1173 Alyansa (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Your Majesty mula sa Fire Country." bati ni Jun Qing.

Nilabanan ni Jun Wu Xie ang sarili upang panatilihin ang kaniyang kahinahunan at nilingon si

Jun Qing, bakas sa mata niya ang pagtataka.

Sinubukan ni Jun Qing na hindi tumawa ng malakas at sinabi: "Ako ay nagtataka kung ano ang

nais sabihin ng Your Majesty mula sa Fire Country ng alyansa?"

Ang tanong na iyon ni Jun Qing ay nagdulot ng kaba sa lahat. Matatandaan na sa labas ng

siyudad ay mayroong isang milyong leon na nagmula sa Fire Country at nasaksihan nila sa

kanilang mga sarili kung gaano kabagsik ang kaakit-akit na lalaking nakatayo sa likod ni Jun Xie.

Ang mga tinuran ni Jun Xie kania lamang ay halatang nais nito na kunin ang Qi Kingdom ngunit

si Jun Qing ay nagpumilit pa rin na itanong ang ganoong uri ng tanong, at iyon ay nagdulot ng

malamig na pawis sa lahat para kay Jun Qing.

Nang masakop sila ng apat na magkakaanib na bansa, ang mamamayan ng Qi Kingdom ay

pagod na ang katawan at isip at ang hukbo ng Qi Kingdom ay hindi magagawa na kalabanin

ang hukbo ng Fire Country sa puntong iyon.

Ang tanging nakita lamang nila ay ang pagtaas ng kilay ni Jun Xie, at ang puso ng lahat ay

nanginig, ang tumatakbo sa isip nilang lahat ay: "Naku hindi." at sa katunayan, ang ilan sa

kawal ng Qi Kingdom ay kinakabahan na dinadampot ang kanilang mga armas na kalalapag

lamang nila. Ngunit ang mga kawal ng Rui Lin Army ay mga kalmado at mahinahon ang mga

histura, bakas sa kanilang mga mata ang paghamak habang minamasdan ang grupo ng mga

kinakabahang tao.

"Ano ang eksaktong ibig mong sabihin." Hindi maintindihan ni Jun Wu Xie kung bakit ang

kaniyang tiyuhin ay magtatanong ng ganoon. Hindi ba ang ibig ng isang alyansa ay alyansa?

Nakaramdam si Jun Qing nang kawalang magawa sa kaniyang puso. Inisip niya na makakakuha

si Jun Wu Xie ng mga taktika ngunit sa kaniyang nakikita, iyon ay suntok sa buwan. Ang

munting batang ito ay hindi pa rin alintana kung anong klaseng takot ang dala ng kaniyang

mga salita sa mga taong naroon.

"Ang mapagpakumbabang taong ito ay nagtatanong lamang… ang alyansa, ito ba ay bubuuin

ng dalawang magkaibang bansa, o ng Fire Country ang maghaharing pinakamataas?"

pakiramdam ni Jun Qing ang kaniyang mga salita ay hindi dapat ganoon kadirekta tulad ng

kaniyang pagkakasabi.

Sa tanong na iyon ni Jun Qing, ay mas lalong nakadama ng takot ang mamamayan ng Qi

Kingdom.

Ang Emperor ng Fire Country ay malinaw na iyong sinabi, bakit mapilit pa rin si Lord Jun?

Mabuti na lamang at sa wakas ay naintindihan ni Jun Wu Xie ang pahiwatig na binibigay sa

kaniya ng kaniyang tiyuhin. ibinaling niya ang kaniyang mga mata upang masdan ang

mamamayan na halatang naninigas at kinakabahan, at inilipat ang tingin sa mga kawal na muli

ay dinampot ang kanilang mga armas, bago niya napagtanto na ang mga sinabi niya kanina

marahil ay nagbigay sa lahat ng matinding takot.

Sabagay, ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bansa, ay hindi na mangangailangan pa ng

isang alyansa. Kung tatanungin kung aling mga bansa ang makakatalo sa Qi Kingdom na gamit

lamang ang sarili nilang lakas, walang iba iyon kungdi ang Fire Country. Higit pa roon, ang

kasalukuyang sitwasyon ng Qi Kingdom ay hindi maganda, ang pagbanggit ng isang alyansa sa

puntong iyon ay mainam na sabihin na tila nilalamon sila.

Maya-maya ay nilinaw ni Jun Wu Xie ang kaniyang lalamuna at sinabi: "Iyon ay natural na

magiging dalawang magkaibang kapangyarihan. Ang Fire Country ay mananatiling Fire Country

at ang Qi Kingdom ay mananatiling Qi Kingdom. Ang dalawang bansa ay napakalayo sa isa't isa

at bagama't hindi iyon ganoon kaginhawa, ay maaari pa rin naman nating mabantayan ang

bawat isa."

Nang masambit ang mga salitang iyon, ang lahat sa loob ng Imperial City ay nanlaki ang mga

mata at bakas sa mukha na hindi makapaniwala.

[Ang Fire Country ay makikipag-anib lamang sa kanila? Hindi sila sasakupin?]

Hindi maiwasan magsuspetsa ng isang tao na ito ay nananaginip at sinampal niya ang kaniyang

mukha. Ang mahapdi at mainit na sakit ay nagpatunay na lahat ng mga nangyayari ay…

talagang totoo!

Ang sulok ng mga labi ni Jun Qing ay bahagyang napangisi habang sinusubukan na ayusin ang

kaniyang ngiti at nalulugod na tumango siya bago siya maayos na umalis at nagtungo sa isang

tabi.

Maya-maya ay nabawi ni Mo Qian Yuan ang kaniyang diwa. Malinaw na hindi niya gaanong

kilala si Jun Wu Xie tulad ng pagkakakilala ni Jun Qing at ng kaniyang marinig ang mga sinabi ni

Jun Wu Xie kanina, tulad ng iba ay hindi rin niya ito naintindihan.

"Ang pagpapakita ng kabutihan ng Kamahalan ng Fire Country ay nagpaluha sa Qi Kingdom.

Kung balewala iyon sa Fire Country, kung gayon ang Qi Kingdom ay handang makipaghawak-

kamay sa Fire Country sa ilalim ng Heavens na ito!" bulalas ni Mo Qian Yuan.

Tumango si Jun Wu Xie.

Sa pagsagot na iyon ni Jun Wu Xie, ay nakahinga ng maluwag ang mga mamamayan ng

Imperial City ng Qi Kingdom, inisip nila na nagawa nilang ibaba ang kanilang mga isip at

sinukat ang isang ginoo sa kanilang mga puso, sila ay nakaramdam ng matinding kahihiyan

habang minamasdan si Jun Xie.

Nang makita ang reaksyon ng mga tao, ang mga kawal ng Rui Lin Army ay sumimanot sa

kanila.

[Bakit nanaisin ng kanilang Young Miss na sakupin ang Qi Kingdom?]

avataravatar
Next chapter