17 “Little White Lotus (2)”

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Saan nanggaling ang bubuwit na 'to?

Ang maganda nitong mukha at mga bilugang mata ay puno ng hinagpis habang nakatingin kay Jun Wu Xie na para bang may nagawa siyang masama.

"Halimaw!" Sigaw ng itim na pusa, ang paningin ay hindi inaalis sa batang lalaki.

"Hindi ako isang halimaw!" Sumbat ng batang lalaki. Maging ito ay nagulat sa kaniyang pagbulalas habang hawak-hawak ang sariling niyang kamay.

"Sino ka?" Nakatuon ang buong pansin ni Jun Wu Xie sa bata at puno ng pagkamangha

[Ipatapon mo na siya! Ang batang 'to, sigurado, isa siyang halimaw!] Patuloy ng pusang itim. Namamanhid. Hindi mawari ang kaniyang natunghayan. Magmula nang mapadpad sila sa mundong ito, maramuing kakaibang bagay ang mga nangyayaring hindi niya maunawaan ng lubusan.

Biglang umiyak nang walang palya ang bata nang marinig nito ang sinabi ng pusang itim na dapat siyang ipatapon.

"Hindi ako isang halimaw. hindi niyo ako maaaring ipatapon nalang! Ako ang iyong contractual spirit! Contractual spirit! Paano mo masisikmurang ipatapon nalang ang iyong contractual spirit…" Pahayag ng patuloy na umiiyak na batang lalaki. Habang nakatingin kay Jun Wu Xie, bakas ang mga luha sa kaniyang mukha nang biglang nabalutan ng halimuyak ng lotus ang buong silid.

"Hindi ko inakala na maaaring mag-katawang tao ang mga contractual spirit?" Ang pasalungat na sagot ni Jun Wu Xie sa bata. Walang maaaninag na anumang awa mula sa magandang mukha ng dalaga.

Galit na tumingin ang batang lalaki kay Jun Wu Xie at nagsabing, "Ako nga ang contractual spirit mo. Kung ayaw mong maniwala, magpapalit ako sa anyong mas pamilyar sa iyo."

Dahan-dahang tumayo ang bata, pilit pinipigilan ang pagluha nang biglang itong maglahong parang bula. Sa kaniyang dating kinatatayuan, isang napakagandang puting lotus ang lumitaw at lumulutang sa hangin.

"…" Hindi malaman ni Jun Wu Xie kung paano tutugon sa sobrang pagkabigla.

*poof*

Muling naglahong parang bula ang puting lotus at pumalit dito ang batang lalaki.

Sa mga oras na iyon, biglang naalala ni Jun Wu Xie ang mga salamangkero mula sa kaniyang dating mundo.

"Naniniwala ka na ba sa akin ngayon?" Masugid na pinanood ni ng batang lalaki ang magiging tugon ni Jun Wu Xie.

Batid niya na maging sa kaniyang mundo siya ay kakaiba mula sa karamihan, ngunit hindi pa rin nito maikakaila na isa pa rin siyang contractual spirit!

Malayang sinuri ni Jun Wu Xie ang kaniyang "contractual spirit". Noong una ay hirap niyang tanggapin na ang naitalaga para sa kaniya ay isang halamang contractual spirit, ngunit napa-isip siya nang makita niya ang kakayanan nitong magbago ng anyo. Gayunpaman, kung susuriin ang pangangatawan nito, bukod pa ang kakayanan nitong makipaglaban, tiyak na hindi ito makakatagal sa labanan.

"Walang kuwenta pa rin." Nakasamingot na sabi ni Jun Wu Xie. Hindi ikinakaila ang kaniyang pagkadismaya sa naitalagang contractual spirit sa kaniya. Malayo sa kaniyang inaasahan.

Dahil sa kaniyang pagkadismaya, hindi napansin ni Jun Wu Xie ang muling pangigilid ng luha ng hindi mapanatag na puting lotus matapos marinig ang mga binitawang salita ng dalaga.

"…Paki-usap, 'wag mo akong ipagtabuyan. Ma… Malaki ang maitutulong ko. Kapaki-pakinabang pa rin ako." Hikbi nit okay Wu Xie. Batid nito ang pagkamuhi ng kaniyang master kung kaya't kumapit ito sa kaniyang binti, kasabay ng pagbaha ng kaniyang mga luha.

"Makakatulong ako sa iyo Master. Paki-usap, huwag mo akong itapon pabalik." Pilit ng munting lotus habang mahigpit na nakakapit kay Wu Xie sa takot nitong tahasang pagtanggi.

"Itapon pabalik? Saan?" Tanong ni Wu Xie nang marinig ang mga salita mula sa munting lotus matapos makabalik sa kaniyang ulirat.

avataravatar
Next chapter