394 Ang Hindi Makasundong Roommate (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumunot ang noo ni Yin Yan. Mayroong patakaran sa Zephyr Academy na ipinagbabawal ang pagtawag sa mga ring spirit sa kahit na anong oras na gusto ng disipulo. Ngunit, mayroong pagbubukod sa patakaran na iyon. Ang patakaran na iyon ay para lamang sa mga ring spirit na lagpas ng tatlong talampakan.

Dahil sa ginawa ni Jun Wu Xie, pinapakita lamang nito na nabasa na nito ang rule book. Hindi inakala ni Yin Yan na nabasa na ni Jun Wu Xie ang patakaran ng Zephyr Acacdemy kaya naman sinita niya ang pagtawag nito sa ring spirit. At ginamit pa nito ang natatanging pagbubukod sa patakaran na iyon para lang mapatahimik si Yin Yan. Hindi siya makapaniwala sa aroganteng asal ni Jun Wu Xie!

Iilang beses pa lamang na nabasa ni Jun Wu Xie ang rule book ngunit dahil sa kaniyang photographic memory, agad niyang nakabisa ang lahat ng nakasulat dito. 

Ang unang galaw ni Yin Yan laban kay Jun Wu Xie ay nakabase lamang sa palagay niyang hindi pa nito binabasa ang rule book. 

"Malakas ang loob mong sumagot?" makikita ang pagkairita sa mga mata ni Yin Yan. Lahat ng bagong disipulo na natatanggap sa Zephyr Academy ay ninenerbiyos at natatakot sa mga nakatatandang disipulo. Kaya inaasahan niyang ganoon din si Jun Wu Xie. Ngunit, taliwas sa inaasahan niya ang naging reaksiyon nito.

Ito ang unang beses na may naglakas loob na sumagot sa kaniya.

"Masyado kang maingay." Matalim na tiningnan ni Jun Wu Xie si Yin Yan.

Dahil dito, mas ikinagalit ni Yin Yan ang sinabi ni Jun Wu Xie. 

Napansin ng kasama ni Yin Yan ang sobrang pagtitimpi ng galit nito kaya naman kinalabit niya ito at sinabing "Pinapatawag ka ni Senior Ning, huwag mo nang sayangin ang oras mo dito."

Pagkarining niya sa pangalan ni "Senior Ning", agad na umaliwalas ang mukha ni Yin Yan. Sa huling pagkakataon, binigyan niya ng matalim na tingin si Jun Wu Xie bago marahas na tumalikod at lumabas ng silid.

Nagkaroon ng katahimikan ang silid. Ikiniskis ng pusa ang sarili sa kamay ni Jun Wu Xie and nagsabing [Mukhang malaki ang galit ng hangal na iyon sa iyo. May ginawa ka ba habang natutulog ako na ikinagalit niya?]

Alam na alam na ng pusa ang ugali ng kaniyang amo. Hindi ito nakikialam sa ibang tao at ayaw nito ng gulo. Kaya nga lang ang kaniyang malamig na pakikitungo sa iba at ang pagiging independente ay ikinagagalit ng karamihan.

Katulad na lamang ng nangyari kanina. Hindi man maganda ang naging pakikitungo ni Yin Yan, ngunit walang kahit sino mang baguhan ang kayang pagsabihan ang isang nakatatandang disipulo ng "Masyado kang maingay" kung hindi ang amo niya lamang na si Jun Wu Xie.

Ang kaniyang amo ay walang madiplomasyang katangian at sa tingin niya'y hindi na ito magkakaroon pa ng ganoong katangian.

"Hindi ko pa siya nakikilala." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie.

Napabuntong-hininga na lamang ang maliit na itim na pusa. Ang kaniyang amo ay hindi talaga sanay na makitungo sa mga tao. Ito pa lamang ang unang pagkikita ng kaniyang kasama sa silid at nagkaroon na agad ng masamang impresyon ito sa kaniya.

Ang maliit na itim na pusa ay malungkot na pinag-iisipan pa din ang mga kaganapan habang sa kabilang panig naman ng pintuan ng silid, hindi na napigilan ng kasama ni Yin Yan na magtanong habang naglalakad sila sa pasilyo.

"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit mo pinatulan ang baguhan na iyon? Hindi mo kailangan bumaba ng pedestal para lang patulan ang baguhang iyon." Sa Zephyr Academy, nakasanayan nang turuan ng leksiyon ng mga nakatatandang disipulo ang mga baguhan.

Kumunot ang noo ni Yin Yan "Si Fan Jin ang nagdala sa kaniya."

Nagulat ang kasama niya sa nalaman at naintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo ni Yin Yan.

"Pero kahit na. Isa lamang siyang baguhan at kahit pa nasa proteksiyon ito ni Fan Jin, mas madali sa iyong pahirapan ito. Isa kang disipulo ng Spirit Healer Faculty, at kahit pa magkaroon ng problema, walang mangangahas na pakialaman ka."

Ngumisi si Yin Yan sa sinabi ng kasama at nagsabing "Kahit wala siya sa proteksiyon ni Fan Jin, hindi ko palalagpasin ang pagsagot niya sa akin kanina."

avataravatar
Next chapter