721 Ang Ika-walong Sampal 2

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagpupuyos sa galit na nagtanong si Nangong Xu, "Alam ba ni Head Master kung anung lugar iyon?!"

Tinapunan ng tingin ni Ning Rui si Nangong Xu, ngunit ang kaniyang tingin ay langpas kay Nangong Xu, nasa bakanteng

espasyo sa likod nito nakatuon ang kaniyang tingin at kaniyang mga labi ay pumakawala ng isang nakakakilabot na tawa

bago nagtanong, "Ano ang lugar iyon?"

"Ang tawag doon ay Heaven's End Cliff! Isang lugar kung saan punong-puno ng hindi kapanipaniwalang panganib! Kahit

ang makapangyarihang indigo spirit exponent ay hindi kakayaning makaligtas doon! Hindi ko alam sa kung ano mang

kadahilanang ang lugar na iyon ang pinili ng Headmaster para doon gawin ang pagsubok. Ngunit ang lugar na iyon ay

ang lugar na hindi dapat nating puntahan!" Ang mapa ay kakabigay lamang sa kay Nangoong Xu makalipas ang ilang oras

atipinaalam sa kaniya na iyon nga ang daan na kanilang tatahakin kinabukasan. Hindi na niya sana ito pagtutuonan ng

pansin ngunit nang tiningnan niya ang mapa, napagtanto niya ang panganib na mayroon dito kung kaya naman

nagmadali siyang pumunta kay Nin Rui.

"Heaven's End Cliff? Mukhang nagbibiro ka Senior Nangong. Paano naging Heaven's Cliff ang lugar na iyon?" Halos

walang ganang tanong ni Ning Rui, nakatingin pa rin sa bakanteng espasyo sa likod ni Nangong Xu.

Hindi ito napansin ni Nangong Xu at nagpatuloy sa pagsasalita, "Sa totoo lang, nakapunta na ako sa lugar na iyon ng bata

pa ako. Kasama ko angisang grupo ng mga makapangyarihang senior. Pumunta sila sa ibaba ng bangin habang ako ay

naiwan sa itaas kasama ang iilang kasamahan namin at naghintay sa pagbabalik ng mga senior. Pero hindi na sila

bumalik. Naghintay kami ng isang buwan at wala kaming naitang tanda ng pagbabalik nila! Kahit ilang taon na ang

nakalipas, walang balita sa kanila o kahit isa sa kanila ang nakaligtas! Ang pagiging mapanganib na lugar ng Heaven's End

Cliff ay kilalang-kilala kahit saan. Hindi dapat pahintulutan ng Headmaster an gating mga disipulo na pumunta doon dahil

siguradong hindi maganda ang kahihitnan nito!"

Ang Heaven's End Cliff ay naging isang lugar ng bangungot at isa lamang siya noong bagito. Ang kaniyang tatay at mga

tiyuhin ay kinikilala bilang magagalin g na exponents ng kanilang panahon at marami na silang naririnig tungkol sa

Heaven's End Cliff. May isang pagkakataon na nalaman nila ang lugar ng Heaven's End Cliff at dahil dito inimbitahan nila

ang ibang magagaling at makapangyarihang exponent upang puntahan ang lugar na iyon. Sumama si Nangong Xu rito

ngunit kahit isa sa grupong iyon ng mga makapangyarihang exponent ay walang bumalik ng buhay. Kahit ilang taon na

ang nakalipas, nasisiguro ni Nangong Xu na ang mga taong bumaba sa bangin na iyon ay hindi na nabubuhay.

Hindi niya alam kung paanong si Ning Rui nakaisip ng ganoong kabaliwang ideya na ang mga disipulo ng Zephyr Academy

ay ipadala sa Heaven's End Cliff para sa pagsusulit, ngunit ang alam niya na dapat mapigilan itong mangyari!

Nagpanggap si Ning Rui na naguguluhan habang tinitignan si Nangong Xu saka siya tumayo at sinabi "Totoo ba na ang

lugar na iyon ay ang Heaven's End Cliff?"

Sa wakas ay may reaksiyon na siyang nakukuha kay Ning Rui, nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at

tumango. "Nakakasiguro ako na tama ang hinala ko."

Nagpatuloy sa pagtanong si Ning Rui "Mayroon bang nabanggit si Senior Nangong ng kahit na ano tungkol sa Heaven's

End Cliff sa iba?"

Bagaman ang linya ng mga tanong ni Ning Rui ay medyo magulo, ang prangkang si Nangong Xu ay walang napansing

kakaiba. Inakala lang niya na napagtanto na ni Ning Rui ang kalubhaan ng sitwasyon at hindi na itutuloy ang ekspedisyon.

Sa kaisipang iyon, nagpatuloy si Nangong Xu sa pagsalita "Nang napagtanto ko kung saan ang destinasyon sa mapa,

nagmadali ako pumarito. Wala na ako panahon para may pagsabihang iba tungkol dito."

Sa sandaling natapos magsalita si Nangong Xu, isang nakakapanindig balahibong tawa ang pinakawalan ni Ning Rui.

"Yaman namang wala kang pinagsabihang iba, lahat ay nasa ayos at walang problema."

Nagsisimulang magtaka si Nangong Xu sa kakaibang ikinikilos ni Ning Rui nang may biglang naramdaman siyang malakas

at matinding alon nang nakamamatay na enerhiya sa kaniyang likod. Gusto ni Nangong Xu na lumingon para harapin

ang naka-ambang panganib, ngunit bago pa man siya makagalaw ay may nakita siyang isang mahaba at payat na brasong

tumusok sa kaniyang dibdib mula sa likod!

Matingkad na pulang bulaklak ang umusbong sa dibdib ni Nangong Xu, nanlalaki ang kaniyang mga mata na puno ng

pagkabigla habang nakatingin sa kay Ning Ruin a patuloy pa rin sa paghalakhak.

"Nangong Xu, bakit kailangan mo pang makialam?" Isang nakakapanghilakbot na ngiti ang makikita sa mga labi ni Ning

Rui habang itinaas ang tingin papunta sa taong umatake kay Nangong Xu mula sa likod.

Ang mga labi ni Gu Ying ay kumurba pataas at ang kaniyang mukha ay punong-puno ng kagalakan. Binawi niya ang

kaniyang kamay sa pagkakatusok sa dibdib ni Nangong Xu at ang mainit na dugo nito ay tumutulo sa kaniyang braso,at

pumapatak at naipon na sa sahig!

avataravatar
Next chapter