1172 Alyansa (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabuti na lamang at mabilis nilang napansin na ang hukbo ay mayroong nakataas na bandila

ng Fire Country, at silang lahat ay nakahinga ng maluwag.

Nang makarating ang hukbo ng Fire Country sa tarangkahan ng Imperial City ng Qi Kingdom ay

tumigil sila sa labas at inutusan ni Lei Chen ang mga kawal na gumawa ng kampo upang sila'y

makapagpahinga, at mariing ibinilin na hindi sila maaaring tumapak sa loob ng Imperial City ng

Qi Kingdom ng walang pahintulot.

Matapos ang ilang ulit na pagdurusa mula sa paglusob ng mga mananakop, anumang

bahagyang pagkilos mula sa hukbo ay nagpapakaba sa mga tao ng Qi Kingdom, at inalala ni Lei

Chen na iwasang mangyari ang mga hindi inaasahang kaganapan.

Si Jun Wu Xie at isang maliit na grupo nila ay nagtungo sa loob ng Imperial City ng Qi Kingdom.

Sa bawat sulok ng Imperial City, ay puno ng kawal ng Qi Kingdom at mamamayan. Hindi sila

humawan agad at sa halip ay tumayo sa palibot ng tarangkahan ng Imperial City upang

masdan si Jun Xie na sumagip s akanilang lahat.

Nakatayo sa pinakaharap ng mga tao si Mo Qian Yuan habang sinisilip ang mga hindi kilalang

mukha. Kahit na nagbago ang hitsura ay hindi siya kailanaman magkakamali sa pares ng

malamig na matang iyon na tila tubig sa taglagas para sa ibang tao at magagawa ba niyang

kalimutan ang black beast na minsan nang ginamit ni Jun Wu Xie upang takutin siya.

[Paano siyang naging Emperor ng Fire Country?]

Napuno ng kaguluhan at pagkalito ang puso ni Mo Qian Yuan ngunit gayunpaman, siya ang

nagligtas sa Qi Kingdom ngayon.

Anumang katanungan ang kaniyang itanong ay hindi nito iyon mababago ang katotohanan.

Naglakad paharap si Mo Qian Yuan upang salubungin si Jun Wu Xie at sa mata ng lahat, ay

kumatawan sa lahat ng nasa Qi Kingdom, itinakip niya ang isang kamay sa ibabaw ngkaniyang

kamao at yumuko, upang sabihin sa malakas at malinaw na boses: "Sa pagkakataong ito, kami

ay lubos na nagpapasalamat sa tulong na iginawad ng Fire Country sa amin. Ang inyong lubos

na kagandahang-loob at kabaitan ay aalalahanin ng bawat isang tao ng Qi Kingdom."

Noon, siya ay isang Crown Prince na dapat ay itatakwil na, at ito naman ay isang napabayaang

Young Miss na puno ng kahihiyan kung tingnan ng mga tao.

Ngayon, siya ay itinulak nito upang itaas sa trono habang ito naman ay naging pinuno ng

pinakamalakas na bansa sa buong kalupaan.

Isang maiksing taon lamang, at ang ganoong katinding pagbabago ay lubos na nakaapekto sa

isang tao.

Kalmadong nakatitig si Jun Wu Xie kay Mo QIan Yuan. Sa sandaling iyon, hindi siya ang Young

Miss ng Lin Palace sa Qi Kingdom na si Jun Wu Xie, sa halip ay ang bagong Emperor ng Fire

Country, si Jun Xie. Sa sandaling tinanggap niya ang kahilingan ni Lei Chen at pinamunuan ang

hukbo upang magtungo at sagipin ang Qi Kingdom, ibig sabihin lamang niyon ay kailangan

niyang pansamantalang bitawan ang kaniyang pagkakakilanlan bilang Jun Wu Xie ng ilang

panahon.

Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay wala sa loob na napalingon bahagya sa isang sulok, kung saan

nakatayo si Jun Xian at Jun Qing, bakas sa mukha ang matinding kalituhan. Ang mga iyon ay

miyembro ng kaniyang pamilya na nagbigay sa kaniya ng mainit na pagtanggap ng siya ay

isilang muli, at ang pinakaimportanteng tao para sa kaniya sa buong mundo.

Nahiwalay ng isang buong taon, at ramdam niya ang matinding pangungulila niya sa mga ito.

At ngayon na nagkita sila, hindi niya magawang tumakbo sa yakap ng mga ito at tawagin ang

kaniyang Grandfather, at Uncle…

Pakiramdam ni Jun Wu Xie ay tila may isang napakatalim na piraso ng bato na bumara sa

kaniyang puso, humiwa sa kaniya ng napakasakit, sobrang sakit at pakiramdam niya ang sakit

ay walang tigil sa pagpintig.

[Hindi maaaring kilalanin…]

Kung para sa Fire Country, o dahil sa Twelve Palaces, hindi niya magagawa na bumalik sa

kaniyang pagkakakilanlan bilang Jun Wu Xie.

[Maghintay ka pa ng ilang sandali!]

[Ilang sandali na lang!]

Ibinalik ni Jun Wu Xie ang kaniyang paningin, matinding pinigilan ang daluyong ng emosyon na

nasa loob ng kaniyang dibdib, at kalmadong tumingin kay Mo Qian Yuan.

"Hindi na kailangan ang pagpapasalamat. Ang nangyari ngayon dito isang katapan mula sa Fire

Country at humingi ng isang alyansa sa Qi Kingdom." saad ni Jun Wu Xie.

Nalilitong itinaas ni Mo Qian Yuan ang kaniyang ulo.

Samantala, ang mga sinabi ni Jun Wu Xie ay nakakuha ng sunod-sunod na bulung-bulungan na

kumalat sa pagkat.

Ang Fire Country ang pinakamalaki at pinakamalkaas na bansa sa buong kalupaan at ang Qi

Kingdom ay isang hamak na munting lugar lamang. Ang Qi Kingdom ay katataps lamang

dumanas ng isang malaking dagok at upang magawang manumbalik ang kanilang lakas, ay

mangangailangan iyon ng mahabang panahon. Para sa malakas na Fire Country na

magmukgkahi ng isang alyansa sa puntong iyon, sa pandinig ng lahat ng nasa Qi Kingdom ay

isa lamang ang ibig sabihin niyon… Pagsakop!

Sa laki ng Fire Country, bakit nila kailangan bumuo ng alyansa sa isang munting kaharian na

ngayon ay matinding nakikibaka sa katatapos lamang na giyera?

Wala sa kanila ang nag-akala na pagkatapos paalisin ang mga gutom na gutom na lobo, ay

agad silang haharap sa isang mabangis na tigre.

Ang mamamayan na halos kakalaya lamang sa walang pag-asang desperasyon ay

naramdaman sa kanilang mga sarili na tila pumasok sila sa isang bahay na gawa sa yelo.

Nakatayo sa gitna ng karamihan, tiningnan ni Jun Qing ang munti niyang pamangkin na

nakatayo sa kaniyang harapan at sa kaniyang puso, hindi niya maiwasang mapangisi sa

kaniyang sarili. Ang munting dalagita nila, hanggang ngayon ay hindi pa ring natutunang

magsalita. Bigla ay humakbang siya ng malaki paharap!

avataravatar
Next chapter