1091 Ang Hinamak ay Nakagawa ng Paraan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Thousand Beast City, dalawang kabataan na nadadamitan ng pusikit na balabal ang b ng

siyudad sa ilalim ng kadiliman ng gabi. Ang kanilang mga kilos ay maliksi sapagkat iniiwasan

nilang mapansin sila ng mga guwardiya, tahimik silang pumasok sa loob ng Fiery Blaze Clan

Hall.

Nakatayo sila sa labas ng pintuan ng Fiery Blaze Clan Hall nang ilabas ng isa sa mga kabataan

ang isang magaspang at payak na mapa mula sa kaniyang roba at sinabi sa kaniyang kasama

na kaniyang katabi: "Dapat ito ang Fiery Blaze Clan Hall, tama? Sinabi sa atin ni Little Xie noon

na dito natin siya hanapin sa oras na makarating tayo sa siyudad, hindi ito maaaring

magkamali, maaari ba?"

Ang malamlam na liwanag ng buwan ay nagliwanag sa kabataang nasa tabi niya at ang nunal

ng kagandahan na nasa sulok ng mata nito ay kapansin-pansin.

"Hindi."

Ang batang may hawak sa mapa ay madaling isinilid ang mapa sa loob ng kaniyang roba at

bumulong: "Magaling ang ginawa nating ngayon at kung hindi ako tratuhin ng maganda ni

Xiong Ba, hindi ko sasabihin sa kaniya kung saan ikinulong ang mga tao ng Thousand Beast

City."

Tinapunan siya ng tingin ng mga kasama ngunit hindi nagsalita ang mga iyon.

Ang dalawang payat na anyo ay bigla na lamang naglaho sa ilalim ng malamlam na liwanag ng

buwan.

Sa loob ng Fiery Blaze Clan Hall ay nakaupo si Xiong Ba sa tabi ng lamesa at makikitang ilang

bote ng alak ang wala sa ayos na nakalapag sa palibot ng kaniyang paanan. Ang mukha ay

pulang-pula dahil sa kalanguan ngunit ang alak sa kaniyang baso ay hindi nagawang pawiin

lahat ng kaniyang kalungkutan maski kaunti, nakasimangot ang mukha.

Umupo si Qing Yu salungat kay Xiong Ba, ang balat ay maputla, nangingitim ang ilalim ng

mata.

Ang amoy ng alak ay pumupuno sa loob ng silid, ang maatapang na amoy ng hangin ay

nagpapahirap sa paghinga.

"Hay… Anong nangyayari dito? Ang Thousand Beast City… ang Thousanmd Beast City… ay

darating sa ganitong estado ng pagkalugmok. Na kung iisipin, sa loob ng ilang taon, tingin sa

atin ng mga tao sa buong mundo ay napakalakas, ngunit ngayon… Ha! Pagsira sa tiwala, pag-

abandona sa mabuti, pagganti sa kabutihan ng hindi pagtanaw ng utang na loob… Mga kilos

ng kasuklam-suklam na tao…" lango si Xiong Ba kaya ang kaniyang pag-iisip ay hindi na

malinaw. Inangat niya ang bote ng alak at uminom doon matapos ay mapait na tumawa, ang

malamig na alak ay tumapon sa kaniyang kasuotan ngunit hindi nito nagawa na gisingin siya sa

kaniyang matinding kalungkutan.

Magulo ang ekspresyon sa mukha na tintigan ni Qing yu si Xiong Ba.

[Ilang araw na ang nakalipas…]

Mula noong umalis si Jun Xie, ang buong Fiery Blaze Clan Hall mula taas hanggang ibaba ay tila

nalugmok sa isang kamalasan. Mula sa mga disipulo hanggang kay Xiong Ba, tila lahat sila ay

nahulog sa isang kasiraan, hindi magawang pulutin ang kanilang mga sarili. Ang mga nangyari

sa Fiery Blaze Clan Hall ng araw na iyon ay tila pares ng kamay na nababalot ng dugo, winasak

ang karangalan at matinding katapatan ng Fiery Blaze Clan at itinapon silang lahat sa madilim

na kailaliman dahil sa pagtataksil at pag-iwan ng isang kakampi.

"Qing Yu… Ilang taon na akong Clan Chief ng Fiery Blaze Clan?" tanong ni Xiong Ba,

nakayukyok ang ulo at malabo ang boses nito habang ang noo'y nakapatong sa dulo ng bote

ng alak.

"Hindi ko matandaan." sagot ni Qing Yu.

"Ha… Hindi ko rin matandaan. Ang tanging naaalala ko ay ang ating Old Chief, nang ito ay

kaladkarin mula sa Grand Chieftain's Residence ni Qu Xin Rui, bago siya binitay, sinabi niya…

Mas maigi na ang mawasak kaysa mabali… Ang ating Old Chief ay may matatag na

paninindigan, at ako ay isang basura lamang. Ngayon na ang Thousand Beast City ay nalugmok

sa ganitong estado ay wala man lamang akong magawa tungkol doon. Hindi ko matulungan

ang mga tao, hindi ko matulungan ang Grand Chieftain, hindi ko mailigtas ang Young Miss…

Napakawalang-kwenta ko na hindi ko man lang nagawa protektahan maski ang isang Spirit

Beast! HAHAHA! ANONG KLASENG CLAN CHIEF! ISANG KALOKOHAN! ISA LAMANG AKONG

BASURA NA WALANG PANININDIGAN! HAHAHA!… ISANG WALANG HIYA NA BASURANG

WALANG SILBI! KUMPARA KAY LIN QUE, ANONG IPINAGKAIBA KO SA KANIYA!?" biglang

umupo ng tuwid si Xiong Ba, ang bahaw na tawa nito ay puno ng desperasyon at kawalan ng

pag-asa.

"Tayo ang nag-imbita kay Jun Xie na pumarito. Tayo ang humingi ng tulong sa kaniya laban sa

suliranin na kinakaharap ng Thousand Beast City. At ngayon? Upang magawa nating iligtas ang

ating mga tao ay kinuha natin ang Spirit Beast at dinala natin sa kamay ng matandang

hukluban na iyon! Qing Yu! Sa aking dibdib… ramdam ko ang matinding galit…. at sinasakal

ako nito… sobrang sinasakal ako nito…" itinaas ni Xiong Ba ang kaniyang ulo upang tingnan

ang kisame na puno ng mga kandila, at dalawang bakas ng mainit na luha ang pumatak,

umagos mula sa sulok ng kaniyang mga mata.

Nagtagis ang bagang ni Qing Yu, hindi nangahas na magsalita at sa halip ay tahimik na ibinaba

ang kopita niyang may alak, nais niyang gamitin ang impluwesiya ng alak upang alisin ang

pagkakasala at kahihiyan na lumulukob sa kaibituran ng kaniyang puso.

avataravatar
Next chapter