719 Ang Hiwalay na Pighati (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos umalis ni Jun Wu Xie at ng iba pa ay naiwan si Ye Sha sa Zpehyr Academy upang

magmanman. Nang marinig niya ang usapan ni Gu Ying at Ning Rui, madali siyang nagtungo sa

Chan Lin Town upang sabihin kay Jun Wu Xie ang balita.

Biglang naging malamig ang mata ni Jun Wu Xie. Hindi niya akalain na paaabutin ni Ning Rui

ang lahat sa ganito!

Ipadala lahay ng disipulo ng Zephyr Academy sa ibaba ng Heaven's End Cliff?

Matapos ni Jun Wu Xie at kaniyang mga kasama na maranasan ang mga nakakatakot na

pangyayari sa Heaven's End Cliff, nasisiguro niya, na kahit ilang libong disipulo pa ng Zephyr

Academy ang bumaba sa Heaven's End Cliff, lahat ng mga iyon ay mamamatay!

Sigurado ba si Ning Rui na talagang intesyon niya na gamitin ang buong Zephyr Academy

upang makuha ang pabor sa Twelve Palaces! ?

"Si Ning Rui, tama ba?" hindi nagsasalita si Jun Wu Xie ng magsalita si Fan Zhuo, ang mga mata

ay biglang naningkit.

Kahit hindi niya tunay na ama si Fan Qi ay malaki ang utang na loob ni Fan Zhuo dito dahil sa

pagpapalaki nito sa kaniya. Wala siyang pakialam kung si Ning Rui o si Gu Ying, silang dalawa

ay kaniyang kalaban na.

"May tatlong araw lamang tayo. Ang plano ay kailangan ng maisakatuparan." Hinaplos ni Jun

Wu Xie ang kaniyang baba habang ang isipi niya ay magulo.

"Little Xie, ano ang iyong plano?" napagtanto ni Fan Zhuo na hindi ngayon ang panahon upang

malungkot at mawalan ng pag-asa. Ang kalaban ay malayang nakakalakad, bakit niya hahayaan

na lunurin ang kaniyang sarili sa kalungkutan at hindi gumawa ng kahit anong aksyon?

Ngadadalmhati ang kaniyang puso sa pagkawala ni Fan Qi, at nadudurog ng malaman na wala

sa sarili si Fan Jin.

Hangga't hindi siya nakakaganti, wala siyang karapatan na makita si Fan Jin.

"Tulad ng sinabi ko kanina. Tanging ikaw lamang ang makakapagpatunay na inosente si Fan

Jin." sabi ni Jun Wu Xie na nakatingin kay Fan Zhou.

Ngumiti si Fan Zhuo, naiintindihan na niya ang sinasabi ni Jun Wu Xie.

"Tama, tanging ang nagpapanggap na tunay na anak ng Headmaster ang may kakayahan na

makumbinsi ang lahat."

Kung ang katotohanan na nagawa ni ning Rui na idiin ang pagpaslang ni Fan Qi kay Fan Jin ay

dahil si Fan Jin ay hindi "tunay na anak", at kung lalabas si Fan Zhuo upang sabihin ang

katotohanan, ay magagawa nito na ituro na si Ning Rui ang tunay na may motibo upang

pumaslang!

Bilang tunay na anak ni Fan Qi ay talagang imposible kay Fan Jin na paslangin ang kaniyang

ama para lamang sa posisyon na mapupunta naman talaga sa kaniya!

Napagtanto lahat iyon ni Jun Wu Xie kaya sinabi niya kay Fan Zhuo lahat ng nangyari sa Zephyr

Academy. Dahil, sa oras na magpakita na siya sa lahat, ang walang kabuluhan na mga paratang

ay mabubura ng tuluyan!

Inakala ni Ning Rui na magagamit niya ang pagkakakilanlan ni Fan Jin bilang ang ampon na

anak upang alisin ito sa kaniyang landas, ngunit hindi niya aasahan, na ang alam niya ng

mahigit dalawang dekada ay isa lamang kasinungalingan!

Iisa lamang ang tunay na anak ni Fan Qi, at iyon ay walang iba kundi si Fan Jin sa simula pa

lang!

"Ngunit kailangan ko ng isa pang tao." tumingin si Jun Wu Xie kay Ye Sha. "May pinadala ka na

ba upang sabihan si Brother Hua?"

Ang mag-isa lang na magpakita si Fan Zhuo ay hindi sapat. Kailangan niya ang tulong ng isa

pang tao bago niya ihulog si Ning Rui sa madilim na kailaliman!

Lahat ng piraso na mayroon siya ay nasa lugar, kailangan na lamang niya ng isang alas!

Sumagot si Ye Sha: "Nagpadala ako ng isang munting ahas. Naniniwala akong malapit ng

dumating dito si Brother Hua."

Kahit na ang ahas ni Ye Sha ay hindi makapagsalita, nagagawa naman nito lumunok ng mga

sulat. Sa oras na makita ni Hua Yao at ng iba pa ang sulat ay maiintindihan nila kung anong

nangyayari.

Bukod sa mga nangyari sa Zephyr Academy ay mas marami pang sangkot sa mga plano ni Jun

Wu Xie. Nailigtas niya si Fan Jin, nailigtas din niya si Gu Li Sheng, ngunit may mga bagay pa na

kailangan bayaran sa kaniya at hindi siya tatanggap na kulang ng isang sentimo para doon!

"Ihanda ang mga karwahe ngayon din. Sa oras na dumating si Brother Hua dito ay aalis tayo

patungo sa Zephyr Academy!" malamig ang tinig ni Jun Wu Xie.

[Pataas pa lang ang mga kurtina. Ihanda niyo ang mga sarili niyo sa mga mangyayari, Ning Rui

at Gu Ying!]

Ilang oras ang nakalipas ng matanggap ni Hua Yao at ng iba pa ang mensahe na pinadala ni Ye

Sha sa kanila at nagmadali sila na magtungo sa Chan Lin Town.Sa sumunod na sandali ay

nakipagkita sila kay Jun Wu Xie at ngayon ay nasa karwahe na sila at madaling naglakbay

patungo sa Zephyr Academy.

avataravatar
Next chapter