988 Ang Humamon (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang pakawalan ang Six Armed Black Ape mula sa kulungan ay madali itong sumalakay

palabas. Nang ang malaking katawan nito ay nakatayo na sa battle stage ito ay naging mas

kahanga-hanga at maringal. Bawat isa sa anim na braso nito ay kasing kapal ng hita ng isang

lalaki habang sinusuntok nito ang kaniyang dibdib at ibinulalalas ang matinding galit na nasa

loob niya!

"Rawr! Rawr!"

Habang hinahampas ng Six Armed Black Ape ang kaniyang dibdib ang bawat kalabog ay

malinaw na maririnig. Makikita sa nakabukang bibig nito ang matalim na mga pangil,

tumakbo ito sa battle stage habang patuloy ito sa nakakabinging atungal, ipinakita ang

nakamamanghang katanyagan nito.

Tahimik ang buong Spirit Beast Arena, labis na nalugod sa nakakabinging atungal ng Six

Armed Black Ape at dahil doon ay talagang tumindi ang tuwa ng lahat.

Hindi gumagalaw si Lord Meh Meh sa kaniyang kinatatayuan, bakas sa mukha nito ang

uyam sa Six Armed Black Ape na sige ang atungal bago pa lamang magsimula ang laban.

Iniisip ni Lord Meh Meh na hindi niya gagawing kumilos na isang tanga tulad ng isnag

unggoy. Hindi siya mabibigyan ng kahit anong pagkain kahit pa umatungal siya ng ganoon

bago pa magsimula ang laban, isang katangahan.

Hindi apektado sa nakakatakot na atungal ng Six Armed Black Ape, si Lord Meh Meh ay

kalmadong nakatayo lamang sa lugar nito at hindi gumagalaw miski isang pulgada. Ang mga

manonood ay nasasabik na dahil sa walang tigil na atungal ng Six Armed Black Ape at wala

sa kanila ang may pakialam kay Lord Meh Meh.

Nalulugod na tinignan ni Shanggun Miao ang napakagandang kondisyon ng Six Armed Black

Ape. Nang walang humamon dito ng mga nakaraang araw ay walang pagkakataon na

magpakita ang Six Armed Black Ape at dahil doon ay nawalan si Shanggun Miao ng

pagkakataon na ipakita ang kadakilaan ng kaniyang Spirit Beast. At ngayon na mayroong

kumatok sa pintuan at hinahanap ang kamatayan bakit siya magpipigil?

Inilipat ni Shanggun Miao ang kaniyang sulyap kay Jun Xie, may bahid ng masamang kislap

sa kaniyang mga mata. Hindi rin niya makita na mas higit ang bata kay Lin Feng.

Si Lin Feng ay anak ng Hall Chief ng Icy Frost Clan at ang posisyon at katayuan nito sa

Thousand Beast City ay maikukumpara ng maraming tao sa Thousand Beast City. Itong si

Jun Xie ay hindi nagmula sa Thousand Beast City at kung titingnan ang pananamit nito ay

mukhang hindi rin ito galing sa kahit anong prominenteng pamilya. Ang batang iyon na may

pangkaraniwang itsura at nagawang pangarapin na hamunin si Lin Feng para kay Qu Ling

Yue ay talagang katawa-tawa.

Sa pagdaan ng mga oras sa wakas ay tumunog na ang batingaw na hudyat na upang

magsimula ang laban!

Ang anim na maskuladong braso ng Six Armed Black Ape ay matigas na nakabaon sa lupa,

ang katawan ay medyo nakasandin paharap, masama ang titig sa walang kalaban-laban na

tupa na naghihintay na makatay.

Ang buong arena ay dumagundong sa mga hiyawan. Sila ay nagagalak sa pagkakataong

ibinigay sa kanila na masaksihan ang malupit at madugong patayan na magaganap sa

kanilang harapan!

Subalit, si Lord Meh Meh ay nanatili pa rin na nakatayo sa kaniyang puwesto, tulad ng

ginawa nito sa nagdaang sampung laban, ang mga paa ay hindi man lang gumalaw miski

isang pulgada.

Inakala ng lahat na ang alamat ni Lord Meh Meh ay matatapos na sa lugar na iyon ng

walang pagdududa sa kanilang mga isip.

Ibinuka ni Lord Meh Meh ang kaniyang bibig sa mabangis at malupit na Six Armed Black

Ape…

"Meh."

Galit na galit na pasugod, nang marinig ng Six Armed Black Ape ang isang karaniwan at hindi

nakakapinsalang tunog ng unga mula kay Lord Meh Meh at bigla ay para itong tinamaan ng

kidlat, ang katawan na susugod ay biglang pinulikat sa kung saan-saang parte sa pagsubok

na ibahin ang direksyon nito, lahat ng anim na kamay ay madiing ibinabaon sa lupa tulad ng

paraan na nagpunta ito doon kanina!

'Crack crack crack!'

Sunud-sunod na malulutong na tunog ang narinig habang ang mga daliri ng Six Armed Black

Ape ay malalim na bumabaon sa sahig ng arena battle stage, pinipilit na pahintuin ang

malakas na kapangyarihang iyon!

Nilalabanan ang pagkaladkad ng malakas na kapangyarihan, ang mga palad nito ay

nabalatan dahil sa matinding pagkiskis sa sahig!

Ang malaking katawan ay biglang huminto, ang distansiya nito mula kay Lord Meh Meh ay

kalahating metro.

"Howl!! Howl!!" sunud-sunod na kaawa-awang iyak ang biglang narinig mula sa bibig ng Six

Armed Black Ape!

avataravatar
Next chapter