieftain kundi magpadala sa kanilang mga hiling. Sa pagdaan

ng mga taon, sa tuwing magpapadala ang Grand Chieftain ng isang grupo, ay nagdurugo ang

kaniyang puso. Hindi na naming matandaan kung ilang kapatid na naming ang nawala dahil

dito."

"Nang makita namin na si Young Master Jun ay matindi ang karunungan, at malaki ang interes

sa mapa, ako, si Xiong Ba, ay taimtim na nakikiusap sa Young Master Jun na tulungan kaming

maresolba ang krisis ng Thousand Beast City. Pagtapos na ang lahat, sisiguraduhin ng

Thousand Beast City na bukas-palad naming ihahandog ang mapa sa iyo!" biglang tumayo si

Xiong Ba matapos sabihin iyon at pormal na yumuko sa harapan ni Jun Xie, ang kaniyang likod

ay nakabaluktot sa anggulo na ninety-degree.

avataravatar
Next chapter