725 Ang Ika-walong Sampal 6

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malakas na suminghap si Ning Rui sa mga sinabi ni Fan Zhuo!

Totoo nga. Gwapo at maganda ang pangangatawan ng mag-aamang Fan ngunit si Fan Zhuo ay naiiba ng kaunti sa kanila.

Si Fan Jin nga ang halos kamukha ni Fan Qi noong bata pa ito.

Sa bagay na ito, kahit naging kuryuso si Ning Rui dito, nagbiro na laman si Fan Qi at binalewala ito.

Kilala ni Ning Rui si Fan Qi at alam niyang hindi ito ang tipo ng tao na mahilig magsinungaling. Idagdag pa ang

katotohanang walang taong mag-aampon ng ibang bata at ito ang idedeklarang tunay na anak habang ang tunay na anak

ay idedeklarang ampon.

Sa tingin ni Ning Ruin a walang maatinong tao ang gagawa niyan kaya naman kahit isang beses hindi niya pinagdudahan

ang mga sinabi ni Fan Qi.

Ngunit may nakalimutan siyang isang bagay. Ang kaniyang senior ay isang taong honorable at may paninindigan. Ngunit

sa isang banda, hindi rin maitatatwang may kakayahan itong gawin nga iyon.

Dahil sa pagpapaalala ni Fan Zhuo, naliwanagan ang mga tao sa Zephyr Academy. Napagtanto nila na magkamukha nga

si Fan Jin at Fan Qi habang si Fan Zhuo ay halos hindi kamukha ni Fan Qi.

Nagpatulo sa pagsalita si Fan Zhuo "Sa panahong iyon, ang tunay kong pamilya ay napatay dahil sa isang panganib ngunit

ako ay pinagpala at natagpuan ng aking ama at pinalaki akong parang tunay niyang anak. Kinaawaan ako ng aking ama

dahil ako ay mas bata at masakitin pa. Dahil dito, ikatakot ng aking ama na kung malalaman nako ay isang ampon

lamang, baka mas lalo akong apihin. Kaya naman, inihayag niya na si Fan Jin ang kaniyang ampon habang ang batang

napulot niya lamang at hindi niya naman kaano-ano ay inihayag niyang siyang tunay niyang anak. Sa mga nakalipas na

taon, itinuring ako ni ama na tunay niyang anak, at alam ng aking nakatatandang kapatid ang lahat. Ngunit kahit isang

beses ay hindi siya nagreklamo at inalagaan at binantayan pa ako. Kung kaya naman hindi ko mainitindihan kung bakit

papatayin ng aking nakatatandang kapatid an gaming ama para sa posisyong alam niyang sa kaniya naman mapupunta?

Tiyo Ning, maari mo bang sabihin sa akin ang rason?"

Walang masabing salita si Ning Rui sa mahabang eksplanasyon ni Fan Zhuo. Gusto mang kontrahin ni Ning Rui ang mga

sinasabi ni Fan Zhuo ngunit wala din siyang masabi.

Ngunit nang ibinunyag ni Fan Zhuo ang totoong katauhan niya at ni Fan Jin sa harap ng lahat, ang krimen na sinadya

niyang ikabit sa pangalan ni Fan Jin ay naging siang malaking katawa-tawa!

Kung alam ni Fan Jin na siya ang tunay na anak ni Fan Qi, ang pagiging ,asakitin ni Fan Zhuo ay hindi makakaapekto kung

gugutohin niya mang kuhanin ang posisyon bilang Headmaster ng Zephyr Academy! Ibig ding sabihin nito na walang

rason si Fan Jin para patayin si Fan Qi!

Nanigas sa kinatatayuan niya si Ning Rui. Lahat ng mga disipulo atb guro ay nagbubulungan. Ang mahihinang bulong nila

ay may kasamang pagkuwestiyon sa kay Ning Rui.

Ito ang unang pagkakataon na hindi naging komportable si Ning Rui habang tinitingnan ng maraming pares ng mga mata.

Pakiramdam niya na ang mga titig na iyon ay tumutusok sa kaniya at sinusunog siya.

"Kailangan mo ban g rason para pumatay? Kahit totoong mag-ama pa sila, ang isang salita na puno ng galit, sa

pagkakataon ng poot at galit, ang pagpatay ng hindi sinasadya ay hindi imposible or possible?" sabi ni Gu Ying na

nananatiling tahimik sa isang tabi. Ang kaniyang mga kamay ay nakakrus sa tapat ng kaniyang dibdib, at mukhang hindi

naapektohan sa mga sinabi ni Fan Zhuo.

Nilingon ni Fan Zhuo si Gu Ying. Sa ilalim ng kalmado at hindi apektadong ekspresiyon na ipinapakita nito ay nakakubli

ang matinding galit na narararmdaman nito.

Ito ang taong pumatay sa kaniyang ama!

"Kahit pa hindi man niya intensiyon o kung siya man ay pinagbintangan lamang, sa tingin ko ay wala ka sa posisyon

upang magdesisyon o nasa posisyon ka?" balik tanong ni Fan Zhuo.

"Mayroong isang nakasaksi dito na nakita ng kaniyang mga mata na ang iyong kapatid ay hawak ang ginamit sa pagpatay

sa iyong ama. Ang naroon lamang sa opisina ay ang iyong kapatid at si Fan Qi sa oras na iyon. Kung hindi nga ang iyong

kapatid, sino?" nakangiting sagot ni Gu Ying.

Mabilis na hinatak ni Ning Rui si Gongcheng Lei na nakatayo laman sa isang tabi.

"Ang lahat ng iyon ay nasaksihan ng iyong tiyohin na si Gongcheng!"

avataravatar
Next chapter