985 Ang Humamon (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mas bata ng isang taon si Shangguan Miao kay Lin Feng at dahil sa relasyon sa pagitan ng

kanilang mga ama, silang dalawa ay magkakilala na simula ng sila'y mga bata pa lamang.

Ang Six Armed Black Ape na alaga ni Shangguan Miao ay inihandog rin ng ama ni Lin Feng na si

Lin Que noong ika-sampung kaarawan ni Shangguan Miao at noon ay musmos pa lamang ang

Spirit Beast. Maingat na inaruga ni Shangguan Miao iyon upang magkaroon ng hindi

mapantayang lakas ngayon at ng ito ay lumaki na, ay dinala ito ni Shangguan Miao sa Spirit

Beast Arena upang ipakita ang kadakilaan nito.

"Isang balita para kay Young Master Lin, isa iyong binata na dinala doon ng Deputy Hall Chief

ng Fiery Blaze Clan na si Qing Yu at ang pangalan ng binata ay Jun Xie na hindi residente ng

Thousand Beast City." matapat na pagbabalita ng tagapagsilbi.

Nang sandaling marining ang pangalang Jun Xie, ang mga mata ni Lin Feng ay umapoy sa

matinding galit.

"Siya iyon?"

"Bakit? Kilala mo ba ang taong iyon Brother Lin?" tanong ni Shangguan Miao nang mapansin

ang reaksyon ni Lin Feng.

Bahaw na tumawa si Lin Feng at sinabi: "Oo kilala ko siya. Paanong hindi ko makikilala ang

binatang iyon? Naaalala mo noong sinabi ko sa iyo ang pagbabalik ni Qu Ling Yue na mayroon

silang kasamang binata? Ang binatang iyon ay tinatawag nilang Jun Xie!"

Nagulat si Shangguan Miao. Alam na alam niya ang nararamdaman ni Lin Feng kay Qu Ling

Yue. Ngunit dahil sa ang ama ni Lin Feng na si Lin Que ay lumipat ang katapatan sa ilalim ng

Great Grandaunt, ang relasyon ng Grand Chieftain ng Thousand Beast City na si Qu Wen Hao

ay hindi sinasadiyang tumabang na naging dahilan kung bakit dumistansiya rin si Qu Ling Yue

kay Lin Feng.

"Iisang tao lang pala iyon? Maganda iyan." may panunuyang tawa ni Shanggun Miao. Tinapik

niya si Lin Feng sa balikat at patuloy na sinabi: "At dahil ang binatang iyon ay hindi mula dito

sa Thousand Beast City ay hindi natin kailangan magpakita sa kaniya ng paggalang. Naglakas

loob siyang hamunin ang aking Six Armed Black Ape kaya maghintay ka bukas at pagbabayarin

ko siya. Palagay ko ay hindi ko pakakainin ngayon ang aking Six Armed Black Ape upang

lamunin nito ang Spirit Beast ng binata upang maipaghiganti kita."

Tumango si Lin Feng. Hindi talaga niya gusto si Jun Xie maski kaunti lalo na ng makita niya

kung gaano kahinahon na kausapin ni Qi Ling Yue si Jun Xie, ang eksenang iyon ay tumusok sa

kaniyang mata.

"Narinig ko noon sa kung saan na sa Spirit Beast Arena ay may mga pagkakataon na ang mga

Spirit Beasts ay nanakit ng tao. Totoo na iyon?" bakas sa mukha ni Lin Feng na mayroon itong

masamang hangarin.

Naintindihan ni Shanggun Miao ang ibig nitong ipakiwari at mabilis na sumagot: "Sa oras na

ang labanan ay naging matindi at ang Spirit Beast ay masyadong natuwa dahil sa matinding

amoy ng dugo ang iba sa kanila ay nawawalan ng kontrol. Sakaling ito'y nagdiliryo at tumakbo

sa labas ng entablado upang manakit ng tao ay isang pangyayari na hindi maiiwasan."

Nagliwanag ang mukha ni Lin Feng at isang masamang ngiti ang namutawi sa labi niya habang

nakatingin ito sa nakakulong na Six Armed Black Ape.

Ang Six Armed Black Ape ay napakalaki, dalawang beses na mas malaki sa isang may edad na

lalaki. Mayroon itong anim na makapal, matipuno at malalakas na braso na kayang gutay-

gutayin ang isang tigre.

"Maganda kung gayon. Dahil hindi marunong lumugar ang isang tao, ipatikim mo sa kaniya

ang lakas ng Thousand Beast City. Akala niya ay kung sino siya na nagpunta sa Spirit Beast

Arena ng Thousand Beast City at magyabang." singhal ni Lin Feng.

Natatawang nagsalita si Shanggun Miao: "Hintayin mo na lamang ang magandang balita ko

bukas. Sinisiguro ko na ang aking Six Armed Black Ape na ang bahala sa Jun Xie na iyon at

tingnan natin ang binata na matakot. Sa mga oras na iyon ay makakarating ang balita kay Qu

Ling Yue at duda ako kung patuloy pa siyang makakakita ng mabuti sa isang matigas ang ulo at

mayabang na binata."

Ang mga sinabi ni Shanggun Miao ay nagpahalakhak kay Lin Feng.

"Kung gayon, aasahan kita."

"Ako na ang bahala. Huwag kang mag-alala."

Tumango si Lin Feng, ang mata ay may bahid ng banta at masamang hangarin.

Para kay Qu Ling Yue ay sisiguruhin niyang magtatagumpay siya na pakasalan ito. Kahit sino pa

ang makipagtunggali sa kaniya ay hinding hindi siya magpipigil!

Matapos magplano ng dalawang binata kung ano ang mangyayari sa palabas bukas ay hindi na

na nila binigyang pansin ang Six Armed Black Ape at sa halip ay nag-akbayan sila at lumisan na

upang kumain ng hapunan. Bago sila maghapunan ay halos naisip na nilang maigi kung paano

ipapahiya si Jun Xie bukas!

avataravatar
Next chapter