316 Ang Hindi Mabaling Kagustuhan ni Mu Chen

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Alam ng mga disipulo ng Qing Yun Clan na kapag napadpad sila sa Hidden Cloud Peak ay ibig sabihin lang non na katapusan na ng buhay nila.

Ngunit naiiba sa lahat ang reaksyon ng mga taga-Cloud Treading Peak. Malinaw sa kanilang kamatayan ang naghihintay sa kanila sa Hidden Cloud Peak ngunit para mapigilan nila si Qin Yue na parusahan si Mu Chen, isinakripisyo nila ang kanilang sarili para protektahan si Mu Chen!

Mapapaisip ka na lang kung gaano kahalaga sa kanila si Mu Chen sa kaniyang mga disipulo at handa silang isuko ang kanilang buhay para dito.

Tahimik lang na nag-oobserba si Jun Wu Xie nang madako kay Mu Chen ang kanilang tingin.

Handang magsakripisyo ang mga disipulo para sa kaniya, anong kaniyang gagawin?

Hinili ni Mu Chen si Rong Heng at ang iba pang mga disipulo papunta sa kaniyang likod bago siya nagsalita kay Hua Yao: "Hindi kita hahayaang kumuha ng kahit isang disipulo ng Cloud Treading Peak. Kailangan mo muna akong patayin bago mo gagawin iyon! Pakiusap lang Elder Ke, umalis ka na. Magsumbong ka kay Qin Yue at gawin kung anuman ang nais mo, ngunit ako, si Mu Chen, mananatili ako ditong sumasalungat sa gusto mo. Gaya ng sinabi ko, hanggat nanatili akong Elder ng Cloud Treading Peak at Master ng mga disipulong ito, walang makakapilit sa aking mga disipulo na gawin ang hindi nila gusto!

Hindi na naghintay si Mu Chen na makasagot si Hua Yao, ito ay tumalikod na at inakay ang kaniyang mga disipulo. Malinaw nitong inilahad ang kaniyang desisyon, hindi ito papayag na galawin ang kaniyang mga disipulo!

"Nararamdaman kong magugustuhan ko si Mu Chen, mas maayos siya kumpara sa mga hipokrito ng iba pang mga pangkat." Pinanood ni Qiao Chu si Mu Chen na umalis kasama ang mga disipulo nito.

"Ang ugaling iyon ni Mu Chen ay Maaaring ikamatay niya kung ang totoong Ke Cang Ju ang kaniyang kaharap." Nabura na ang nakakatakot na ekspresyon ni Hua Yao sa kaniyang mukha at napalitan iyon ng kaniyang natural na kalmado ng itsura.

"Kung ang mga dragon nga ay sumasalungat sa kanilang mga sarili, ano pa kaya ang mga tao. Binabalewala lang ni Mu Chen ang mga pagkakadisgusto sa kaniya ngunit kung may isang magkakamali sa kaniya, hindi niya iyon papalagpasin." Nasisiyahan si Jun Wu Xie sa reaksyon ni Mu Chen. Kung pumayag si Mu Chen na dalhin ni Hua Yao ang kaniyang mga disipulo katulad ng ibang Elder, hindi niya ikokonsiderang makipagtulungan dito.

"Itong bagay na to, itatago ko pa ba ito dito sa Cloud Treading Peak?" Tanong ni Qiao Chu na hawak ang maliit na bag na gawa sa tela.

Umiling si Jun Wu Xie.

"Kailangan natin maupo at makipagdiskusyon kay Mu Chen. Totoong disikusyon." Saad ni Jun Wu Xie.

"Iyon ay kung gusto pa tayong harapin ni Mu Chen. Sa kaniyang reaksyon kanina, para nitong gustong patayin si Hua Yao." Inaasahan na ni Qiao Chu na wala nang tsansa pang makausap nila ito ng maayos.

"Haharapin niya tayo." Paninigurado ni Jun Wu Xie.

"May naiisip ka nang plano?" Humarap si Hua Yao kay Jun Wu Xie, ramdam niyang hindi ito mauubusan ng plano.

Sinenyasan ni Jun Wu Xie si Hua Yao na lumapit at inilapit naman ni Hua Yao ang kaniyang tenga.

Nagningning ang mga mata ni Hua Yao at sinabing: "Maaaring gumana iyon."

Ilang sandali pa ang lumipas, nanatili si Hua Yao at ang kaniyang mga disipulo sa Cloud Treading Peak sa kabila ng pagpapaalis sa kanila ni Mu Chen. Naglibot-libot sila sa paligid at akala ng mga disipulo ay umalis na sila. Nagpatuloy ang mga iyon sa kanilang araw-araw na ginagawa at hindi nila naisip na...

Nakaupo si Mu Chen sa kaniyang silid aklatan at madilim ang ekspresyon sa mukha. Pinukpok nito ang kaniyang kamao sa la mesa! Nagtatagis ang mga ngipin nito habang ito ay nakatitig sa nakasaradong pinto. Ang mga mata nito'y nagliliyab sa galit.

Maya-maya ay Nagmamadali ng pumasok si Rong Heng!

"Elder Mu! Dinakip ni Elder Ke si Little Lin papuntang Hidden Cloud Peak!"

Agad na napatay si Mu Chen at ang upuan nito ay natumba sa kaniyang likuran. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig.

"Huwag mong papalabasin ang mga disipulo sa Cloud Treading Peak! Tutungo ako sa Hidden Cloud Peak!" Galit na galit si Mu Chen. Hindi niya aakalaing magpupumilit si Ke Cang Ju sa kabila ng kaniyang mariing hindi pagpayag. Inignora siya ni Ke Cang Ju at sapilitang kinuha ang isang disipulo ng Cloud Treading Peak!

Hindi na mapigilan ni Mu Chen ang kaniyang galit, mahabang taon siyang nagtimpi at ngayon ay parang may gasolinang sumilab sa kaniyang nagbabagang galit. Matapos nitong bilinan si Rong Heng ay agad itong umalis para magtungo sa Hidden Cloud Peak sa lalong madaling panahon!

Kapag nalaman niyang nangahas si Ke Cang Ju na saktan ang kaniyang disipulo, ililibing niya ang buong Hidden Cloud Peak kasama nito!

avataravatar
Next chapter