987 Ang Humamon (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang sinusukat ni Shanggun Miao si Jun Xie ay napansin ni Qing Yu ang masamang sulyap nito.

"Yan ang iyong kalaban ngayon, si Shanggun Miao. Ang kaniyang ama ay si Shangguan Yan na

isang Deputy Hall Chief ng Icy Frost Clan. Ang bata ay malapit kay Lin Feng. Sa iyong pagdating

dito kahapon ay naaalala mo pa ba na nagkita kayo Lin Feng? Hindi maganda ang ugali ni Lin

Feng at sa aking paghuhusga sa asal ni Shanggun Miao, maaaring may sinabi si Lin Feng sa

kaniya upang makaramdam ng poot si Shanggun Miao laban sa iyo." babala ni Qing Yu kay Jun

Xie. Sa totoo lamang ay hindi na niya nais pa na magpatuloy si Jun Xie sa laban.

Sa halip ay umiling si Jun Xie.

"Hayaan mo siya."

Kung ito ang kalaban sa gayon ay wala ng dapat pang alalahanin. Hangga't sa sila ay bumagsak

ay iyon lamang ang mahalaga.

Nang makita na walang pakialan si Jun Xie ay minabuti na ni Qing Yu na hindi na magsalita at

tumayo na lamang sa isang sulok ng tahimik.

Napuno ang buong arena ng bulung-bulungan habang ang lahat ay hinhintay na mag-umpisa

ang laban.

Maya-maya pa at malapit na mag-umpisa ang laban at ayon sa batas ay kailangan dalhin ni Jun

Xie at Shanggun Miao ang kanilang mga Spirit Beasts sa entablado.

Kinarga ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa arena platform. Kumpara sa tuliro at magulong mga

reaksyon, masasabing ang palabas ni Lord Meh Meh ngayon ay ang pinakainaabangan!

Sa ngayon ang naiintindihan nito ay hangga't nakatayo ito sa lugar na iyon at umunga sa ibang

Spirit Beasts ng ilang beses ay gagantimpalaan siya ng mga dahon ng lotus. Kaya naman noong

araw na iyon, si Lord Meh Meh ay biglang nagkusa. Sa sandaling ilagay siya sa entablado ay

mabilis niyang inangat ang kaniyang mga paa at naglakad patungo sa gitna ng entablado,

bakas sa mukha nito ang pagsabik at saya.

Ang bilugang katawan ni Lord Meh Meh ay kaibig-ibig na lumulundo habang ito'y naglalakad.

Ngunit ang ganoong klase ng kariktan kapag ipinakita sa battle platform ng Spirit Beast Arena

ay hindi ang nais makita ng mga taong nagpunta doon. Pakiramdam nila ay hindi nababagay

doon ang ganoong uri ng Spirit Beast kaya paano nitong nagawa na maipanalo ang sampung

laban ng sunud-sunod?

Sa lahat ng mga pagdududang iyon, ay inaasama ng mga tao na makita si Lord Meh Meh at

ang Six Armed Black Ape na maglaban ngayong araw at kung magagawa ba nilang makita kung

ano ang daya sa likod niyon. Dahil kahit anong isip ang gawin nila ay hindi nila maintindihan

kung paanong ang isang tupa ay nagtataglay ng ganoong kakayahan.

Tinitigan ni Shanggun Miao si Lord Meh Meh na kasalukuyang nakatayo sa entablado at siya

ay ngumisi. Ginalaw niya ang kaniyang baba at ang mga kasama niya ay madaling pinuntahan

ang SIx Armed Black Ape.

Ang Six Armed Black Ape ay nakakulong sa malaking kulungan na bakal habang hinihila nila ito

palapit sa entablado gamit ang maliit na troli. Kakarating pa lamang nito doon ngunti naging

balisa na ito dahil sa amoy ng masangsang na dugo sa Spirit Battle Arena. Hindi ito pinakain ni

Shanggun Miao kahapon at dinala ito doon na walang laman ang tiyan. At dahil napukaw ang

diwa nito dahil sa amoy ng dugo at gutom, ang hayop ay talagang naging balisa.

"Rawr! Rawr!"

Hindi mapakali ang Six Armed Black Ape sa bakal na kulungan dahil sa pagkabalisa habang

inaalos at tinutulak ang kulungan, malakas itong dumagundong. Malaki ito tila isang maliit na

bundok. Bawat kalabog nito sa kulungan ay parang umaalog ang buong arena.

"Rawr!!" ang Six Armed Black Ape ay nakita ang munting bola na nasa battle platform, ang

kasing puti ng niybe na anyo na nahahawig sa mga tupa na kinakain niya araw-araw. Sa

sandaling nakita nito si Lord Meh Meh , bawat molekula na nasa katawan niya ay tila

nagsusumigaw na laumin ang kaniyang kalaban kahit sino pa iyon!

Ang malakas at nakakabinging atungal ay tumutusok sa tainga ng lahat na nasa loob ng arena

at nagsimulang sumakit ang mga iyon. Ang mga tao ay nasasabik na tumingin sa nagwawalang

Six Armed Black Ape, ang kanilang pakiramdam ay nakataas dahil sa nakikita nilang

nagwawalang galit ng Six Armed Black Ape!

Ang makita ang pinakamalakas sa lahat ng mababang uri ng Spirit Beasts, ang Six Armed Black

Ape ay talagang nakakamangha!

avataravatar
Next chapter