1095 Ang Hinamak ay Nakagawa ng Paraan (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa ilalim ng paggabay ni Ye Sha, nakarating si Qiao Chu at Hua Yao sa bahay-panuluyan kung

saan naroon si Jun Wu Xie.

Nang itulak ni Qiao Chu ang pintuan upang pumasok ay bahagyang mababanaag pa rin sa

kaniyang mukha ang poot sa ginawang pagtataksil ng Thousand Beast City. At nang tuluyan ng

mabuksan ang pintuan at makita ang tao sa loob ng silid ay natigilan siya.

Matikas na naka-upo si Jun Wu Yao sa isang upuan malapit sa bintana, ang liwanag mula sa

buwan na tumagos sa bintana ay bumalot sa buong katawan nito. Nakapangalumbaba ito

habang pinapanood si Jun Wu Xie sa isang sulok, isang ngiti ang naglalro sa kaniyang labi,

isang tanawing sadyang napakaganda na animo'y mula ito sa isang ipinintang larawan.

Sa sandaling nakita ni Qiao Chu si Jun Wu Yao ay tuluyang naging blanko ang kaniyang isip.

"Big… Big Brother Wu Yao.."

Bahagyang ibinaling ni Jun Wu Yao ang kaniyang ulo upang tingnan si Qiao Chu at Hua Yao na

nasa pintuan at ngumiti sa kanila.

"Nagbalik ka na." kamot ulo na saad ni Qiao Chu. Hindi niya naisip na makikita niya si Jun Wu

Yao doon. Nag-aalala siya na nagdurusa si Jun Wu Xie matapos ang mga nangyari sa Thousand

Beast City, ngunit sa mga sandaling iyon, nang makita niya si Jun Wu Yao ay nakaramdam

siyang bigla ng kaginhawaan.

Kasama si Jun Wu Yao doon, hindi nito hahayaan na pagdusahan ni Jun Wu Xie ang anumang

kawalan ng katarungan.

"Tama ka." nakangiting saad ni Jun Wu Yao.

Sinulyapan ni Hua Yao si Qiao Chu na nakatayo sa may pintuan at mukhang tanga na

nakanganga kaya itinaas niya ang kaniyang paa at sinipa papasok si Qiao Chu.

Halos mabuwal sa lupa, mukhang inapi na nilingon ni Qiao Chu si Hua Yao ngunit masyadong

maramot si Hua Yao na tapunan pa siya ng tingin kahit sa sulok man lang ng kaniyang mga

mata at mas piniling lumingon kay Jun Wu Xie.

"Ano ang tunay na nangyari?" tanong ni Hua Yao, ang mga kilay ay nagsalubong.

Umangat ang tingin ni Jun Wu Xie at walang pagkabahala na tianong: "Nagtungo kayo sa Fiery

Blaze Clan Hall?"

"Oo." pagtango ni Hua Yao.

"Kung gayon ay alam na ninyo ang nangyari." hindi na muling nagbalik si Jun Wu Xie sa Fiery

Blaze Clan Hall simula nang araw na iyon ngunit kaniya pa ring natatandaan ang kaniyang

sinabi kay Qiao Chu at sa iba pa noon. Sa oras na malaman ni Qiao Chu at ng iba pa ang

eksaktong lugar kung saan ikinulong ang mga tao ay agad silang magtungo sa Fiery Blaze Clan

Hall upang siya ay balitaan. Samakatuwid ay inutusan ni Jun Wu Xie si Ye Sha na magmanman

sa Fiery Blaze Clan Hall kaya nang makita si Qiao Chu at Hua Yao na lumabas mula sa Fiery

Blaze Clan Hall ay sinamahan niya ang mga ito papunta doon.

Ang ekspresyon sa mukha ni Qiao Chu nang buksan niya ang pintuan upang pumasok ay sapat

na upang magbigay kay Jun Wu Xie ng pahiwatig sa impormasyon.

Upang magawang galitin si Qiao Chu, si Xiong Ba at ang kaniyang mga tao marahil ay

ibinunyag na sa kaniya lahat ng nangyari.

"Ang Thousand Beast City ay isang kahihiyan! Kung ating nalaman ng mas maaga ay hindi sana

tayo pumayag sa kanilang hiling sa simula pa lamang at hinayaan silang harapin ang sariling

kamatayan." nang muling maalalala ni Qiao Chu ang mga narinig niya kanina, ang nag-aapoy

na galit nito ay muli na naman nagliyab.

Si Jun Wu Xie ay hindi kailanman nangialam sa mga kaganapan ng iba. Bagama't ang katauhan

niya ay malamig ay hindi siya kailanman magsisimula ng kahit anong pagpapagalit laban sa iba.

Hangga't ag mga tao ay hindi makikialam sa kaniya, ay bihira siyang gumanti ng malupit. Ang

tungkol sa Thousand Beast City ay sinimulan mismo ni Xiong Ba at ng iba pa, at ngayon na

kinagat sila ng pagtataksil nila, maski ang santo ay hindi aasahan na balewalain ang

mapanlinlang na kataksilan!

Kalmadong tumingin si Jun Wu Xie sa nagngingitngit na si Qiao Chu na ngayon ay kalmado na

ang mga mata.

Dumako ang tingin ni Hua Yao sa buong silid, ilang saglit siyang tahimik bago nagtanong:

"Nasaan si Lord Meh Meh?"

Ang tinuran ni Hua Yao ay nagdulot kay Qiao Chui na matigilan sa matinding gulat. Nang sila ay

nasa Fiery Blaze Clan Hall ay sinabi ni Xiong Ba na nakatuon ang mata ni Qu Xin Rui sa Spirit

Beast ni Jun Wu Xie ngunit naisip nila ang pagiging maparaan ni Jun Wu Xie, hindi niya

hahayaan na mangyari iyon. Ngunit ngayon na hindi nila makita ang kahit anong senyales na si

Lord Meh Meh ay nasa loob ng silid, ang puso ni Qiao Chu ay nalaglag ng may kalabog.

Inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo upang tingnan ang liwanag ng buwan sa labas ng

bintana, kalamado ang boses ay kaniyang sinabi: "Nasa kamay ni Qu Xin Rui."

Nanlaki dahil sa matinding gulat ang mata ni Qiao Chu, ang mukha ay hindi makapaniwala,

hindi naniniwala sa narinig ng kaniyang tainga.

avataravatar
Next chapter