740 Ang Ika-walong Sampal 21

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naging mabagsik ang mga mata ni Jun Wu Xie. "Patayin."

Tumawa si Jun Wu Yao at walang pasubaling inangat ang ulo at tiningnan ang dalawang lalaking nakatayo.

"Kung gayon, kailangan niyong mamatay." Isang kaakit-akit na ngiti ang sumilay sa labi niya ngunit ang boses ng mga

salita na binitawan niya ay parang boses ng kamatayan. Inangat ni Jun Wu Yao ang kaniyang kamay at dalawang itim na

anino ang lumabas mula rito patungo sa dalawang lalaki!

Ang isa sa kanila ay hindi man lang nakagalaw kaya namatay siya katulad ng kung paano namatay ang kaniyang kasama

samantalang ang pinuno ng grupo ay ginawa ang lahat para palabasin ang kaniyang natitirang spirit power. Kahit naiiwas

niya ang kaniyang leeg, ang itim na anino ay gumawa ng malaking butas sa kaniyang dibdib at maraming dugo ang

umagos mula sa sugat.

Hinawak niya ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib habang mababatid ang gulaat sa mukha nito dahil sa hindi kapani-

paniwalang napalakas at makapangyarihang lalaki na pumatay sa kaniyang mga makakapangyarihang kasamahan gamit

ang pagtaas ng kamay lamang!

Hindi man siya kabilang sa mga matataas na antas, hindi rin naman siya mahina. Ngunit sa harap ng lalaking ito,

pakiramdam niya napakaliit niya na maihahalintulad sa langgam.

Isang napakalakas na kapangyarihan na hindi niya pa kahit kailan nakikita. Kahit ang kanilang mga Elders ay walang

ganitong angking kapangyarihan!

Habang nararamdaman niyang tinatakasan na siya ng buhay, walang nagawa ang lalaki kung hindi ang titigan si Jun Wu

Yao, nakatingin sa gwapo nitong mukha, inaalam kung sino nga ba ito.

"Ikaw… Bakit mo kinalaban…" mababakas ang galit dito. Ang lalaking ito na may tagla na malakas na kapangyarihan,

bakit mas pinili nitong protektahan ang grupo ng mahihina? Sigurado siyang walang alitan sa pagitan nila!

ANg mga labi ni Jun Wu Yao ay nakakaakit na umarko. Mukhang may nakita itong interesante habang nakatingin sa lalaki

at nagsabing "Kinalaban ka? Haha, huwag mong ipagkamali. Pinatay ko ang mga kasamahan mo dahil gusto ni Little Xie

na patayin kayo."

Ang mga trapong ito ay hindi niya pag-uukulan ng atensiyon. Hindi nila alam kung ano ang maganda para sa kanila at

hinamon nila si Little Xie kaya hindi niya masisi ang kung sino man kung bakit sila pinatapon sa impyerno.

"Sino… Sino… ka?" nahihirapang tanong ng pinuno.

Ngunit si Jun Wu Yao ay tumalikod na at tiningnan si Jun Wu Xie na may matigas na ekspresiyon , hindi pinapansin ang

mga pakiusap ng lalaki.

ANg mga tuhod ng lalaki ay tuluyang nabuway at napaupo sa sahig. Ramdam niya na ang kamatayan, habang

nahihirapang inangat ang ulo at tiningnan si Ye Shan a nakatayo sa tabi ni Jun Wu Yao. Biglang naalala niya ang black

spirit power na nakita niya kanina at hanggang sa may napagtanto siya. Basag at pagak na boses ang kumawala sa

kaniyang bibig.

"Ikaw… Dark…"

Si Jun Wu Yao na nakatingin pa ri8n kay Jun Wu Xie ay biglang inangat ang kaniyang kamay at may lumabas na isang itim

na anino na tuluyang gumilit sa leeg ng lalaki, bago pa man nito matapos ang sasabihin.

"Masyado kang maingay." Ang ngiti ni Jun Wu Yao ay may halong pagkayamot. Ang mga mata ng lalaki ay nanatiling

bukas, mababakas ang gulat at takot habang naliligo sa sariling dugo, ang ulo ay nahiwalay na sa katawan nito.

Sa iilang sandal lamang, tatlong exponent galing sa Middle Realm ay mabilis na napaslang sa mga kamay ni Jun Wu Yao.

Parang ang dali lamang para sa kaniya ngunit hindi pa rin maintidihan ng lahat.

Inangat niya lamang ng tatlong beses ang kaniyang kamay at mabilis niyang napatay ang tatlong malalakas na purple

spirit exponent?!

Ang Zephyr Academy ay naging dagat ng katahimikan. Bawat isa sa kanila ay nabighani sa perpekto at gwapong lalaki na

nagtataglay ng hindi kapani-paniwalang kapangyarihan. Kahit isa sa kanila ay halos pinipigilang humanga ng malakas!

[Napakalakas niya!]

[Hindi kapani-paniwalang kapangyarihan!]

Ang purple spirit na hinahangaan ng lahat ng nilalang sa mundo ay para lamang tupa na pinatay ng lalaking ito. Saan

nanggaling ang lalaking ito?!]

avataravatar
Next chapter