724 Ang Ika-walong Sampal 5

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lihim na nagbunyi si Ning Rui. Si Fan Zhuo ang nagdala sa kaniyang sariling katapusan at hindi siya masisisi sa pagkuha sa

pagkakataong ito!

Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Ning Rui, nanghina ang mga tuhod ni Fan Zhuo.

SI Ning Rui ay masayang naghihintay sa pagkahimatay ni Fan Zhuo sa pagkabigla sa balitang natanggap nang biglang

unmayos ng tayo si Fan Zhuo at ngumiti.

"Ano ang sinasabi mo Tiyo Ning? Paanong posibleng patayin ng aking kapatid ang aming ama?"

Kumunot ang noo ni Ning Rui habang nakatingin kay Fan Zhuo, hindi niya inaasahan na mananatiling nakatayo pa ito.

"Little Zhuo, alam kong naging malapit kayo ng iyong kapatid ngunit hindi ka makakasigurado na ang puso ng tao ay

hindi magbabago. Sa huli, hindi naman kayo totoong magkapatid, at si Fan Jin ay hindi totoong anak ng iyong ama.

Nakaratay ka sa higaan ng mahabang panahon dahil sa iyon karamdaman kung kaya inisip ni Fan Jin na hindi na tatagal

ang iyong buhay at ang posisyon ng Headmaster ay mapapasakaniya. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, ang

kalusugan mo ay bumuti at iyan ang nagtulak sa kapatid mo na gawin iyon."

Malungkot na bumuntong-hininga pa si Ning Rui at nagpatuloy, "Nakakaawa na ang iyong ama ay itinuring siyang isang

tunay na anak, hindi niya alam na may pianpalaki nap ala siyang ahas sa kaniyang tabi."

Ipinakita ni Ning Ruin a isa siyang mabuti at maawaing tiyuhin at doon sa hindi nakakaalam sa katotohanan, siguradong

maniniwala sila dito.

Unti-uting nawala ang ngiti sa mga labi ni Fan Zhuo at ang kaniyang mga kilay ay n agsalubong. "Tama si Tiyo Ning sa

isang bagay, si Fan Jin at ako ay hindi totoong magkapatid."

Ang puso ni Ning Rui ay napuno ng kagalakan. Ngunit para siyang tinamaan ng kidlat sa mga sumunod na ginawa ni Fan

Zhuo!

"Ngunit mali si Tiyo Ning sa ibang bagay. Ang totoong ampon ng aking ama ay hindi ang kapatid ko, kung hindi ay ako.

Akop ang inampong anak na napulot lamang ng aking ama, at ang nakatatandang kapatid ko na si Fan Jin ay ang totoo at

lehitimong anak." Ang mukha ni Fan Zhuo ay puno ng pagkalito, ang kaniyang mata ay nakatuon sa kay Ning Rui.

Pagkaguloat ang mababakas sa mukha ni Ning Rui habang nakatingin siya kay Fan Zhuo, hindi niya matanggap ang

kaniyang narinig galing sa mga bibig ni Fan Zhuo!

Dahil sa binitiwang rebelasyon ni Fan Zhuo, ang m ga disipulo at mga guro ng Zephyr Academy ay nanlalaki ang mga

mata sa pagkagulat!

[Ano ang nangyayari dito?]

[Ang ibig bang sabihin ni Fan Zhuo na hindi siya tunay na anay ni Fan Qi? At si Fan Jin ang tunay na anak?]

ANg mga katagang binitawan ni Fan Zhuo ay parang bombing sumabog sa kanilang lahat. Isang mainit na debate at

diskusyon na naman ang maririnig mula sa mga taong nakatipon sa bukana ng Zephyr Academy.

"Ano ang nangyayari ngayon? Paanong si Fan Jin ang totoong anak ni Headmaster Fan Qi?!"

"Hindi iyan totoo. Palaging sinasabi sa akin dati na si Fan Zhuo ang totoong anak ni Headmaster! Bakit sinasabi niya

ngayon na hindi siya ang totoong anak?"

Sa pagkakataong iyon, nagkagulo ang lahat sa rebelasyon ni Fan Zhuo.

Tahimik na nakinig si Fan Zhuo sa pagdedebate ng mga tao sa kaniyang palibot at tiningnan niya ang mga mata ni Ning

Rui na parang kaawa-awa ito.

"Little Zhuo… Aa… Ano ang iyong sinasabi? Paanong hindi ka ang totoong anak ng iyong ama? Malinaw kong naaalala

ang panahong dinala ng iyong ama kayong dalawa dito. Sinabi niyang ikaw ang tunay niyang anak at si Fan Jin ay isang

batang napulot niya sa daan nang kayo ay papunta dito." Nanginginig ang gilid ng labi ni Ning Rui habang pinapanatili

niyang kalmado ang sarili.

Kung may katotohanan nga ang mga sinasabi ni Fan Zhuo, ang rason na ginawa niya para lumabas na si Fan Jin ang

pumatay sa kay Fan Qi ay isang malaking katatawanan!

Ibig sabihin nito na si Fan Jin nga ang lehitimong magmamana ng posisyon ng Headmaster ng Zephyr Academt at kahit

pa maganda ang kalagayan ni Fan Zhuo, hinding-hindi maiuugnay si Fan Zhuo sa posisyon.

At si Fan Jin ay walang rason para patayin si Fan Qi!

Sinasakop ng katakutan ang puso ni Ning Rui. Ayaw man niyang paniwalaan ang mga sinasabi ni Fan Zhuo ngayon ngunit

ayaw niya ring pagdudahan ito.

Kung totoo nga ito, ang rason na sinabi niyang si Fan Jin nga ang pumatay kay Fan Qi ay hindi na magiging kapani-

paniwal!

Ang pagkamatay ni Fan Qi ay paghihinalaan nilang kaduda-duda!

Huminga ng malalim si Fan Zhuo at tiningnan si Ning Rui at nagsabing "Tiyo Ning, hindi niyo po ba napansin walang

magkaparehong katangian kami ni ama? Samantalang ang aking kapatid, kahit ang hubog ng mukha at katawan, pati na

rin ang pag-uugali ay parehong-pareho?"

avataravatar
Next chapter