946 Ang Ikalimang Mapa (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos lisanin ni Jun Wu Xie ang Imperial Palace, muling nagbalik si Lord Meh Meh sa

pagiging munting tupa na anyo at maya-maya pa ay dumating si Lei Chen.

Bago magsalita si Lei Chen, nagsalita si Jun Wu Xie: "Paaalisin mo ang Imperial Guards sa

palibot ng Immortal's Loft."

Saglit na nasindak si Lei Chen bago niya naalala na inutusan ng Emperor ang Imperial Guards

na bantayan ang Immortal's Loft kung saan si Qiao Chu at ang mga kasama na nananatili sa

loob ng bahay-panuluyan ng Immortal's Loft. Matapos ang ilang araw, ang mundo ay biglang

nagbago para sa mga mamamayan ng Fire Country at matapos ang ilang oras, ang Emperor's

Imperial Edict ay inilabas ang anunsiyo tungkol sa kaniyang pagbaba.

"Sige. Little brother Jun, tungkol sa trono, maaari bang pag-isipan mo ulit ang tungkol dito ng

mabuti?" mabilis na sumang-ayon si Lei Chen sa hiling ni Jun Xie, ngunit hindi rin niya

kinalimutan na himukin na pag-isipan itong muli.

Subalit, hindi man lang siya tiningnan ni Jun Wu Xie at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

Maya-maya pa, ang Imperial Guards na nakapalibot sa Immortal's Loft ay umalis na. Si Qiao

Chu at ang mga kasama ay hindi naman gaanong nahirapan ng mga nakaarang araw, nagpatay

oras lamang sila sa loob ng bahay-tuluyan.

Nang makita nilang nagbalik na si Jun Wu Xie ay napatalon si Qiao Chu palapit sa kaniya.

"Anong nangyari? Tagumpay ba?"

Tumango si Jun Wu Xie at inabot niya ang kahong brokado na naglalaman ng mapa kay Hua

Yao na nakatayo sa isang sulok.

Kasama ang mapa na iyon, mayroon na silang apat na hawak. Patungo sa layunin na makuha

ang walong mapa ay halos nasa kalahati na sila!

Idagdag pa ang mga kasama ni Jun Wu Xie, ang liksi nila upang matipon ang mga mapa ay

naging mabilis. Naniniwala silang hindi magtatagal ay magagawa nilang mahanap ang

natitirang apat, at sa wakas ay magagawa na nilang buksan ang matagal ng nakasarang

lagusan patungo sa libingan.

"Ang hayaan si Little Xie na planuhin ang gawain, ang mga bagay ay nagawa ng mabilis at

magalaing tulad ng inaasahan! Ano ang susunod na plano mo?" malaki ang ngiti ni Qiao Chu

na nagtanong. Ang layunin nila sa pagpunta sa Fire Country ay nakamit na at sila ay

maghahanda na sa isang bagong paglalakbay mula doon. Hindi pa nakakahanap ng kahit

anong bakas si Fei Yan sa kung nasaan ang ibang mga mapa, kaya hindi malinaw kung saan ang

susunod nilang destinasyon.

"Magbalik muna tayo sa Zephyr Academy." walang kabuhay-buhay na sagot ni Jun Wu Xie.

Ang lahat ay ngumiti at sumang-ayon, mabilis silang nag-impake ng mga gamit, hindi na nais

pang magtagal sa lugar na iyon.

Wala sa kanila ang nagtanong ng kahit ano tungkol sa Ring ng Imperial Fire. Alam nilang

walang interes si Jun Wu Xie sa trono.

Si Qiao Chu at mga kasama ay nag-iimpake na at handa na sa pagbabalik sa Zephyr Academy.

Nang bigla ay dumating ang mga karwahe ng Thousand Beast City sa pintuan ng Immortal's

Loft at huminto doon.

Lumabas mula sa karwahe si Xiong Ba at Qu Ling Yue at nakita nila si Qiao Chu at ang mga

kasama nito na isinasakay ang kanilang mga bagahe sa sarili nilang mga karwahe. biglang

bumakas ang pagkabalisa sa maliit na mukha ni Qu Ling Yue.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Qu Ling Yue kasabay ang mabilis na paglalakad patungo kay

Qiao Chu.

"Siyempre kami ay magbabalik na sa aming paaralan." tumatawang sagot ni Qiao Chu.

"Si Jun Xie… Si Jun Xie ay nandito ba?" nabigla si Qu Ling Yue kaya madali siyang nagtanong.

"Nag-iimpake pa siya sa loob." hindi gaanong binigyang-pansin iyon ni Qiao Chu kaya itinuro

niya ang hagdan paakyat.

Subalit, nang masabi niya iyon ay mabilis na kumilos si Qu Ling Yue at Xiong Ba na tila isang

hangin papasok sa loob. May pagtataka na bumakas sa mukha ni Qiao Chu.

Si Jun Wu Xie ay nag-iimpake pa. Wala siyang dala na gaanong gamit, kaya mabilis niya iyong

naayos at ipinasok sa Cosmos Sack. Palabas na sana siya ng pintuan nang makita niya si Qu

Ling Yue na nakatayo sa labas ng kaniyang pintuan, at humihingal ito. At nakatayo sa kaniyang

likuran ay ang mataas na anyo ni Xiong Ba.

"May kailangan kayo?" itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata upang tumingin sa munting

mukha ni Qu Ling Yue na namumula dahil sa paghabol nito sa hininga. Nagawa niyang wasakin

ang Emperor ng Fire Country ng walang kahirap-hirap dahil na rin sa tulong ni Qu Ling Yue. At

dahil sa walang poot na kinikimkim si Jun Wu Xie laban kay Qu Ling Yue, ipinakita niya dito ang

kaniyang ugaling pagiging malamig.

"Aalis ka na?" sa wakas ay tanong ni Qu LIng Yue.

"Mm." bahagyang tumango si Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter