9 “Uninvited Guests (3)”

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

[Ang palalong 'yon!] Sigaw ng munting pusa sa isipan ni Jun Wu Xie.

Nakikipaglandian sa ibang babae, sa harapan pa ng kaniyang mapapangasawa!

Sa wakas, si Jun Wu Xie na nananatiling tahimik mula nung umpisa, ay nagsalita.

"Hindi na kinakailangan."

Sapat na ang pagdurusang dinanas niya sa kamay ng mga manggagamot ng mundong ito.

Napawi ang mga ngiti ni Mo Xuan Fei at ni Yun Xian nang marining ang hayagang pagtanggi ni Jun Wu Xie.

.

Hindi nasiyahan si Mo Xuan Fei at ipinahayag, "Si Yun Xian ay isang tunay na alagad ng Soberano ng Angkan ng Qing Yun.

Angkan ng Qing Yun?

Bahagyang napataas ng kilay si Jun Wu Xie, maging sa mukha ni Jun Qing ay makikita ang pagkagitla.

May ilang pangunahing kapangyarihan sa labas ng Kaharian ang Qi, at isa na rito ang kapangyarihang hawak ng Angkan ng Qing Yun. Sila ay tanyag sa buong kontinente at hindi mapag-aalinalanganan ang kanilang husay sa lanrangan ng medisina sa mga henerasyong nagdaan hanggang sa kasalukuyan.

Sa kanilang mahabang kasaysayan, ang bawat pangalan ng mga henyong nagmula sa Angkan ng Qing Yun ay may kaniya-kaniyang katanyagan na kayang yumanig sa buong kontinente. Ang pinkapipitagan sa lahat ay ang kanilang Soberano na may kakayahang maihahalintulad sa isang santo. Dahilan upang igalang siya ng mga bawat kaharian. Hindi masasabi kung ano ang maaaring kahantungan ng Kahariang ng Qi kung sakaling galitin nila ang Angkan ng Qing Yun.

Si Bai Yun Xian ay alagad ng Soberano, kung kaya't ang kaniyang katayuan sa angkan ay hindi maaring isantabi.

Matapos siyang ipakilala ni Mo Xuan Fei, itinaas ni Bai Yun Xian ang kaniyang mukha ng bahagya at malinaw na makikita sa kaniyang natatanging katangian.

"Sinikap kong ma-imbitahan si Yun Xian para rito. Bukod pa rito, walang contractual spirit si Wu Xie. Kung hindi siya tuluyang gumaling, anong mangyayari sa kaniya? Bagama't hindi kami nakalaan para sa isa't isa, ano pa man ang mangyari, bilang isang kakilala or kahit isang kaibigan, nararapat ko pa rin siyang tulungan." Ang pagpapahayag ni Wu Xuan Fei ng kaniyang tunay na pakay.

Umitim ang mukha ni Jun Qing na parang isang uling.

Noong una ay tinanggap ni Mo Xuan Fei si Jun Wu Xie bilang mapapangasawa dahil sa kapangyarihang military ng Palasyo ng Lin, ngunit ngayon, wala na itong takot dahil nakahanap ito ng isang mas malakas na suporta.

Maging ang kapangyarihang military nu Jun Xian, gaano man ito kalaki, ay hindi sapat upang makatunggali ang Angkan ng Qing Yun.

Malinaw ang layunin ni Mo Xuan Fei, ang mapawalang-bisa ang pakikipag-ugnayan nito sa kasal sa Tahanan ng Lin.

"Nangangahulugan ba ito na nais ng kamahalan na ipa-walang bias ang inyong napipintong pagpapakasal kay Wu Xie?" Namumuti ang mga kamay ni Jun Qing sa higpit ng pagakakahawak nito sa kaniyang upuan.

"Nakalulungkot man, bagaman at wala akong nararamdaman para kay Wu Xie, dahil sa kaniyang pagmamahal sa akin, sinubukan kong makisama at makita kung may uusbong na pagmamahal. Ngunit lumipas ang panahon, hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na 'yon sa kaniya, bukod pa rito, wala siyang contracted spirit. Hindi kami ang itinadhana para sa isa't isa." Patuloy na paliwanag ni Mo Xuan Fei.

Paano ko pakakasalan ang palalo at laki sa layaw na si Wu Xie na wala ni isang contractual spirit? Ano man ang mangyari, isa pa rin siyang Prinsipe ng isang bansa! Paano siya mag-aasawa ng isang basura at maging katatatwan ng lahat?

Walang pasubali sa anumang mararamdaman ni Jun Wu Xie at lubusan pa itong ipinahiya nang tahasan nitong ipamukha ang pagkahumaling ng dalaga sa kaniya at pagiging wala nitong kuwenta.

Ibinaling niyang lahat ng sisi sa dalaga habang siya ay nananatiling malinis.

Ang maputla nang mukha ni Jun Qing, tahimik na sinisisi ang sarili. Dahil sa kaniyang kalagayan, hindi niya maipagtanggol ang sariling pamangkin kahit inaapi na ito sa sarili nilang tahanan. Wala siyang magawa para sa mga taong mahalaga para sa kaniya.

Ganito na ba kalaki ang ibinagsak ng Tahanang ng Lin?

Hindi kayang makita ni Jun Qing ang mapanglaw na mukha ni Wu Xie. Batid niya kung gaano kahumaling ito kay Mo Xuan Fei. Paano niya ito makakayanan? Ang mapagmataas niyong pag-uugali, at ngayo'y dumaranas ng pangungutya mula sa lalaking kinahuhumalingan nito.

Gayunpaman, nabaghan ito sa kaniyang nakita.

Sa halip na ang inaakalang kasawian ang makita mula sa dalaga, ang kaniyang natunghayan ay malayo sa kaniyang inaasahan. Si Jun Wu Xie na tila walang pakialam sa nangyayari, ay tinitigan lang ang dalawa, si Mo Xuan Fei at so Bai Yun Xian.

avataravatar
Next chapter