989 Ang Humamon (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kabila ng palahaw na iyon, ang Six Armed Black Ape ay tila tinamaan ng isang malkas na

pagsabog, pinihit nito ang kaniyang ulo at walang lingon-likod na tumayo at nagmamadaling

tumakbo palayo, ang bilis na ipinakita nito sa pagtakbo ay mas mabilis pa kumpara sa pag-

atake nito kanina!

Wari ni Shangguan na mayroong mali at mabilis na nagtungo sa gilid ng battle stage at galit na

sumigaw sa Six Armed Black Ape: "Anong ginagawa mo!? Bumalik ka doon! Kailangan mo…"

Subalit bago pa man matapos ni Shangguan Miao ang kaniyang sinasabi ay bigla niyang nakita

ang Six Armed Black Ape na nagmamadaling tumalon mula sa battle platform papunta sa

kaniya!

Huminto sa pagtibok ang puso ni Shangguan Miao! Wala na siyang oras para umiwas kaya ang

Six Armed Black Ape ay dumagan sa ibabaw niya!

Ang napakalaking katawan ng Six Armed Black Ape ay ang pinakamabigat sa lahat ng

mababang uri ng Spirit Beast at dahil sa matinding pag-aalaga ni Shanggun Miao dito, ang

lakas at kapangyarihan nito ay umusbong sa nakakatakot na rurok. Tinamaan ng buong lakas

ng kaniyang Six Armed Black Ape, nagdilim ang buong paligid ni Shanggun Miao at ng mga

sandaling ang lakas ng pagbagsak niya sa lupa ay narinig niya nang malinaw ang malutong na

tunog ng butong nabali!

"Argh!!!"

Ang takot na takot na Six Armed Black Ape ay nanginginig na nakahiga sa ibabaw ni Shanggun

Miao. Samantala, habang siya ay nakabaon sa ilalim ng mabigat na Spirit Beast, ang mukha ni

Shanggun Miao ay namutla!

Ang paglusob mula sa Six Armed Black Ape ay bumali sa liang buto niya at ang tagos sa pusong

sakit ay naglabas ng malamig na pawis habang nanatili siyang nakabaon, hindi nagtangka na

gumalaw miski kaunti.

Ang biglaan at hindi inaasahang mga pangyayari ay nagdulot ng katahimikan sa mga

manonood. Nanlaki sa matinding gulat ang kanilang mga mata dahil muli, ang eksenang nakita

nila kahapon ay muli na namang naganap!

Ang matayog at mabangis na Six Armed Black Ape ay natalo tulad ng lahat ng ibang Spirit

Beast kahapon, umatras dahil sa matinding takot mula sa isang unga ni Lord Meh Meh…

At iyon ay nagpatigagal sa lahat ng nasa punong-puno na arena.

Ang Six Armed Black Ape ang pinakamalakas sa lahat ng mamabang uri ng Spirit Beasts, kaya

paanong nangyari na bigla ay nawalan ito ng silbi?

Nakita ng lahat na kani-kanina lamang, ang Six Armed Black Ape ay napakarangal at puno ng

lakas, ngunit ngayon ay mahigpit na sinunggaban nito ang sarili sa ibabaw ng katawan ni

Shanggun Miao na nasa lupa, hindi alintana ang iyak at palahaw sa sakit na nagmumula sa

bibig ni Shanggun Miao, nawala sa sarili dahil sa takot at ayaw gumalaw sa kaniyang puwesto.

Halos bumagsak sa lupa ang panga ni Qing Yu. Nang mga sandaling iyon ay napagtanto niya na

wala naman pala siyang dapat ipangamba kay Jun Xie.

Walang duda kung bakit walang pangamba si Jun Xie sa kaniyang makakalaban. Marahil ay

inaasahan na niya na ito ang kahahantungan!

Kalmadong naglakad si Jun Xie sa gilid ng battle platform ng arena at masayang naglakad

palapit sa kaniya si Lord Meh Meh, ang munting buntot nito ay masayang-masaya na

kumakawag habang pilit na itinaas ang kaniyang ulo na parte ng kaniyang mabalahibong bola

na katawan, bakas sa mukha nito na humihingi ito ng papuri.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata at tumingin sa tulirong tagahatol.

"Maaari mo na sabihin ngayon ang resulta."

Ang lalaki ay biglang natauhan dahil sa paalala ni Jun Xie, at ang mata ng lalaki na nakatingin

kay Lord Meh Meh ay biglang napuno ng takot.

Sa mga panalo nito kahapon ay kaya pa niyang hanapan ng dahilan upang bigyang-katwiran

ang kaniyang sarili. Ngunit sa araw na ito, na kahit ang Six Armed Black Ape na namayagpag sa

lahat ng mababang uri ng Spirit Beast ay natakot ng munting tupa, hindi na niya mawari kung

anong uri ng Spirit Beast nga ba ang tupa.

"Ang nanalo sa laban na ito… ay si Jun Xie…" malakas na anunsyo ng lalaki.

Walang anumang tunog ang narinig sa buong arena. Wala ni isa man sa kanila ang nakabawi

mula sa matinding gulat.

Dinala ni Jun Wu XIe si Lord Meh Meh doon at binura ang lahat ng uri ng mga inaasahan at

prinsipyo na nakagisnan na ng mga taong nanonood sa mga Spirit Beasts.

Kinarga ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh pababa sa entablado. Matapos matalo ang Six Armed

Black Ape, si Lord Meh Meh ay maluwalhating umakyat sa unang ranggo ng Spirit Beast Arena!

At dahil sa nakamtan na niya ang dahilan ng pagtungo niya doon, hindi na ninais ni Jun Wu Xie

na magtagal pa ng ilang sandali pa doon. Kinuha niya si Lord Meh Meh at mabilis na umalis na

sa Spirit Beast Arena.

avataravatar
Next chapter