736 Ang Ika-walong Sampal 17

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi sumagot si Ye Sha sa tanong ni Gu Ying. Nakahanda na siya na umatakeng muli.

Nang makita ni Ning Rui na sumuka ng dugo si Gu Ying, lumakas ang kaba sa kaniyang puso. Hindi niya ito inaasahan at

hindi na inakala na ang misteryosong lalaking iyon ay papantay sa lakas ni Gu Ying!

Muling umatake si Ye Sha. Ang tanging nagawa na lamang ni Gu Ying ay ang pigilan ang mga atake nito. Ngunit sa

puntong iyon, hindi na rin niya matawag ang kaniyang spirit power.

Sa huli, si Guying ay bumagsak sa sahig. Ang kaniyang katawan ay puno ng sugat. Pinipigilan niya ang sarili na umungol

dahil sa sakit na nararamdaman, ang kaniyang mga mata ay muling tumitig kay Jun Wu XIe na nasa kabilang banda.

Napupuno siya ng poot!

"Sa tingin ko wala kang kakayahan." Simplen sabi ni Jun Xie habang nakatingin sa mga mata ni Gu Ying, walang kahit

anong emosyon sa kaniyang mga mata.

Kahit sa panaginip, hindi sumagi kay Gu Ying na mamatay sa sa Lower Real. Ikinagulat niya ang malakas na

kapangyarihan na taglay ni Ye Sha pero ang mas higit niyang pinanghihinayangan ay si Jun Xie…

Nang aatakeng muli si Ye Sha para patayin si Gu Ying, iilang pigura ang biglang dumating sa Zephyr Academy. Isang kulay

lilac ilaw sumugod kay Ye Sha. Mabilis na umatras si Ye Sha, ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa bagong dating.

Apat na matitikas at gwapong lalaki ang dumating.

Nang makita ni Jun Xie ang mga mukha ng mga bagong dating, naningkit ang kaniyang mga mata.

Sila ang kaparehong apat na lalaking naroon sa Chan Lin Auction House na kasama ni Gu Ying ng mga panahong iyon!

Mga tao galing sa Middle Realm!

Nadismaya si Jun Xie. Iolang beses niyang sinugurado na mag-isa lang si Gu Ying sa Zephyr Academy at ang kaniyang

ikinakabahala ay ang mga taong bagong dating. Kakayanin ni Ye Shan a kalabanin si Gu Ying ngunit kung dumami ang

bilang ng kakalaban niya, magiging mapanganib na ito sa kanila.

Ang lider ng mga lalaking bagong dating ay nakunot ang noo at tiningnan si Gu Ying na nakahandusay sa sahig at

malamig na tinanong "Paanong natamo mo ang ganitong kalagayan?"

Nagulat siya na makita si Gu Ying na naliligo sa sariling dugo. Iniwan nila si Gu Ying ng mag-isa sa Zephyr Academy dahil

malaki ang kumpiyansa nilang walang papantay sa kapangyarihan nito. Ngunit sa nakikita nila ngayong kalagayan ni Gu

Ying ay ikinagulat nila.

Hindi lamang si Gu Ying simpleng nasaktan kung hindi ay nagtamo pa ito ng malubhang sugat!

Isa sa mga lalaki ay tinulungang makatayo si Gu Ying at mabilis na pinainom ng gamut.

Nang makita ang kaniyang kasamahan, ang pagkabigo na kaniyang naramdaman ay mabilis na naglaho. Binalewala niya

ang sakit na nararamdaman sa kaniyang katawan at inangat ang mga mata kay Jun Xie at ngumiti.

Inaamin niya, ang misteryosong lalaking iyon ay lubos na makapangyarihan. At ngayong dumating na ang kaniyang mga

kasamahan, kapag silang lahat ay sabay na umatake sa misteryosong lalaking iyon, hindi na nito kakayaning

makipaglaban.

"Jun Xie… mukhang hindi pa ako mamamatay… nabigo ka ba?" Si Gu Ying ay nakatitig sa mga mata ni Jun Xie,

naghihintay sa reaksiyon nito.

"Siya ba ang gumawa nito sa iyo?" sinundan ng lider ng kalalakihan ang mga titig ni Gu Ying at nang makita niya si Jun

Xie, nagulat siya ng kaunti. Ito ay mukhang napakabata, mas bata pa kumpara kay Gu Ying. Ngunit ang mga mata nito ay

parang yelo, isa sa mga pinakamalamig na mata na kaniyang natunghayan.

"Alam niya ang Spirit Healing Technique. Panatilihing buhay siya at isasama natin siya pabalik." Nagtatagis ang mga

bagang ni Gu Ying habang nagsasalita upang itago ang sakit na nararamdaman at ngumiti. Hindi niya papatayin si Jun Xie.

Gusto niyang malaman ni Jun Xie na may mas masakit pa bukod sa kamatayan.

Subalit, ang mga sugat na natamo ni Gu Ying ay inuubos ang kaniyang lakas. Pagkatapos niyang magsalita, bigla siyang

sumuka ulit ng dugo. Nawalan na ng malay si Gu Ying.

"Unahin mo na siyang ibalik." Saad ng lider ng grupo sa lalaki sa kaniyang tabi habang tinitingnan ang walang malay na si

Gu Ying na nakakunot ang noo.

Ang lalaki ay tumango at binuhat si Gu Ying at nilagay sa kaniyang likod. Ang katawan nito ay saglit na kumislap bago

biglang nawala!

avataravatar
Next chapter