1200 Ang Hangin ay Lumalamig na (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nandidilat si Drunk Lotus kay Poppy sa isang tabi habang dinadampot niya ang mga nagkalat

na bagay na nahulog mula sa bibero ni Little Lotus at ibinalik lahat iyon. Ang munting biberoay

nag-ibang anyo at naging damit niya na nahulog sa higaan nang magpakita siya, inabot niya

iyon bago isinabit sa kaniyang balikat. Ngayon ay nakaupo siya at nakapatong ang paa sa isang

tuhod, isang ekspresyon ng panibugho ang bakas sa kaniyang mukha habang nakapako ang

mga mata kay Poppy.

Dahil sa kanilang likas na pagiging hayop, alam ni Lord Meh Meh at ng Sacrificial Blood Rabbit

na lumayo kay Poppy. Kumpara kay Little Lotus na pakiramdam nila ay napakasarap, sa mata

nila, si Poppy ay walang silbi. Isang uri na hindi nila gugustuhin na kagatin. Ang katotohanan

na ang dalawang hayop ay matindi ang pagprotekta kay Little Lotus, marahil ay dahil sa

ipinagtatanggol nila ang pingamumulan ng kanilang pagkain.

Sa kasalukuyan, ang Qi Kingdom ay sumasailalim na sa panunumbalik at oras na para kay Jun

Wu Xie at ang hukbo na bumalik sa Fire Country. Subalit nang magbalik si Ye Sha, dala niya ang

balita na pansamantala silang aalis ni Jun Wu Yao. Dahil doon ay nakaramdam ng kalungkutan

si Jun Wu Xie, ngunit wala siyang maraming oras upang isipin pa iyon.

Sa huling mga oras na nalalabi, ay inubos ni Jun Wu Xie lahat ng kaniyang oras upang

makasama ang kaniyang lolo at tiyo, tatlong henerasyon ng pamilya ang nagtipon at nagsama

sa saya at pagkakaisa, wala sa kanila ang nagbanggit ng kahit anong salita tungkol sa pag-alis

ni Jun Wu Xie bagama't alam nila sa kanilang mga puso na ang pagsasama-samang iyon ay

panandalian lamang.

Si Mu Chen at Mu Qian ay nagdesisyon na manatili sa Qi Kingdom at silang dalawa ay nakuha

ang pagsang-ayon ni Jun Xian na sumali sa Rui Lin Army kasama ang mga disipulo ni Mu Chen

na naging mga maediko at manggagamot militar ng Rui Lin Army.

Matapos maranasan ang digmaan, ang kanilang puso at isipan ay gumulang matapos

sumailalim sa apoy ng digmaan, at ang tingin nila sa Qi Kingdom at Lin Palace ay hindi na isang

pansamantalang tirahan, sa halip ay ninais nila na magtanim ng kanilang ugat sa lugar.

Nang ang hukbo ng Fire Country ay paalis na upang magbalik sa Imperial Court, ang

mamamayan ng Qi Kingdom ay lumabas upang masdan ang kanilang pag-alis. Hindi iyon

maginhawa para kay Mo Qian Yuan bilang Emperor na magpakita doon kaya siya ay nanatili

lamang na nakatayo sa labas ng bulwagan ng Imperial Palace at masdan ang direksyon na

tinahak ng hukbo. Alam niya na aalis siya kasama nila at walang nakakaalam kung gaano

katagal bago niya ito makitang muli.

Isang lungkot ang bumadha sa mata ni Mo Qian Yuan at pakiramdam niya sa kaniyang dibdib

ay punong-puno ito, habang hindi mailarawan na lungkot ang bumalot sa kaniya.

Si Bai Yun Xian ay nakatayo sa kaniyang likuran, at minasdan ang mataas at nakatayong

diretso na likod ng binatang Emperor, at isang kakaibang emosyon ang lumukob sa kaniyang

puso.

Marami rin inilagak na tao si Jun Wu Xie sa Qi Kingdom at bukod kay Mu Chen at Mu Qian Fan,

naroon din si Bai Yun Xian at Yin Yan.

Sa nakaraang taon, si Bai Yu ay naging tunay at tapat dahil sa lason na ipinakain ni Jun Wu Xie

sa kaniyang katawan, at nagawa rin nitong gamitin ang kaalaman sa panggagamot upang

maging isang Chief Imperial Physicians ng Imperial Medical Institution ng Qi Kingdom.

Bagama't hindi na siya ang dating tao noong siya ay nasa Qing Yun Clan pa, ngayon ay

nakakaranas na siya ng panibagong uri ng buhay.

Sa una ay inakala niya, na sa lahat ng masasamang gawain na nagawa niya, kahit nais ni Jun

Wu Xie na gamitin ang kaalaman sa panggagamot, si Mo Qian Yuan ay siguradong hindi siya

nito pakikitunguhan ng mabuti.

Ngunit nadiskubre niya na ang kaniyang mga galaw ay hindi pinigilan sa anumang paraan at

kahit ang mga mamamayan at ibang Imperial Physician ay hindi alam ang katotohanan tungkol

doon at ginamot siya at naging magiliw sa kaniya. Dahil sa pagkawala ng posisyon bilang isang

direktang disipulo ng Qing Yun Clan's Sovereign, ay nawala rin ang korona na nakasuot sa

kaniyang ulo sa nakaraan, ngunit nahanap niya ang isang uri ng kapayapaan sa kaniyang puso.

Sa Imperial City ng Qi Kingdom, walang detalyadong sabuwatan o plano para sa posisyon, at

walang panunupil o paghahambing sa bawat isa. Ang lugar ay napakapayapa at tahimik at

nagbigay iyon sa kaniya ng pakiramdam na ibang-iba sa nakaraang buhay niya sa nakalipas na

sampung taon bago nito.

"Your Majesty, ang hangin ay lumalamig na."Saad ni Bai Yun Xian habang minamasdan ang

malungkot na likod ni Mo Qian Yuan, ibinaba ang mata upang paalalahanan ito.

Nagambala na itinaas ni Mo Qian Yuan ang kaniyang ulo at minasdan ang hapon na kaulapan.

Napakaliwanag niyon, halos nakakbulag, ngunit sa hindi malaman na dahilan, ay hindi siya

nakaramdam maski kaunting bakas ng init.

"Tama, ang hangin ay lumalamig na."

Silang dalawa ay nagkakalayo na. Parang lamig mula sa hangin na umiihip sa taglamig, kahit

gaano kaliwanag ang sikat ng araw, ay hindi nito maaalis ang lamig na iyon.

avataravatar
Next chapter