361 Ako ang may Gawa. Ano Ngayon? (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nanghihina na ang bata para gumawa pa ng ingay at ang iba namang kasamaan nito ay hindi pa nakakabawi sa pagkagulat.

Maging sila Qiao Chu at kasama nito ay nagulat din sa pangyayari.

Napakabrutal ng atakeng iyon!

Una namang nakabawi si Rong Ruo at bumulong kay Qiao Chu: "Hindi natin pwedeng hayaan si Jun Wu Xie na galawin pa iyan, mahirap ang magiging kapalit noon."

Napagtanto naman ni Qiao Chu ang nais ipabatid ni Rong Ruo kung kaya't agad itong pumagitna kila Jun Wu Xie. "Little Xie, tama na yan." Malamlam ang mga mata ni Qiao Chu nang kaniyang tignan si Jun Wu Xie. Alam niyang pinoprotektahan lang ni Jun Wu Xie silang apat

Hindi sila makalaban, kung kaya't si Jun Wu Xie na ang gumawa noon para sa kanila.

Hindi niya mahanap ang mga tamang salita sa oras na iyon at ang kaniyang emosyong ay nagwawala sa kaniyang kalooban.

Nakakuyom pa rin ang mga kamo ni Jun Wu Xie at pumapalibot pa rin ang orange na liwanag sa katawan nito. Ang kamao nito ay duguan nang tapunan nito ng tingin si Qiao Chu. Ilang sandali pa nitong hinawakan ang lalaki bago niya ito tuluyang binitawan at sumalampak sa lupa. Nilingon nito ang mga nahihintakutan pang mga bata sa paligid nito at simpleng sinabi: "Alis."

Agad namang inalalayan ng grupo ang kanilang lider at tumakbong nakabahag ang mga buntot.

Wala sa mga ito ang nag-aakalang ang mga duwag na taga-East Wing na kailanman ay hindi pumalag sa kanila, ngayon ay may dalang payat at maliit na tao at nagpapamalas ng kalakasan. Inatake sila ng payat na iyon at hindi man lang sila binigyan ng pagkakataong makapagsalita.

Napasinghot naman si Qiao Chu at pinigilan ang kaniyang emosyon. Walang sabi-sabin inangat nito ang kamay ni Jun Wu Xie at pinunasan ang dugo doon gamit ang damit nito.

"Bakit mo sila nilabanan? Dinumihan tuloy nila ang kamay mo."

"Naramdaman ko lang na kailangan." Kalmadong sagot ni Jun Wu Xie. Naglaho na sa mga mata nito ang galit.

Muling Napasinghot si Qiao Chu at hindi na nagsalita pa. Matapos niyang punasan ang kamay ni Jun Wu Xie, tiningala nito si Jun Wu Xie ngunit hindi nagsalita. Napakamot lang ito sa kaniyang ulo.

Tumalikod naman si Jun Wu Xie at lumapit kaay Rong Ruo at inabot dito ang panyo.

Bahagyang natigilan si Rong Ruo noon, ngunit tinanggap naman ang panyo at agad na pinunasan ang dura sa mukha nito.

"Ang sarap sa pakiramdam." Bitbit ni Hua Yao ang itim na pusa at binigay ito kay Jun Wu Xie nang siya ay makalapit.

Kinarga naman ni Jun Wu Xie ang itim na pusa at nagbaba ng tingin. Kalmado na ang mga matang iyon. Ibang-iba sa itsura ng kanina, brutal at handa ng pumatay.

"Pupusta ako, kung hindi umawat si Qiao Chu kanina, baka patay na ngayon si Liu Chan." Bulong ni Fei Yan kay Rong Ruo.

Maliit at payat ang pangangatawan ni Jun Wu Xie at hindi ito gaanong nagsasalita. Ngunit kakaiba ang ugali nito. Ang kamao nito ang nakikipag-usap, simple at diretso.

Matamang tinignan ni Rong Ruo si Jun Wu Xie, nabubuo ang isang ngiti sa kaniyang mga labi.

Si Jun Wu Xie ay...mabait.

"Whoa! Ano nanamang ginawa niyong mga bata kayo!?"Si Yan Bu Gui na iniwan sila kanina lang ay napabalik nang marinig ang ingay. Nang makita niya si Jun Wu Xie na nakatayo sa gitna ng kaniyang apat na disipulo ay napatigil siya sa paglalakad. Ngunit hindi nakatakas ang amoy ng dugo. Inikot niya ang kaniyang paningin at nakita niya ang nagkalat na dugo sa may looban.

"Teacher, nagdala nanaman dito ng mga tao galing South Wing si Liu Chan." Nanigas si Qiao Chu nang kaniyang makita si Yan Bu Gui kaya naman nasabi siya ng totoo.

Bahagyang sumimangot si Yan Bu Gui. Ngunit ang mukha nito ay natatakpan ng bigote at balbas kung kaya't hindi napansin iyon ng lima.

"Lumaban kayo?" Malamig na tanong ni Yan Bu Gui.

Bumuka naman ang bibig ni Qiao Chu at natigil. Yumuko ito at mahinang sinabi: "Masyado naa silang masama kay Rong Ruo kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili."

Inako ni Qiao Chu ang responsibilidad.

Nanigas naman ang ekspresyon sa mukha ni Yan Bu Gui at nagliwanag ang kamay nito. Tumama iyon sa dibdib ni Qiao Chu dahilan para siya ay tumilapon.

"Ilang beses ko kayong pinagsabihan! Huwag kayong mananakit ng kapwab niyo disipulo sa Phoenix Academy! Pinapasok niyo ba sa isipan niyo ang mga sinasabi ko!?"

avataravatar
Next chapter