1094 Ang Hinamak ay Nakagawa ng Paraan (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumasabog sa matinding galit si Qiao Chu. Maski sa panaginip ay hindi pumasok sa kaniyang

isipan na sa kanilang pagpunta dito sa Thousand Beast City ang babati sa kanila ay isang

resulta na tulad nito!

"Sa loob ng ilang araw ay pinagsasapalaran namin ang aming buhay para lamang sa mga tao

ninyo at pinatunayan ninyo mismo na kayo ay masama! Dahil lamang sa inyong Young Miss ay

pinilit ninyong isuko ni Jun Xie ang kaniyang Spirit Beast? Habang kami ay walang tulog doon

at ginagawa ang lahat upang malutas ang krisis ng Thousand Beast City, anong ginagawa

ninyong lahat dito? Isang walang kwentang gantimpala ang ibibigay ninyo sa amin!?" dumapo

ang kamao ni Qiao Chu sa mukha ni Xiong Ba, isang malakas na suntok na naging dahilan

upang makita ni Xiong Ba ang mga bituin!

Bagama't totoong kailangan nila ang piraso ng mapa, kahit hindi sila inimbita ng grupo ni

Xiong Ba doon ay hahanap pa rin sila ng paraan upang mapasakamay ang kanilang nais at

hindi lamang si Xiong Ba ang tanging paraan nila. Pinili nilang pagkatiwalaan si Xiong Ba ngunit

anong nakuha nilang kapalit?

Habang sila ay nagpapakapagod sa labas para sa kapakanan ng Thousand Beast City, ang mga

taong ito na mula mismo sa Thousand Beast City ay piniling itulak mismo si Jun Wu Xie sa

apoy!

Anong klaseng pag-aanib iyon!?

Puno ng pagsisisi ang puso ni Qiao Chu. Dapat sana ay hindi sila sumang-ayon na

makipagtulungan sa Thousand Beast City sa simula't simula pa lang. Sa plano ni Jun Wu Xie na

makuha ang mapa ay hindi nila kinakailangan ang tulong kahit nino. Ginawa nilang lahat iyon

dahil nagmakaawa si Xiong Ba at Qu Ling Yue sa kanila.

Pinaulanan ni Qiao Chu nang suntok ang mukha ni Xiong Ba ngunit hindi niyon nagawa na

pahupain ang matinding galit na tinitimpi niya.

Ang pakiramdam na pinagtaksilan ay hindi katanggap-tanggap.

Kahit bahagya ay hindi pumalag si Xiong Ba hinayaan niya si Qiao Chu na ilabas lahat at kahit

sumusuka na siya ng dugo ay walang kahit anong reklamo na narinig mula sa kaniya.

Bigla ay inawat ni Hua Yao si Qiao Chu na handa ng ibigay ang susunod na suntok, nabitin sa

ere ang kamao ni Qiao Chu, ramdam niya sa buong katawan niya ang galit.

"Tama na." sabi ni Hua Yao.

"Brother Hua, bitawan mo ako! Gusto kong paslangin itong traydor at taksil na tampalasang

ito!" saad ni Qiao Chu sa nagtatagis nitong bagang.

"Sabi ko tama na." malamig na saad ni Hua Yao. "Ang tanging paraan ay hanapin si Little Xie."

Nang mga sandaling iyon, lahat ng lakas ni Qiao Chu ay humupa at kaniyang itinapon si Xiong

Ba sa isang sulok.

Ang malamig na sulyap ni Hua Yao ay natuon sa kaawa-awang hitsura ni Xiong Ba at wala kahit

kaunting bakas ng awa sa mga matang iyon.

"Simula ngayon, kung mamatay o mabuhay man ang Thousand Beast City ay wala na kaming

pakialam. Ang kooperasyon namin ay amin nang pinuputol." malamig na saad ni Hua Yao at

agad na itong tumalikod upang maglakad palabas ng pintuan.

Pinandilatan ni Qiao Chu si Xiong Ba at Qing Yu at agad na ring sumunod.

Nanatiling nakahiga sa lupa si Xiong Ba na nanghihina, ang sakit sa buong katawan niya ay tila

isang paalala sa kaniya ng kaniyang pagkukulang at matinding kahihiyan.

Lumabas si Hua Yao at Qiao Chu mula sa Fiery Blaze Clan Hall at tumayo sa pangunahing

kalsada sa ilalim ng gabi. Ang kalsadang malamig at walang buhay ay naliliwanagan ng

mapanglaw na liwanag ng buwan, ipinapakita ang kahungkagan nito.

"Brother Hua, saan…kaya naroon si Little Xie?" tila naguguluhan si Qiao Chu.

"Siya ay siguradong narito pa sa siyudad." tiyak na sagot ni Hua Yao.

Malamig ang simoy ng hangin ngunit si Qiao Chu at Hua Yao ay hindi magawang kalmahin ang

kanilang mga puso. Nagmamadali silang magpunta doon ngunit sinalubong sila ng pangit na

balita na hindi katanggap-tanggap kahit kanino.

Pagdaka ay isang anino ang biglang nagpakita sa harapan ng dalawang kabataan. Nang makita

ng dalawang bigo at nalilitong kabataan ang mukha ng taong iyon ay biglang nagliwanag sa

kagalakan ang kanilang mga mata.

"Ye Sha!" gulat na napatitig si Qiao Chu kay Ye Sha na biglang nagpakita sa kaniyang harapan.

Marahang tumango si Ye Sha.

"Inutusan ka ba ni Little Xie na hanapin kami? Nasaan siya ngayon?" nasasabik na tanong ni

Qiao Chu sapagkat sa ilalim ng kalangitan, ang tanging nilalang bukod kay Jun Wu Yao na

magagawang magbigay ng utos kay Ye Sha, ay si Jun Wu Xie lamang!

Sumagot si Ye Sha: "Inutusan ako ng Young Miss na hintayin kayong dalawa dito. Ngayon ay

dadalhin ko kayo upang makita siya."

avataravatar
Next chapter