1093 Ang Hinamak ay Nakagawa ng Paraan (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang kakaibang reaksyon ni Xiong Ba ay napansin ni Hua Yao at Qiao Chu at ang malaking ngiti

nila ay napalis at tinanong.

"Anong nangyari... Huwag mo sabihin sa akin na mayroong nangyari dito?"

Nakuyom ni Xiong Ba ang kaniyang kamao, hindi magawang tumingin ng diretso kay Qiao Chu.

Bahagyang nanginig ang labi ni Qing Yu at binukas ang kaniyang bibig. Mula sa mga sinabi ni

Qiao Chu kanina a mayroon itong mensahe para sa kanila na hindi tiyak.

Nalaman na nila ang lugar kung saan nakapiit ang kanilang mga tao.

Bagama't maliksi pa rin si Qiao Chu at Hua Yao ngunit kung titignan ang damit nila na

nababalutan ng alikabok at ang magulo niang buhok ay hindi maikakailang hindi pa sila

nakakapagpahinga ng maayos. Tulad na rin ng kanilang sinabi, upang malama nila ang lugar

kung saan nakakulong ang mga tao ng Thousand Beast City, hindi pa nila nagagawa na ipikit

ang kanilang mga mata nitong mga nagdaang araw at gabi ngunit inuna pa rin nilang magpunta

dito sa Fiery Blaze Clan Hall upang ihatid ang balita sa kanilang mga kamay.

Hindi magawa ni Xiong Ba at Qing Yu na salubungin ang tingin ni Qiao Chu at Hua Yao habang

sa malinaw na mata ng dalawang kabataan ay nasasalamin ang matinding kahihiyan na

nararamdaman ng dalawang lalaki ng mga oras na iyon.

"Wala ba kayong sasabihin? Ano ang eksaktong nangyari?" nagtatakang tanong ni Qiao Chu

habang tinitignan si Xiong Ba at Qing Yu na iniiwasan ang kanilang mga tingin at mayroong

hindi maipaliwanag na pakiramdam ang biglang umusbong sa kaniyang puso, ag kamay na may

hawak na bote ng alak ay dahan-dahan niyang ibinaba.

"Young Master Qiao… Kami… Kami ay nabigo kayong lahat…" pinilit pigain ni Qing Yu ang

kaunting salita na iyon na nanginginig ang boses, tila bawat salita na na lumabas sa kaniyang

bibig ay kinuha lahat ng kaniyang tapang pang sabihi iyon.

"Si Little Xie ay wala dito sa Fiery Blaze Clan Hall?" tanong ni Hua Yao, naningkit ang kaniyang

mata. Kakaiba ang reaksyon ni Xiong Ba at Qing Yu at may namuo na hindi maipaliwanag na

haka-haka sa kanilang mga isip.

Taimtim na tumango si Qing Yu.

"Nasaan na ngayon si Little Xie?" tanong ni Hua Yao sa tono na nakakapanindig-balahibo.

"Hindi… Hindi… naming alam…"

"Bakit siya umalis?" malamig na ang boses ni Hua Yao.

Natahimik si Qing Yu at yumuko, humigpit ang kamay niya na may hawak na kopita ng alak at

narinig ang isang tunog ng pagkabasag, isang linya ang biglang lumabas sa kopita na nasa

kaniyag kamay.

"Brother Hua..." nakaramdam si Qiao Chu ng kaba habang nakatingin sa mukha ni Hua Yao.

Silang dalawa ay naging malapit na sa isa't isa sa loob ng ilang taon at nakikita niya ang galit na

namumuo sa mga mata ni Hua Yao.

Nagtagis ang bagang ni Qing Yue at hindi niya alam kung anong sasabihin. Habang si Xiong Ba

matapos ang lang sandali ng pakikipagtalo sa kaniyang puso, sa wakas ay nagsalita siya:

"Nabigo namin si Young Master Jun. Malaki ang pagkakautang ng Thousand Beast City sa

kaniya... Dinukot ni Qu Xin Rui ang aming Young Miss at pinuwersa ang Grand Chieftain na

gamitin ang Spirit Taming Bone Flute upang kunin ang Spirit Beast at ilayo kay Jun Xie…"

"Walang kwenta!" sa malakas na tunog, binasag ni Qiao Chu ang bote gamit ang kaniyang

kamay papunta sa paanan ni Xiong Ba at ang kaakit-akit na hitsura nito ay biglang napalitan ng

matinding galit!

Ang malinaw na bote ay sumabog dahil sa pagbasag ng bote ng alak, tumalsik lahat iyon kay

Xiong Ba at wala siyang kahit anong reaksyon.

"Kayo mismo ang mapilit na nagmakaawa kay Little Xie na tumulong sa inyo! Sa huli, walang

pagdadalawang-isip, binenta niyo kami! Ano ba ang kinalaman sa amin ng mga nangyayari dito

sa Thousand Beast City!? Dahil sa hindi ninyo magawang sagipin ang tao, anong karapatan

ninyo na sabihin kay Little Xie na isakripisyo niya ang kaniyang Spirit Beast!!!" sumugod si Qiao

Chu kay Xiong Ba at dinampot ng kamay ang malaking si Xiong Ba, ang mukha niya ay puno ng

galit!

"Ito ba ang ibig ninyong sabihin sa kooperasyon? Ibenta ang inyong kakampi ng walang pag-

aalinlangan? Kung nalaman lang namin na ganito ang Thousand Beast City, ay hindi na kami

papayag na tulungan kayo sa simula pa lang!"

avataravatar
Next chapter