360 Ako ang may Gawa. Ano Ngayon? (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagtatagis naman ang mga bagang nina Qiao Chu at ng mga kasama nito. Nakakuyom ang mga kamay nito at tahimik lang.

Sila ay ilang beses nang sinumpa at pinagsalitaan ng masama simula pa noon, at wala silang magawa kundi manahimik at tanggapin ang ibinabato sa kanila.

"Pakiusap, bigayan niyo kami ng ilang araw pa." Sa wakas ay pakiusap ni Rong Ruo.

Sinong mag-aakala na luluraan ng lider ng grupo ang mukha ni Rong Ruo! "Kahit na bigyan pa namin kayo ng ilang buwan, hindi niyo pa rin magagawang makalikom ng perang maipangbabayad! Umalis na kayo sa Phoenix Academy! Hindi namin kailangan ng pulubing katulad niyo!

Sa oras na iyon ay nagbago ang ekspresyon sa mukha ng apat. Humakbang palapit si Qiao Chu at hindi na maitago dito ang galit na nararamdaman. Subalit hinawakan ito ni Rong Ruo sa braso at umiling ito kay Qiao Chu.

"Oh? Ano iyon? Gusto mo akong saktan hindi ba?" Nanghahamong nakatitig ang bata kay Qiao Chu.

Naisip nitong ilang beses nang sinubukan ni Qiao Chu iyon ngunit sa lahat ng pagkakataong iyon, ang mga pulubi ng East Wing ay hindi nagawang lumabas sa kanila.

Mahigpit na nakakuyom ang kamao ni Qiao Chu at dumudugo na ang palad nito. Kung hindi dahil sa utos ni Yan Bu Gui, binasag na niya ang nangungutyang mukhang iyon.

Aha! Bago pa magsaya ang lider ng grupo, isang malakas na suntok na ang tumama sa mukha nito dahilan para lumipad ito sa ere!

Nabaling ang tingin ng lahat sa taong sumuntok.

Hawak ni Jun Wu Xie ang itim na pusa sa isang kamay at ang isang kamay ay nakaangat pa sa ere. Ang mukha nito ay walang bakas ng kahit anong emosyon, ngunit ang mga mata nito ay nagpapakita na parang gusto nitong pumatay!

"Little Xie..." Agad na naglaho ang galit ni Qiao Chu at walang masabing nakatitig kay Jun Xie Halo-halo ang nadarama nito.

Ang batang lalaking tumilapon sa kung saan ay tinulungan ng mga kasamahan nito. Itinayo siya ng mga iyon habang hawak ang namamagang mukha. Galit n galit itong tumingin kay Jun Wu Xie.

"Nangahas ang pulubing isang katulad mo na suntukin ako!? Ayaw mo na yatang mabuhay! Lahat kayo! Pabagsakin niyo iyan!" Sigaw ng lider at agad namang tumalon papunta kay Jun Wu Xie ang mga kasama nito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie at inabot ang itim na pusa kay Hua Yao. Ang kaniyang katawan ay biglang nagliwanag ng kulay orange at sinalubong ang mga bata!

Ang mga batang mas malalaki ay inakalang madali lang sa kanila ang patumbahin si Jun Wu Xie kaya hindi nagdalawang isip ang mga ito na labanan siya. Ngunit nang makita ng mga ito ang kulay orange na liwanan na pumapalibot kay Jun Wu Xie, bumakas ang gulat sa mga mata ng mga ito!

ANO?!

Ang batang ito ay orange leveled sprit?

Huli na ang lahat para sa kanila at tinamaan na sila ng orange na ilaw na galing kay Jun Wu Xie. Lahat sila ay natumba at napinsala ang buong katawan!

Halos isang kisapmata lang ang lumipas at ang mga aroganteng bata kanina ay nakahiga ngayon sa lupa at umiiyak at dumadaing. Nabura ang yabang at galit sa mukha ng lider at napalitan iyon ng takot ng makita nito ang papalapit na si Jun Wu Xie

"Ikaw...Anong gusto mo!? Ako...ako ang lider ng South Wing...Wag kang magkakamaling saktan ako kung hindi..."

'BAM!!'

Bago pa man matapos ng bata ang kaniyang sasabihin, sinuntok na itong muli ni Jun Wu Xie sa mukha nito, hinila niya ito sa kuwelyo at iniangat sa lupa!

Sumunod, bago pa man siya magmakaawa kay Jun Wu Xie, umiikot pa rin ang paningin nito sa dahil sa suntok at mahigpit na hawak ni Jun Wu Xie sa kuwelyo, muli siyang sinuntok ng maraming beses. Ang mukha niya ay putok na at puno ng dugo.

Hindi na nangahas na gumalaw pa ang ibang mga kasama nito. Gulat silang nanunuod sa ginagawa ni Jun Wu Xie.

Sobrang brutal!!!

Pigilan niyo siya! Kung hindi may mamatay na isa sa kanila!

avataravatar
Next chapter