731 Ang Ika-walong Sampal 12

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ning Rui. Samantalang si Fan Jin at Fan Zhuo ay binalewala lamang siya at

nagpatuloy sa pagtitig sa mukhang kahina-hinalang lalaki.

"Tama ka! Lahat ng iyong mga sinabi ay totoo! Ano naman ngayon kung inutusan ko si Gu Ying na patayin si Fan Qi? Ako

ang mas naaapi nitong mga nakaraang taon. AT ano ang n aging basehan ng matandang iyon para ibigay ng basta na

lamang ang Zephyr Academy sa estupidong si Fan Qi? Maliban na lamang sa pagkakapasok niya sa Zephyr Academy ng

mas maaga kaysa sa akin, sa anong paraan ako hindi maihahalintulad sa kaniya?" para depensahan ang sarili, biglang

inamin na ni Ning Ruin a siya nga ang nasa likod ng pagpatay kay Fan Qi.

Ang una niyang plano ay ang itago ang katotohanan dahil gusto niyang panatilihin pa ang mga guro ng main division ng

Zephyr Academy para mayroon ng sapat ng bilang ng guro upang panghikayat sa mga bagong estudyante. Ngunit

ngayon, ang mga binitawang salita ni Fan Jin ay nagtulak sa kaniya na aminin ang lahat at ang mga guro ay tuluyan nang

nawalan ng tiwala sa kaniya. Maliban na lamang kay Gongcheng Lei na kasabwat niya rin, walang kahit isang guro ang

dapat na manatili!

Pangalawa, kinailangan niyang mailuklok sa pwesto bilang Acting Headmaster ng Zephyr Academy para mapapunta niya

ang lahat ng disipulo sa Heaven's End Cliff. Lahat ng kaniyang plano ay hindi imposible maliban sa isa. Kahit pa tumutol

ang mga disipulo sa pagpunta sa Heaven's End Cliff, sisiguraduhin ni Gu Ying na susunod pa rin sila!

Ang kapangyarihan ni Gu Ying ay nasaksihan na mismo ni Ning Rui. Ang mga kasamahan ni Gu Ying ay darating na sa ano

mang sandal ngayon, at kapag dumating na sila, tuluyan nang mawawala ang kaniyang pangamba na hindi susunod sa

kanila ang mga disipulo!

Sa kaisipang iyon, hindi na ni Ning Rui pinigilan pa ang sarili na magkunwari.

Ang biglang pag-amin ni Ning Rui ay ikinagulat ng mga guro. Hindi nila inakala na ang palakaibigan at mabait na Vice

Headmaster ay isa palang sakim at walang puso na tao!

Walang kahit na sino ang hindi nakakaalam sa pagiging malapit at parang magkapatid na ang turing sa bawat isa ng

Headmaster at Vice Headmaster. Kahit pa sa ilang dekada na pagiging magkaibigan, nagawa pa din ni Ning Ruin a patayin

si Fan Qi at maging ang mga anak nito ay pinagtakaan niya rin!

"Ano na man ngayon kung ako nga ang pumatay sa kaniya? At dahil kayong dalawa lamang, may magagawa pa ba kayo

laban sa akin?" mapang-uyam na sabi ni Ning Rui.

Kumurba ang labi ni Fan Jin para ngumiti ng malamig habang ang mukha ni Fan Zhuo ay walang mababakas na ngiti. Ang

kaniyang mga mata ay naningkit, at ang galit sa kaniyang puso ay nagsisimulang kumulo.

"Ibig sabihin, sinasadya mong papuntahin ang lahat ng mga guro at disipulo ng Zephyr Academy sa Heaven's End Cliff?"

tanong ni Fan Jin.

Ang lahat ay hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla sa katotohanang si Ning Rui ang tunay na salarin sa pagpatay kay Fan

Qi at sa narinig nila ngayon kay Fan Jin, ang kanilang mga mata ay lalong nanlaki at suminghap sa karagdagang

impormasyon na nalaman.

[Heaven's End Cliff!]

[Iyan ang lugar kung saan maraming bayani ang namatay!]

Ang mga disipulo ay lumaki sa mga kwento ng pagkabayani at ang mga hindi pangkaraniwang kaganapan na narinig nila

tungkol sa Heaven's End Cliff, at alam nila ang panganib na kaakibat ng pangalan nito.

Ang paglalakbay na ito ay bigla lamang na inutos ni Ning Rui para dalhin ang mga disipulo sa isang lugar kung saan

idadaos ang pagsusulit. At nagulat ang mga disipulo s autos na ito ni Ning Rui na taliwas sa kautusan ng Zephyr Academy.

Ngunit dahil si Ning Rui ang namumuno sa Zephyr Academy nang panahong iyon kung kaya walang sumubok na

kumontra at sumunod na lamang sa dagdag na kautusan habang nasa isip na hindi naman ito masyadong mapanganib.

Karamihan sa kanila ay inakala na mas madali ito kumpara sa Spirit Beasts Forest.

Hindi nila inakalang ang lugar na pupuntahan nila ay ang nakakatakot at sobrang mapanganib na Heaven's End Cliff!

Kahit ang mga may karanasan at makapangyarihan na exponent ay hindi na nakalabas nang pumunta sila sa Heaven's

End Cliff! Nababaliw na si Ning Rui!

[Totoong ipapadala nga sila sa Heaven's End Cliff!]

Saglit na nagulat si Ning Rui. Hindi niya inakala na magkakamalay pa si Fan Jin at nakuha pa nitong madiskubre ang

kaniyang plana na pagpunta sa Heaven's End Cliff.

"Ano naman kung ginawa ko nga?"

avataravatar
Next chapter