420 Ang Galit ni Gu Li Sheng (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pag alis sa gubat na kawayan, nagpunta si Fan Jin sa pakultad ng mga Spirit Healer. Sa harap ni Fan Zhuo at Jun Wu Xie, mukha siyang walang pinoproblema, ngunit hindi siya mapakali sa mga nangyari sa bulwagan.

Paano pinaalis si Jun Xie sa pakultad ng mga Spirit Healer?

At sino si Li Zi Mu?

Sa pakultad ng mga Spirit Healer, binabantayan ni Gu Li Sheng ang pagsasanay ng kanyang mga disipulo nang buksan ang pinto ng kanyang opisina. Nagulat siya bago tumingin kay Fan Jin na naghahabol ng hininga sa kanyang pinto, at siya'y napangiti.

"Ano ang nagdala sa'yo dito para hanapin ako ngayon?"

Pumasok si Fan Jin sa opisina, sinarado ang pinto, at agad na tinanong: "Tungkol kay Jun Xie. Ano ba talaga ang nangyari? Saan nanggaling si Li Zi Mu? Tito, nagkamali ka ba dito?"

Habang papunta siya dito, kinumpara niya si Li Zi Mu at si Jun Xie ng daan-daang beses. Kahit paano niya tignan, ang duwag na Li Zi Mu ay nakapasok lang dahil sa kanyang maayos na ring spirit. Ang mahinang iyon ay walang likas na talento na masasabo, kaya paano niya napaalis si Jun Xie mula sa pakultad at nakuha ang kanyang pwesto?

Nagulat si Gu Li Sheng. Hindi niya inakalang pupuntahan siya ni Fan Jin patungkol dito.

"Nagkamali nga ako, hindi ba't sinabi ko na?" Tinanong ni Gu i Sheng.

"Tito, ano ba ang mayroon si Li Zi Mu? Kung wala ka talagang balak na tanggapin si Jun Xie sa simula palang, bakit mo siya pinaasa? Alam mo ba kung ano ang pangaabusong ginagawa ng ibang disipulo sa kanya ngayon?" Rinerespeto ni Fan Jin si Gu Lis Heng at gusto ang nakatatandang ito na hindi nagkukunwary. Ngunit ngayong tungkol kay Jun Xie, nagkulang si Gu Li Sheng sa pagiisip tungkol sa lagay ng mga taong nadamay.

Para kay Gu Li Sheng, pwede itong makita na kaunting parusa lamang, ngunit para sa disipulong natanggap lang, isa itong sakuna.

Kung hindi niya sila nakita ngayon, hindi niya alam kung gaano kalala ang lagay ng mga binatang kasama ni Li Zi Mu na nanggulo kay Jun Xie.

Nang marinig ang tono ng boses ni Fan Jin, naguluhan si Gu Li Sheng.

"Ano ang sinasabi mo? Minura at pinagalitan? Ano ang nangyayari?" Naramdaman niyang mayroon pa siyang dapat malaman sa mga narinig niya kay Fan Jin at nagmadali sa pagtatanong.

"Ano pa ba? Ang minamahal na tinanggap mong bagong disipulo, si Li Zi Mu, na nagdala ng mga kasama niya para pahirapan si Jun Xie. Pinagbintangan si Jun Xie na inagaw ang kanyang pwesto sa iyong pakultad, at na hindi mo talaga nagustuhan si Jun Xie. Si Jun Xie daw ang tumakbo sa'yo sa sarili niya at pinaalis mo mismo." Sinabi ni Fan Jin, medyo nahihiya.

Namutla si Gu Li SHeng. "Kabalastugan! Kailan ko iyon sinabi?!"

Hindi nagustuhan si Jun Xie? Paano niya maiiwasan ang isang pagpapala?!

Minataan niya ang batang iyon pagkakita palang sa kanya. At kilala siya na may magandang mata para sa talento. Naintindihan ni Jun Xie ang lahat patungkol sa kanyang pamamaraan sa Spirit Healing sa loob ng maikling oras at nakita agad ang mga pagkukulang dito. Subalit, iyon rin ang dahilan kung bakit natakot si Gu Li Sheng na sasayangin lang niya ang oras niya sa kanyang pakultad at hinayaan siyang magsanay at palakasin ang kanyang ring spirit sa pakultad ng Beast Spirit habang nagaaral sa kung paano aayusin ang pamamaraang ng Spirit Healing.

Makakatulong iyon sa paghahanap ni Jun Xie ng karagdagang kaalaman at malalayo siya sa mga magnanakaw habang ang pamamaraan ay inaaral at inaayos.

Ngunit ang kanyang pagsasaalang-alang sa bata ay bumaligtad at hindi niya iyon inasahan.

Naramdaman ni Fan Jin na may mali pagkatapos makita ang ekspresyon ni Gu Li Sheng at pinilit ang sarili niya para huminahon at sinabi ang bawat detalye ng nangyari sa bulwagan kanina.

Sumabog ang galit sa loob ni Gu Li Sheng pagkatapos marinig ang sinabi ni Fan Jin!

"Iyon mismo ang sinabi ni Li Zi Mi?" Nangitim ang kanyang mukha at bumaba ang kanyang boses.

Tumango si Fan Jin.

May kidlat sa mukha ni Gu Li Sheng.

avataravatar
Next chapter