317 317 Ang inaakalang maamong tupa (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Hidden Cloud Peak, nakatingin si Qiao Chu sa nakahigang disipulo ng Cloud Treading Peak na kaniyang pwersahang pinatulog.

"Tingin ko, kapag nakita ito ni Mu Chen, ang unang reaksyon non ay parusahan tayo gamit ang nagbabagang espada sa kamay nito at hindi...para umupo at makipag-usap ng maayos." Unang naisip ni Qiao Chu na may magandang ideya si Jun Xie ngunit sa kaniyang nakikita, iyon ay nauwi sa isang brutal na pagdakip ng lalaking nasa kaniyang harapan!

Ang sabi ay basta kumuha na lang ng disipulo pwersahang alisan ng malay. Anong klaseng plano iyon?!

Gusto nilang makipagtulungan kay Mu Chen at hindi ang gawin silang kaaway hindi ba?

"Kumalma kayo, dahil sa hawak nating disipulo niya, hindi siya magpapadalos-dalos." Umupo si Jun Wu Xie sa isang tabi at kalmado ng sumisimsim sa kaniyang tsaa.

Gustong maiyak ni Qiao Chu sa nangyari. Para siyang naging kriminal! Parang pinapakita ng kaniyang pagdakip kay Little Xie na ang pagkakaroon ng mabilis at metikulosong pag-iisip ay maaaring maging kriminal...

"Pwede mong sabihing hindi nga siya magpapadalos-dalos, ang tanong ay, makikipagtulungan kaya siya pagkatapos nito?" Walang sabi-sabing dinakip nila ang disipulo ni Mu Chen. Kahit na ang rason niyon ay para puntahan sila ni Mu Chen, mali at marahas pa rin ang pamamaraang kanilang ginamit.

"Oo basta pareho ang ating mga layunin." Kumpiyansang kumpiyansa si Jun Wu Xie.

Ilang sandali lang ang lumipas ay nakarinig sila ng mga sigaw sa bakuran at ang pintuan ay malakas na sinipa dahilan para mabuksan iyon. Iniluwa non ang galit na galit na si Mu Chen at masamang nakatingin kay "Ke Cang Ju". Sinulyapan nito ang katawan nakahiga sa lapag at sinuri kung may galos ba iyon. Nakahinga ito ng maluwag ng makita ng wala itong kahit na maliit na galos o pasa man lang.

"Ke Cang Ju ano talaga ang gusto mong mangyari? Pakawalan mo ang aking disipulo!" Sigaw ni Mu Chen ang ring spirit nito ay nagpalit anyo sa pagiging napakatalas na espada.

Hindi inaasahan ni Mu Chen na mananahimik lang si "Ke Cang Ju". Bagkus ay ang batang una niyang tinanggap na mapabilang sa Cloud Treading Peak ang sumagot sa kaniya.

"Elder Mu, nasa kamay namin ang iyong disipulo, kung ayaw mong may mangyaring masama sa kaniya, sumunod ka sa sasabihin namin." Naka-taas ang kilay ni Jun Wu Xie habang naghahamon itong nakatitig kay Mu Chen.

Halos mabulunan sa gulat si Qiao Chu. Kahit na ang mga salitang lumabas sa bibig ni Jun Wu Xie ay para itong beteranong tulisan!

Masama namang tumitig si Mu Chen kay Jun Wu Xie. Ang galit nito ay dahil sa wala itong magawa sa sitwasyon at nabibigo rin ito dahil sa napansin niyang biglang pagbabago kay Jun Wu Xie.

Nang una nitong makita ang batang ito, namangha si Mu Chen sa tamang pag-diagnose at sa iminungkahi nitong paggamot. Inaasahan nitong mapupunta si Jun Wu Xie sa Cloud Treading Peak bilang disipulo, ngunit madaya ang tadhana at sapilitan itong kinuha ni Ke Cang Ju.

Sa mga unang araw, nag-aalala siya para kay Jun Wu Xie. Natatakot siyang maghihirap ito sa kalupitan ni Ke Cang Ju. Ngunit hindi nagtagal, dinala ni Ke Cang Ju si Jun Wu Xie at ang isa pang disipulo nito para maglibot sa iba-ibang pangkat. Doon lamang ito tumigil na mag-alala. Maaaring malupit si Ke Cang Ju ngunit ang talento ng batang ito sa Medisina ay bihira at namumukod-tangi. Mabuti at nag-isip si Ke Cang Ju na huwag sayangin ang henyong sumali sa Qing Yun Clan.

Bagaman hindi inaakala ni Mu Chen na matapos matanggap si Jun Xie bilang disipulo ni Ke Cang Ju, nagawa nitong makuha ang tiwala nito. Nito lang ay parang nakuha na rin nito ang pag-uugali ni Ke Cang Ju at natutunan nang magbanta.

Ikinalungkot ni Mu Chen ang isiping iyon. Magaling ang bata sa Medisina ngunit tinuruan ito ni Ke Cang Ju na maging masama. Mas lalong lumalim ang kaniyang pagkakadisgusto kay Ku Cang Ju at itinangis ang "pagbabagong'' nangyari kay Jun Xie.

"Jun Xie, kilala mo ba talaga ang taong sinusunod mo? Demonyo si Ke Cang Ju! Ilan ang namatay sa Qing Yun Clan sa kamay nito!? Huwag kang sumunod sa yapak niya! Bata ka pa at malayo pa ang mararating mo!" Pangangaral ni Mu Chen. Naaalala niya ang impresyong iniwan ng batang ito ng una niya itong makita. Dahil na rin sa konsensiya niyang hindi niya nagawang iligtas si Jun Xie kay Ke Cang Ju hindi niya mapigilang hilahin ito sa bangin.

avataravatar
Next chapter