729 Ang Ika-walong Sampal 10

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang maisip si Ning Rui na sasabihin para kontrahin ang mga sinabi ni Fan Jin.

Totoo nga, nagawa ni Ning Rui na ikabit sa pangalan ni Fan Jin ang krimen dahil sa dalawang rason. Una, si Fan Jin bilang

isang ampon at pangalawa, si nawala sa katinuan si Fan Jin nang mga panahong iyon at hindi nito mapapasubalian ang

mga akusasyon niya.

Pero ngayon, ang dalawang puntos na pinanghahawakan niya ay naglaho at tinangay na ng hangin. Kung ipipilit ni Ning

Rui ang rasong iyon para maidiin si Fan Jin, magiging katawa-tawa lamang siya.

Ang boses ni Fan Jin ay parang tunog ng kampana kung saan lahat ng disipulo at mga guro ng Zephyr Academy ay

naarinig siya ng klaro. Ang boses na iyon ay puno ng galit at may kaunting panunuya.

Ngunit ang mensahe ng mga katagang iyon ay parang kidlat na tumama sa kanila at lahat sila ay nagising sa katotohanan.

Oo, si Fan Jin ay ang tunay na anak ni Fan Qi, kaya walang magandang rason para kitilin ni Fan Jin ang buhay ng sarili

niyang ama para lang makuha niya ang posisyon ng Headmaster.

At nang araw na iyon kung kailan hinihinalang pinatay ni Fan Jin si Fan Qi, mabilis siyang nahuli ni Gongcheng Lei at hindi

nakapagbitiw ng kahit isang salita si Fan Jin upang ipagtanggol ang sarili. Dahil sa madugong tagpo at sa mga pahayag ni

Ning Rui at ng kaniyang mga tauhan, nakumbinse nila ang mga disipulo at mga guro na nabigla sa mga pangyayari at

mabilis nilang pinaniwalaan na si Fan Jin n gang totoong pumatay.

Ngunit sa araw na ito, ang mga pahayag ni Fan Jin ay nagbunyag sa mga kaduda-dudang puntos ni Ning Rui sa mata ng

lahat ng taga Zephyr Academy.

Para sa posisyong siya rin lang ang susunod na magmamana, inakusahan siya na siya ang pumatay sa sariling ama at

wala siyang plano upang makatakas at nahuli pa siya sa akto. At pagkatapos niyang mahuli, nawala siya sa katinuan at

hindi man lang nakapagsalita para ipagtanggol ang sarili. Kung susuriin ang pinagtagpi-tagping tagpo, parang hindi ito

nangangahulugan ng isang sakim na anak na nag-aambisyon na mukha ang mataas na posisyon ng Zephyr Academy!

Kung kaya naman, ang krimen na ibinibintang kay Fan Jin ay mas lalong naging kahina-hinala!

"Ning Rui, lahat ng ito ay ginawa mo upang maidispatsa ang tatlong miyembro ng pamilyang Fan! Inutusan mo si Gu Ying

na patayin ang aking ama at pati na rin ang paghampas sa aking ulo ng ilang beses para masiraan ako ng bait at hindi

makapagsalita para maipagtanggol angn aking sarili, at mamarkahan akong mamamatay tao at traydor sa sarili kong

ama. Inutusan mo rin si Gongcheng Lei na lagyan ng lason ang pagkain ni Little Zhuo sa mga nakalipas na taon para ito ay

manghina at magkasakit! Ang taong gusto talagang makuha ang mataas na posisyon na Headmaster ay hindi ako. Ikaw

iyon Ning Rui!"

"Inutusan mo rin si Ning Xin na saktan ako sa Battle Spirit Forest ngunit hindi siya nagtagumpay at kinalaban pa ang mga

tao ng Rui Lin Army at Cloud Treading Peak. At para maprotektahan si Ning Xin, nakiusap ako sa aking ama na itago ang

katotohanan at pinaalis si Lu Wei Xei at ang iba pa para mabawasan ang galit ng Rui Lin Army at Cloud Treading Peak.

Ang aking ama na kinosidera ang inyong matagal na pagkakaibigan at piniling masira ang kaniyang pangalan para lang

maprotektahan si Ning Xin. Pero sa huli, ikaw bilang ama ni Ning Xin, ay mas piniling isalba ang sarili at hinayaan ang

sariling anak na unti-unting mamatay sa harap ng dalawa mong mga mata, dahan dahang nagdurusa sa mabagal nitong

kamatayan. At pagkatapos niyan, pinili mong magalit sa aming tatlo, sa pamilyang Fan! Ning Rui! Kinain nab a ng mga

aso ang iyong konsensiya?!" mas lalong nagalit si Fan Jin habang nagsasalita, ang kaniyang mukhaat mga mata ay

namumula sa galit!

Para siyang isang galit na demonyo habang nakatingin sa kay Ning Rui, parang kaunting galaw lang nito ay masusuntok

niya na ito at makakain niya ito buhay.

"Kailan may nagawang mali ang aking ama sa iyo? Kahit isang beses, hindi ka niya pinagdudahan at hindi pinaghinalaan

ang kahit anongb gawin mo. Kumain siya kasabay mo at nakikipag-inuman pa siya sa iyo ngunit kahit isang beses hindi

niya naisip na ang isang junior at kaparehong disipulo na tulad niya ay ang papatay sa kaniya, ang kapaerhong demonyo

na gustong patayin ang mga kadugo nito!"

Ang mga salita ni Fan Jin ay ay parang isang malaking bata na ipinukpok sa ulo ni Ning Rui. Ang mukha ni Ning Rui na

namumutla ay naging kulay berde na, ang kaniyang utak ay naging blangko. Nang makita niya na magaling at maayos na

si Fan Jin, alam niya sa sarili niya na bumaliktad na ang laro. At ngayon si Fan Jin ay walang pasubaling hinahayag ang

lahat sa harap ng lahat ng disipulo at mga guro ng Zephyr Academy, alam ni Ning Rui na katapusan niya na!

Ang pagpatay kay Fan Qi at ang pagbintang sa kay Fan Jin ay hindi napagplanuhang mabuti. At dahil sa himalang pag-

galing ni Fan Jin, kaunting pagpapaliwanag na lamang at ang katotohanan ay mabubunyag na!

avataravatar
Next chapter