12 “Memories (1)”

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Masayang nakahilata sa kandungan ni Jun Wu Xie ang munting pusang itim, ninanamnam ang haplos ng dalaga.

[Mistress, hindi ligtas para sa 'yo ang Palasyo ng Lin, dapat na ba tayong lumikas?] Tanong ng munting pusa. Ang mga pangyayari ngayong araw ay nagpapahiwatig lamang ng napipintong pagbagsak ng Palasyo ng Ling. Malinaw ang nais iparating ng Palasyo ng Kamahalan sa mga kilos nito.

"Hidni tayo aalis." Mahinahong sagot ni Jun Wu Xie.

Ang mundong ito ay naiiba sa mundong kaniyang pinanggalingan. Bagama't unti-unti nang bumabagsak ang Palasyo ng Lin, matuturing pa rin itong kanilang pinakaligtas na matutuluyan.

At kahit na isa siyang bihasa sa larangan ng medisina, hindi nito maikukubli ang katotohanan na siya ay masiyadong mahina sa kasalukuyan, sa isang kakaibang mundong nababalutan ng panganib.

"Ang kapangyarihan ng mga Lin ay nakasalalay kay Jun Xian. Ngayong narito na ako, sisiguraduhin kong hindi siya mamamatay nang basta-basta." Paghahayag ni Jun Wu Xie, ang kaniyang kilay bahagyang naka-angat. Hindi niya bibiguin ang sinumang naisin siyang protektahan.

"Ang kayarian ng katawang ito ay masiyadong mahina, maging contractual spirit' ay wala. Kung mayroon ako nito, matitiyak ko ang kaligtasan ko sa mundong ito."

"Ano ang contractual spirit?" Salat sa kaalaman patungkol sa mundong ito ang munting pusang itim.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kanang kamay, at ipinakita ang palasingsingan.

Ang kaniyang mga daliri, malambot at makinis, at hugis kandila.

Karaniwang may lumilitaw na singsing sa kanang palasingsingan ng sinuman sa oras na sumapit ito sa kaniyang ika-labing apat na taon. Bagay na wala sa kaniya sa kasalukuyan.

"Meow"? Kapit-kapit ng mabalahibong paa ng itim na pusa ang mga daliri ng dalaga, habang hinihimuran ito.

Maya-maya pa ay biglang napatingin at namangha ito sa kaniyang nakita!

[Mistress, mukhang may kakaibang kapangyarihang bumabalot sa iyong daliri. Nakasisiguro ka bang hindi ito isang contractual spirit?] Ramdam ng itim na pusa ang bakas ng pagbabagong ispiritwal kahit na gaano pa ito kabahagya.

Bahagyang napataas ang kilay ni Jun Wu Xie sa narinig dahil wala siyang makitang anumang kakaiba sa kaniyang palasingsingan. Ngunit nang hinaplos niya ito, nakaramdam ito ng kakaibang daloy ng kapangyarihang ispiritwal. Ang kaniyang puso'y nagalak sa bagong natuklasan habang nararanasan ang patuloy na pagtitipon ng kapangyarihan sa kaniyang palasingsingan.

At biglang nabalot ng liwanag ang buong silid!

Isang puting lotus na nababalot ng mala-pilak na liwanag ang biglang lumitaw sa hangin.

"Meow."

[Isang bulaklak?] Napakurap ng ilang beses ang itim na pusa bago lumingon kay Jun Wu Xie nang may pagaalinlangan.

Ang mga contractual spirits ay nahahati sa dalawang uri. Ang isa ay maaaring mag-anyong sandata, habang ang isa naman ay maaaring mag-anyong makapangyarihang hayop o halimaw.

Ngunit ang kay Wu Xie ay isang putting lotus... Ang halamang contractual spirit ay bago sa kanilang pandinig.

Dahan-dahang inabot ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay habang lumalapag ang puting lotus sa kaniyang palad

Sinusuri ni Wu Xie ang lotus nang biglang may kumatok sa kaniyang pintuan.

Sa pagkakataong iyon ay biglang naglaho ang puting lotus na parang bula.

"Pasok." Naiinip na sagot ng dalaga.

Agad na pumasok si Jun Wu Yao at sumadal sa kaniyang pintuan, sa kaniyang mga kamay ay tasa ng mga gamot.

"Oras na para sa iyong gamot."

avataravatar
Next chapter