728 Ang Ika-walong Sampal 9

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kaisipang ito, isang bola ng apoy ang lumamon sa puso ni Gu Ying. Muli, naging biktima na naman siya ni Jun Xie.

Nagtagis ang mga bagang ni Gu Ying dahil sa pagkayamot at poot kay Jun Xie, ang kaniyang mga mata ay lumipat ng

tingin sa karwahe na nasa bukana ng Zephyr Academy.

Sa puntong iyon, wala nang pakialam si Gu Ying sa kung ano man ang iniisip ni Ning Rui. Nakatutok ang buong atensiyon

niya sa karwahe.

Nang walang makuhang sagot si Ning Rui kay Gu Ying, mas lalo siyang kinabahan. Binaling niya ang kaniyang ulo sa likod

upang tingnan si Fan Jin na ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Fan Zhuo. Inobserbahan niya ito mula ulo hanggang paa at

nang makasiguro siya na si Fan Jin nga ito, mas lalo siyang kinabahan at natakot.

"Fan Jin! May gana ka pang ipakita ang pagmumukha mo rito?!" sa sobrang kaba na nararamdaman, hindi napigilan ni

Ning Rui ang sumigaw sa galit!

[Hindi niya dapat hayaang makapagsalita si Fan Jin para maibunyag ang mga nangyari ng araw na iyon kung hindi…]

[Katapusan na ng lahat sa kaniya!]

"Mga kawal! Hulihin niyo ang taong ito na walang awing pinaslang ang Headmaster!" sigaw ni Ning Rui, nanginginig at

halos hindi na makontrol ang galit na sa katotohanan ay nanginginig ito sa takot.

Subalit, wala kahit isa sa naroon ang gumalaw. Lahat ng kanilang mga mata ay palipat-lipat ng tingin sa kay Ning Rui at sa

magkapatid na Fan.

Kung nangyari ito bago pa dumating si Fan Zhou, mabilis na tatalima ang mga kawal para sundin ang utos ni Ning Rui.

Ngunit dahil sa rebelasyon ni Fan Zhuo, nagbago na ang sitwasyon.

Dahil patay na si Fan Qi, ayon sa batas ng academy, ang magmamana sa posisyon ng Headmaster ay ang anak nito. Kung

ang pagbabasehan ay ang dati nilang nalalaman, ang magmamana ng posisyon ay si Fan ZHuo. Ngunit dahil sa

rebelasyon ni Fan Zhuo sa araw na ito na si Fan Jin ang tunay na anak ni Fan Qi, dahil dito… hindi malaman ng lahat kung

paano sila tutugon sa sitwasyong ito.

Para sa posisyon ng Headmaster, papatayin ba ni Fan Jin ang sariling ama? Ano ang kaniyang pakay?

Dahil walang tugon na natanggap, mas lalong kinabahan si Ning Rui. Hindi niya alam kung paanong nagkita si Fan Zhuo at

Fan Jin. Habnag tinitingnan niya ang magkapatid na nakatayo sa kaniyang harap, mas lalo siyang natakot sa

kahihinatnan!

Bago pa dumating si Fan Zhuo, intensiyon na ni Ning Rui na gamitin ang posisyon ng Headmaster para magawan ng

paraan an g pagdispatsa kay Fan Jin. Pero dahil sa pagbabalik ni Fan Zhuo, ang kaniyang salita ay hindi na magiging batas

sa Zephyr Academy!

"Bakit mukhang determinado ka Tiyo Ning na patahimikin ako? Nagulat ka ba na nakikita mo akong maayos at magaling

na? Ano ang ikinakatakot mo? Natatakot ka ba na sasabihin ko ang totoong nangyari sa likod ng pagkamatay ng aking

ama sa harap ng lahat ng tao sa Zephyr Academy? O mas natatakot ka na sabihin sa kanila na ikaw at si Gu Ying ang

totoong pumatay sa aking ama?!" ang maaliwalas na mata ni Fan Jin ay naningkit habang binibitawan niya ang mga

salitang iyon, ang ngiti na nasa kaniyang mga labi ay unti-unting nawala at galit at poot ang mababakas sa kaniyang

mukha!

Dahil sa mga akusasyon ni Fan Jin, nagkagulong muli ang mga tao na naroon, ang kanilang mga mata ay puno ng tanong

at may pang-aakusa na tiningnan si Ning Rui.

[Ang Vice Headmaster at si Gu Ying ang totoong pumatay?!]

[Ano ang nangyayari dito?!]

Dahil sa mapanghusgang titig ng mga tao kaniya, si Ning Rui ay naliligo na sa malamig na pawis, ang kaniyang mukha ay

namumutla na at halos hirap nang huminga.

"Ano itong walang kwentang pinagsasabi mo! Malapit kami ni Fan Qi at para na kaming magkapatid, kaya bakit ko

hahangarin ang saktanj siya?! Ikaw iyon! Hinahangad mo ang posisyon ng Headmaster kung kaya na gawa mo ang bagay

na iyon!" galit na sigaw ni Ning Rui.

"Hinahangad ko ang posisyon ng Headmaster? Haha, isang katawa-tawa! Huwag mong sabihin sa akin na si Tiyo Ning ay

tumatanda na at ang kaniyang tenga ay hindi nakakarinig ng maayos? Hindi mo ba narinig kung ano ang sinabi ni Little

Zhuo kani-kanina lamang?" sabi ni Fan Jin, ang kaniyang mata ay malamig na nakatuon sa kay Ning Rui. "Ako ang tunay

na anak ng aking ama at ang posisyon ng Headmaster ay mapupunta rin sa akin. Kung kaya naman, bakit kailangan ko

pang gawin iyon? Kung gagawin ko iyon, maghihinala lamang ang lahat at mamamarkahan ako na traydor at

mamamatay tao! At kung pinili ko ngang gawin iyon, bakit ko gagawin kung kailan nasa labas lamang si Gongcheng Lei?

At maghintay sa loob hanggang mahuli? Ning Rui, sa tingin mo ba lahat ng nasa ilalim ng kalangitan ay gunggong?"

avataravatar
Next chapter