714 Ang Galaw Ko (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos marinig ang sinabi ni Ning Rui, ay hinanap ni Gu Ying si Jun Xie sa karamihan ng tao.

Ngunit siya ay natigilan dahil nakaalis na lahat ng disipulo ng Zephyr Academy, ngunit hindi pa

rin niya makita si Jun Xie kahit saan!

Gulat na gulat si Gu Ying at bigla ay para siyang isang kidlat habang hinahanap sa bawat sulok

ng Zephyr Academy ngunit hindi niya makita si Jun Xie kahit saan!

Paanong nangyari iyon! ?

Isang banta ang unti-unting naramdaman ni Gu Ying sa kaniyang puso. Mabilis siyang nagtungo

sa departamento ng Spirit Healer. Ngunit ng makarating siya doon, nalaman niya na ang buong

departamento ay wala ng tao.

Si Gu Li Sheng at lahat ng disipulo ay nawala ng walang iniwang bakas at ang departamento ng

Spirit Healer ay nagmukhang abandonadong lugar.

[Boom!]

Pakiramdam ni Gu Ying ay sasabog ang utak niya habang iniisip niya ang mga naging kilos ni

Jun Xie nitong nakaraang dalawang araw. Wala siyang nakita na kakaiba sa mga araw-araw na

ginagawa nito, bukod lamang sa dalawang insidente na kaduda-duda. Iyong ang mga

pribadong pagkikita sa pagitan ni Jun Xie at Gu Li Sheng...

Dalawang beses nakipagkita si Jun Xie kay Gu Li Sheng ng nakaraang dalawang araw at kung

susumahin iyon, ang pagkikita nila ay hindi aabot ng isang oras. Madalas ay binabantayan ni

Gu Ying si Jun Xie, pinapanood niya na parang isang lawin kaya hindi niya inaasahan na

mayroong kakaibang mangyayari.

Ngunit ngayon, si Wen Xin Han ay tila nawala sa kaniyang sarili at hindi napansin ni Gu Ying

iyon kanina, ngunit ang lahat ay sumilid na ngayon sa kaniyang isip habang isa-isa niyang

pinagsasama-sama ang mga naging kilos ni Jun Xie matapos nito magbalik at nabuo niya ang

isang kagulat-gulat na kaganapan!

Ang kakaibang kilos ni Wen Xin Han ay nangyari lamang pagbalik ni Jun Xie!

Isang nakakatakot na pag-iisip ang biglang pumasok sa kaniyang utak.

Ang pagkawala ni Ah Jing, ang kakaibang kilos ni Wen Xin Han, ang biglaang pagkawala ng

lahat sa departamento ng Spirit Healer... Lahat ng iyon ay maaring may kinalaman si Jun Xie!

"Jun Xie! Minaliit ko ang kakayahan mo!" galit na galit ang mukha ni Gu Ying, nangigigil ang

kaniyang mga panga habang nakatitig sa malawak at bakanteng departamento ng Spirit

Healer.

Hindi niya kailanman naisip na ang maliit na pagkakamaling iyon kay Jun Xie ay madudulot ng

kalamidad!

Galit na galit na nagtungo si Gu Ying sa opisina ni Ning Rui, sinipa niya ang pintuan. Kinuha niya

sa kuwelyo ang nagtatakang si Ning Rui at mapanganib na sinabi: "Lipulin mo agad lahat ng

disipulo ng Zephyr Academy at dalhin mo sila sa Heavne's End Cliff!"

Biglang natakot si Ning Rui ng makita ang nakakamatay na sulyap ni Gu Ying, ang mata ay

namumula, parang nagdudugo.

"Ano… Anong nangyari…"

"Pinaglaruan tayo ni Jun Xie. Ang pagsagip ni Wen Xin Han kay Fan Jin ay maaaring may

kinalaman sa kaniya." sagot ni Gu Ying sa naniningkit na mata, galit na galit.

"Paano nangyari iyon... hindi kilala ni Jun Xie si Wen Xin Han... At bukod dito, hindi ba parati

mong kasamai si Jun Xie? Paano siya nagkaroong ng pagkakataon na makausap si Wen Xin

Han?" napalunok si Ning Rui nang tapunan siya ni Gu Ying ng nakamamatay na sulyap.

"Maaaring wala siyang pagkakataon na makausap si Wen Xin Han, ngunit si Gu Li Sheng ay

mayroon!" naisip ni Gu Ying ang pagkakataon na nakipagkita si Jun Xie kay Gu Li Sheng, nang

inakay siya ni Jun Xie palayo sa departamento ng Spirit Healer, ginamit na dahilan ang

pagtuturo sa kaniya ng Spirit Healing, upang mailayo ito, na pumigil sa kaniya na malaman ang

kilos ni Gu Li Sheng.

Sinikap ni Jun Wu Xie na maging tahimik ang plano niya, naisakatuparan iyon ng walang

nakakaalam. Bago ito sumambulat sa mukha ng kalaban, wala sinuman ang nakaalam kung

ano ang tunay na plano.

Natalo ngayon si Gu Ying. Natalo siya dahil sa kawalang-ingat niya at masyado siyang naging

kampante at sigurado sa akniyang sarili.

Dahil sa pagkawala ni Jun Xie at Gu Li Sheng ang plano ni Gu Ying kung bakit siya nagpunta sa

Zephyr Academy ay tuluyang nawala. Sa ngayon, walang ibang pagpipilian si Gu Ying kundi

itulak ang mga disipulo ng Zephyr Academy pababa sa Heaven's End Cliff sa lalong madaling

panahon upang mapigilan ang mga aksidente na maaari pang mangyari!

"Wala na si Wen Xin Han, at ngayon ay pwede mo na sabihin iyon sa Zephyr Academy. Sa loob

ng tatlong araw, gusto ko na ang lahat ng mag-aaral ng Zephyr Academy na umalis dito!"

punong-puno ng galit si Gu Ying dahil sa naging kapabayaan niya.

avataravatar
Next chapter